Chapter 19

3.8K 132 53
                                    


Seulgi's POV

"Seungwan naman! Nung lumipat ka samin eh di naman ganito karami yung dala mo!" Reklamo ko habang binubuhat ang isang box

"Ewan ko nga eh!" Sabi namn niya habang nilalabas ang dalawang maleta


1 month na kasi at uuwi na sila Papa bukas at ngayon na lalayas tong babaeng toh. Nung nailabas na namin ang lahat ng gamit niya ay naghintay kami sa labas ng gate kasi kukunin siya ng driver nila. Lalakarin lang naman sana ang bahay nila dahil 3 blocks away lang naman kaso marami siyang dala.

"Wendy?"


Napatingin naman kaming dalawa ni Wendy sa nagsalita. Nakita namin ang isang kakatapos lang yata naligo na si Irene. Medyo basa yung white loose shirt niya dahil sa basa niyang buhok. Wet look si crush at ang.......hot. Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Oy Irene!" Bati ni Wendy


Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na lumapit si Irene samin. Napaayos naman ako ng upo sa isang box ni Wendy.


"Ba't maraming gamit dito?" Tanong niya habang nakatingin sakin na parang ako ang tinatanong niya


Napatingin din ako sa kanya pero agad din akong umiwas.


"A-ahh, babalik na k-kasi si W-wendy sa k-kanila." Nauutal kong sabi


Ba't.....ba't kasi ang hot mo crush?!

Pagkatapos kong magsalita ay tumango lang si Irene at tumahimik na kami tatlo. Ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin ang kotse nila. Agad naman namin tinulungan si Manong Driver sa paglagay ng gamit sa sasakyan. Tumulong din Irene sa pagbuhat ng gamit.

"Sama kayo?" Tanong ni Wendy


Aayaw sana ako ng biglang hilahin ni Irene ang kamay ko papasok ng kotse nila Wendy. Pagdating namin kila Wendy ay agad namin siyang tinulungan na ipasok sa bahay nila ang mga gamit niya.


"Gusto niyong magmeryenda muna?" Alok ni Wendy

Sasagot na sana ako ng 'Oo' pero hinawakan ni Irene ang kamay ko at pinisil ito.

"Huwag na, Seungwan. Parang uulan na rin oh baka maabutan pa kami." Sabi niya at hinila ako patayo


Tumango nalang si Wendy at nagpaalam na kami. Habang naglalakad kami ay di ko mapigilan na bumusangot. Sinulyapan ko si Irene na ngayon ay katabi kong naglalakad. Napapout nalang ako. Si Irene kasi eh! Kung di ko lang talaga siga crush baka nabatukan ko na toh! Kasi unang-una, ayaw kong sumama sa bahay nila Wendy kasi tinatamad ako. Pangalawa, ako na nga ang pinagod niya eh di pa niya ako pinakain sa bahay nila Wendy. Psh.



"Oh? Ba't ka nakabusangot diyan?" Bigla niyang tanong at sinulyapan ako

Inirapan ko naman siya at ngumuso. Di ko siya sinagot. Magsasalita pa sana aiya ng bigkang bumuhos ang malakas na ulan. Sht.

Agad kong pinayungan si Irene gamit ang jacket kong dala kaya naiwan nalang ang manipis na white shirt ko. Basang-basa na ako pero wala na akong pake. Napatingin naman ako sa paligid at may nakita akong parang waiting shed. Agad kong hinila si Irene dun para sumilong. Pagdating namin dun ay agad kong pinatong sa balikat ni Irene ang jacket ko.

"Paano ka?" Tanong niya

Nginitian ko lang siya.

"Okay lang ako." Sabi ko


Akala ko magiging tahimik na pero bigla ulit siyang nagsalita.



"So bakit ka nga nakabusangot? Sasagot ka o sasagot ka?" Tanong niya


Napairap nalang ako bago sumagot.

"Pinagod at pinilit mo kasi akong sumama kila Wendy tas ngayon di mo man lang muna ako pinakain." Nakabusangot kong sabi


Nakita ko naman na napairap siya. Psh.

"Mahal mo ko kaya tulungan mo kong tulungan ang mahal ko." Seryoso niyang sabi



Ganun pala yun, Irene? Haha.



Di ko nalang pinansin ang sinabi niya at pinigilan ang sarili ko sa pagiyak. Niyakap ko siya ng mahigpit. Siniksik ko ang sarili ko sa kanya at ang mukha ko sa leeg niya.



"Nilalamig ako. Mahal kita kaya yakapin mo muna ako.....kahit ngayon lang."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now