Chapter 13

3.4K 119 26
                                    


Seulgi's POV

Tamad akong naglakad papuntang classroom namin. Late akong nagising at di ko na naabutan si Irene. Aish! Si Irene kasi eh! First time na ganun siya kalapit sakin. Di tuloy ako nakatulog.

Napadaan ako sa cr ng may lumabas na babae at biglang nahimatay pero buti nalang nasalo ko agad.

"Miss-----Irene!"

Nataranta ako ng makitang si Irene pala ang babae. Agad ko siyang binuhat at dinala sa infirmary. Pagdating namin dun ay agad siyang inasikaso ng nurse. Nilalagnat pala siya. Nag-aalala naman akong tumabi sa kanya. Hinaplos ko ang mukha niya.

Ang hirap mag move on, crush. Lalo na kung ayaw ng puso ko.

Agad ko naman inalis ang kamay ko ng bigla niyang minulat ang mata niya.

"Okay ka na?" Tanong ko sa kanya

Di niya ako sinagot at nilibot ang paningin niya sa loob ng infirmary.

"Ikaw ang nagdala sakin dito?" Tanong niya

Ngumiti naman ako at tumango. Di naman nakaligtas sakin ang pagkadisappoint ng mukha niya.

"Hmm, salamat. Sige, umalis ka na." Sabi niya at tinalikuran ako

"Hmp! Ayoko!" Parang bata kong sabi

Hinarap naman niya ako at pinalo sa kamay.

"Anong ayoko? Umalis ka n-----"

"Nurse! Ang init ko!" Sigaw ko at ngumisi kay Irene

Mapakunot naman ang noo ni Irene at magsasalita pa sana pero nakalapit na ang nurse sakin. Hinawakan naman ng nurse ang noo ko at napailing.

"Ms. Kang, wala kang lagnat." Sabi ng nurse

"Thermometer." Sabi ko

Tinitigan naman ako ng nurse pero nagacting akong nanghihina. Napabuntong hininga nalang siya at binigay sakin ang thermometer.

"Ahm, nurse? Cr muna ako." Mabilis kong sabi at agad lumabas ng infirmary dala ang thermometer

Pagkalabas ko ay agad akong lumapit sa isang water dispenser. Agad kong pinuno ng mainit na tubig ang isang plastic cup at nilagay dun ang thermometer. Di ko rin pinatagal ang thermometer at agad bumalik sa infirmary.

"Nurse oh." Sabi ko at nagact ulit na nanghihina

Tinignan niya naman ito at napalaki ang mata.

"Ang taas ng lagnat mo! Sige, higa ka dun." Sabi niya

Agad naman akong humiga sa kama na katabi ng kay Irene. Tumingin naman ako kay Irene at ngumiti ng malapad.

"What the? Nilalagnat ka talaga?!" Naiirita niyang tanong

Ngumiti lang ako at lumapit sa kanya.

"Di noh! Tinulungan lang ako ng kaibigan kong water dispenser." Pasigaw na bulong ko sa kanya at kumindat

Inirapan naman niya ako pero di nakaligtas sakin ang maliit na guhit sa labi niya.

"Oh inumin mo toh." Sabi ng nurse

Agad ko naman kinuha ang gamot pero di ko pa iniinum. Hinintay ko muna na umalis ang nurse. Pagkaalis niya ay agad akong uminom ng tubig at nilagay ang gamot na binigay niya sa bulsa ko.

"Tss."

Napatingin naman ako kay Irene.

"Ba't mo ba gustong manatili dito?" Tanong niya

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nandito ka kasi. Ayaw kong mag-isa ka dito." Sabi ko

Umiwas naman siya ng tingin at tumalikod sakin.

"Matulog ka na nga lang."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon