Chapter 11

3.4K 135 32
                                    


Seulgi's POV

"Seungwan-ah! Halika na bilis!" Sigaw ko kay Wendy

Nasa labas na ako ng bahay namin at hinihintay si Wendy. Nagmamadaling lumabas si Wendy kaya nauna na ako sa kanyang lumabas ng gate. Pagbukas ko ng gate ay nagulat ako ng makitang nasa labas si Irene.

"I-irene..." Tawag ko sa kanya at gulat pa rin

Tinanguan niya lang ako at sumilip sa may likuran ko.

"Tara na?" Aya ko sa kanya

Imbes na sagutin niya ako ay tinulak niya ako sa tabi at nilagpasan ako. Muntik na akong matumba pero buti nalang napahawak ako sa may gate. Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Irene na nakangiting kausap si Wendy. Nagusap kang sila habang ako naman nakasunod sa likod. Nakatingin lang ako sa magkahawak na kamay nila Irene at Wendy. Aga-aga basag na puso ko.

"Kkangseul!"

Napatingin naman ako kay Joy na patakbong lumapit sakin habang nakasunod sa kanya si Yeri. Aakbayan sana ako Joy pero agad kong hinawakan ang kamay niya. Kinuha ko din ang kamay ni Yeri at hinawakan ako.

"Dito lang kayo sa tabi ko. Ayokong maging loner." Nakapout kong sabi

Napatingin naman sila sa harapan namin (Irene at Wendy) at napatango nalang. Malapit na kami sa gate ng makita kong papasok si Krystal. Tatakbo na sana ako ng may naisip ako. Bago ako tumakbo ay pinaginterlpck ko ang kamay nila Yeri at Joy.

"Yeri libre mo ko mamaya ah?!" Sigaw ko saka tumakbo

Sinadya ko naman na dumaan sa gitna nila Wendy at Irene kaya napahiwalay ang magkahawak nilang kamay.

"YAH! KANG SEU-----"

Di ko na pinatapos si Irene at agad tinawag si Krystal.

"SOOJUNG-AH, DDEULGI WANTS A HUG!" Sigaw ko at agad siyang niyakap

Bago pa makapagsalita si Krystal ay agad na akong nagsalita habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Soojung-ah, gusto kong umiyak."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon