Chapter 25

4K 135 54
                                    


Seulgi's POV

Nagising ako ng biglang tumunog ang alarm ko. Agad kong kinuha ang phonr ko at tinignan ang oras.

"5 na pala. Hihintayin ko pa naman si Irene---------"

Napatigil ako ng maalala ko ang nangyari kahapon at ang mga sinabi ni Krystal.

"I think you need to move on. Marami pang iba diyan, Seul. You need to be happy. Di lang dapat siya ang maging masaya, ikaw din."

Napabuntong hininga nalang ako at naghanda na para pumasok. Pagkatapos kong magbihis at kumain ay umupo muna ako sa may sala namin at hinintay na mauna si Irene. Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarinig ako ng pagbukas ng gate nila Irene kay tumayo na ako. Pagkalabas ko ng gate ay kinuha ko ang phone ko para magpatugtog. Nagsimula na akong maglakad ng biglang may humawak ng kamay ko. Tumingala naman ako at nagulat ako ng makita ko si Irene.

Napalunok naman ako at nag-iwas ng tingin. Napansin kong nagsasalita siya pero di ko marinig dahil nakaearphones ako. Bigla naman niyang tinanggal ang earphones ko at pansin ko na naiinis siya.

"Ano nanaman ginawa ko?" Bigla kong sabi

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko at kahit ako ay nagulat din.

"I m-mean.....anong kelangan mo?" Tanong ko at nag-iwas ng tingin

Hindi siya sumagot kaya napatingin ulit ako sa kanya.

"Irene, anong kelangan mo? Malelate na ako oh." Sabi ko

Nag-iwas naman siya ng tingin.

"W-wala-----"

"Wala naman pala. So una na ako?" Sabi ko at naglakad na kahit di pa siya nagsasalita

Narinig ko pa na tinawag niya ako pero di ko na siya nilingon.


Pagdating ko ng classroom ay agad akong sinalubong yakap ni Krystal.

"Okay ka lang? Mukha kang Panda ngayon dahil sa eyebags mo." Natatawa niyang sabi

Napapout nalang ako sa sinabi niya.

"2 hrs lang kasi tulog ko. Pero cute pa rin naman ako diba?" Sabi ko

Tumawa naman siya at kumalas sa yakap.

"Oo, cute na panda." Sabi niya at ginulo ang buhok ko

Pinalo ko ang kamay niya at nilagpasan siya. Pagkaupo ko sa upuan ko ay saka ko lang narealize na katabi ko pala si Irene. And speaking of Irene, umupo siya sa tabi ko. Di ko siya pinansin at tinuon sa ibang bagay ang atensyon ko. Nagpasalamat naman ako ng pumasok na ang teacher namin.

Nakikinig lang ako sa discussion ng biglang nahulog ang ballpen ko. Pinulot ko naman ito pero nagulat ako ng may isang kamay ang kukuha sana ng ballpen ko. Agad akong napatingin kay Irene at ganun din siya sakin. Ngumiti ako ng konti at tuluyang kinuha ang ballpen ko pero di ko pa naaangat ang kamay ko ng bigla niya itong hawakan at pinaginterlock kaya nabitawan ko ulit ang ballpen ko.


/dug100x/



Aish, puso kalma pls? Baka lalo kang mabasag.


Napatingin ako kay Irene at lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng makitang nakatingin din siya sakin. Mabilis kong iniwas ang tingin ko at tatanggalin sana ang kamay ko ng bigla niya itong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan.


Irene, stop it please.


Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya nainis na ako. Gusto niya ba talaga akong paglaruan?!

"Irene, ano ba?!" Inis kong tanong sa kanya


Tinignan naman niya na parang bata.

"What?" Inosente niyang tanong


Nginuso ko naman ang magkahawak namin na kamay.

"Yung kamay ko." Sabi ko


Napatingin naman siya sa kamay namin at ngumiti.




"What? I love holding your hands. It makes my heart flutter and happy."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now