Chapter 9

3.4K 132 28
                                    


Seulgi's POV

Sunday ng hapon at gaya kahapon ay nakahilata lang kami ni Wendy sa sala. Hapon na pero di ko parin nakikita si Crush :(

"WENDY!" Bigla kong sigaw at feeling ko pati kapitbahay namin nakarinig ng sigaw ko

"ANO?" Sigaw din niya

"GUTOM AKO!"

"KAININ MO SARILI MO!"

"YAK!"

"MUKHA MO YAK!"

"MAGLUTO KA NGA!"

"TINATAMAD AKO!"

"SIGE NA!"

"ANO BANG GUSTO MO?"

"CAKE O DI KAYA COOKIES?"

"OKAY."

Yup, nagsigawan kami kahit nasa harap namin ang isa't isa. Nagtungo na siya sa kusina at obviously nagbebake. Nasa sala lang ako nakahiga ng biglang may nagdoorbell.

"Seungwan buksan mo!" Utos ko

"Aba't! Hoy may ginagawa ako! Ikaw kaya bumukas since wala kang ginagawa at ikaw ang pinakamalapit sa pinto!" Sigaw niya mula sa kusina

Napakamot nalang ako sa batok ko at lumapit sa pintuan.

Sinong demonyo ang bibisita samin? Tss.

"Oh anong kelanga----- I-irene?" Tanong ko

Di pala demonyo ang bumisita, anghel pala.

Parang lumundag naman ang puso ko dahil nasa harap ko siya ngayon, nasa bahay ko to be exact. Dinadalaw niya ba ako?

"I-irene, napadalaw ka?" Nauutal kong tanong sa kanya

Ang saya ko ngayoooo-----


"I'm here for Wendy. Where is she?"


Parang gumuho naman ang mundo ko sa sinabi niya.

She's not here for you, she's here for Wendy! Malamang nandito crush niya!

Ayoko naaa T_T

"Sinong---- Oh Irene? Pasok ka." Aya ni Wendy

Agad naman akong tinulak ni Irene at pumasok sa bahay KO. Wow ha ako may-ari ng bahay tas itutulak niya ang ako?

Hoy umayos ka! Future wife mo yan kaya pwede siyang pumasok sa bahay mo kung kelan niya gusto!

Ay oo nga naman, future wife ko nga pala siya hihihi....

"Maupo ka muna, Irene. Tatapusin at ilalagay ko lang ang binebake kong cookies." Nakangiting sabi ni Wendy at pumunta na sa kusina

Naiwan naman kami ni Irene sa sala.

"Crush, ba't ka nga pala napadalaw?" Tanong ko ulit sa kanya

Gaga lang? Nandito nga kasi siya para kay Wendy!

Inirapan niya ako at sumandal sa sofa.

"Gusto kong makita si Wendy." Casual niyang sabi

Aray ha.

"Eh ako? Gusto mo rin ba akong makota kaya nandito ka?" Umaasa kong tanong sa kanya

At parang lalong gumuho naman ang mundo ko sa sunod niya sinabi.

"Nope. Kung pwede nga lang paalisin kita dito but sayo nga pala ang bahay na toh." Disappointed niyang sabi

ARAY TALAGA BESHIE.

"Ah ganun ba? Hehe..." Awkward kong sabi

After nun ay di na ako nagsalita pa at ganun din siya. In-on ko nalang ang tv para iwas awkward silence kami. Nabaling naman sa tv ang atensyon niya habang ako nakatitig lang sa side profile niya.

"Staring is rude." Sabi niya pero di parin tumitingin sakin

"Edi rude na kung rude. And you're also rude, you're so beautiful to the point na mababaliw na ako sayo." Seryoso kong sabi habang nakatitig parin sa kanya

"Annoying bear." Rinig kong bulong niya

Napangiti naman ako. Bear... I like it.


"If I need to be an 'Annoying Bear' for you to notice me, then I'll be more than willing to annoy you."

Hey, Crush? | k.sg x b.jhWhere stories live. Discover now