Chapter 29

4K 133 32
                                    


Seulgi's POV

Kakatapos lang ng recess namin at pabalik na ako ng classroom namin. Papasok na sana ako ng may tumawag sakin na lalake. Matangkad, gwapo, maputi, malakas ang dating pero mukhang mas matanda sakin at hindi yata taga dito. Lumapit naman ako sa kanya.

"Ano po yun?" Tanong ko

Nginitian naman niya ako.

"Kaklase mo ba si Irene? Irene Bae." Tanong niya

Si Irene? Kaano-ano niya si Irene?



"Opo." Sagot ko


Bigla naman niyang inabot sakin ang isang paper bag.

"Paki-bigay sa kanya. Nakalimutan niya kasi." Sabi niya


Kinuha ko naman ito at tumango sa kanya. Di ko na siya pinagsalita pa dahil umalis na ako. Pagkapasok ko ng classroom ay agad akong lumapit kay Irene. Mukhang nagulat naman siya nung lumapit ako sa kanya.

"Pinapabigay. Manliligaw mo yata." Sabi ko at inabot sa kanya ang paper bag


Napakunot naman ang noo nito at tinignan ang laman ng paper bag. Di naman nakaligtas sakin ang pagngiti niya. Psh.


-------------------------------------------

Next morning.....

Di katulad nung mga nakaraang araw, late akong nagising ngayon. Palabas na ako ng gate ng makarinig ako ng tunog ng motor. Agad akonh lumabas para tignan kung sino may ari.


Paglabas ko ay saktong paglabas din ni Irene sa bahay nila. Di niya pala ako hinintay. Tss.

"Oppa, ingat ka!" Rinig kong sabi niya


Nakita ko naman na tumawa ang lalaking nasa motor. Wait, siya yung lalake kahapon ah?

"Eyy~ Halika nga. Hatid na kita." Rinig kong sabi ng lalake


"Eh? Baka malate ka." Sabi ni Irene at nagpout


Napaiwas naman ako ng tingin. Psh ba't nagpapacute siya sa lalakeng yan?

"Asus! Halika na bilis!" Sabi ulit ng lalake


Ewan ko pero nainis ako. Ba't ba niya pinipilit si Irene?! Eh ayaw nga niya eh!

Agad naman akong mapatago sa gate namin ng biglang lumingon sa gate namin si Irene. Sinilip ko siya at nakita kong nakatingin siya sa bahay namin at napabuntong hininga. Akala ko di siya sasakay pero umangkas na siya sa likod ng lalake at yumakap sa bewang ng lalake.


Tss.

---------------------------------------------

Dismissal time na at nandito kaming magkakaibigan sa may gate ng school. Uuwi na sana kami ng biglang magsalita si Irene.

"Guys, di ako sasama sa pag-uwi. Susunduin kasi ako ni Oppa." Sabi niya

Agad naman nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Yung lalaki nanaman?!



Akala ko magtatanong sila Joy lung sino ang 'Oppa' ni Irene pero nagulat ako ng tumango sila at mag-'okay'. May pahabol pa nga si Krystal na 'Sabihin mo sa kanya 'Hi' ha? Namiss ko yun!' Kaya lalo akong nagtaka. Tngna sino ba yun?!


"Oh nandito na pala siya." Sabi ni Irene at ngumiti sa driver ng motor na nasa harap namin



Nagpaalam na si Irene at umalis ja sila ng OPPA niya.


Habanh naglalakad kami pauwi ay di ko natiis na tanungin si Krystal kung sino yung lalake.

"Soojung, sino ba yung lalake na yun? Bago niya? Akala ko ba sila na ni Wendy? Ang pangit naman ng taste niya." Sabi ko



Nagtaka naman ako ng bigla siya tumawa.


"Seriously, Ms. Kang? Nagseselos ka sa kuya ni Irene?"

Hey, Crush? | k.sg x b.jhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon