1

1.3K 22 0
                                    


A week ago...

"YOU WERE chosen as the sports photographer in our school newspaper. You did a good job in the sample photos that you've submitted to us. Again, welcome to the BAYANI editorial team and we hope to have a good work relation soon. I am Sheryl Corpuz, the editor in chief."

"Thank you so much, Ms. Sheryl. I will work hard for the position you've given me." Masayang nagpasalamat si Maye Belle sa kapwa estudyante at ka-department from the AB Journalism course, na siya ring head ng kanilang school newspaper na may pangalang 'The BAYANI'.

Hindi niya maitago ang kaligayahan dahil unang tapak pa lang niya sa kolehiyo ay napasali na siya sa school newspaper at hindi siya makapaniwala na mapapasama siya, sa dami ng mga estudyanteng nagpasa nang kani-kanyang sample photos and articles para sa newspaper club.

Suwerte yata talaga ang Mike Yamashita, Sony Alpha a99 camera na ina-arbor niya kay Kuya Ken, na pinsan niya. Pangarap kasi niyang maging photojournalist someday, na-inspire siya sa mga taong madalas na pinapanood niya sa TV.

Ang daddy niya na si Elixir Cruise ay isa sa mga namamahala sa States branch ng Legacy, a famous multi-branch fashion clothing and her mom Eireen Cruise was the owner of the CG Advertising company. Bago naging mag-asawa ang parents niya ay may kanya-kanya nang malalaking business na hinahawakan ang mga ito at ngayon nga ay tinutulungan ng daddy niya ang mommy at lolo Gerry niya sa CG Advertising company, kaya sila umuwi sa bansa. Dito siya ipinanganak sa bansa ngunit sa States na siya lumaki at nagsimulang mag-aral.

Tutal ay magaling ang manager sa States branch ng Legacy dagdag na naroon din ang lola Marie—ang mommy ng daddy niya—na mag-su-supervise sa negosyo ng pamilya Cruise, umuwi sila ng bansa.

Sa States siya nag-aral ng gradeschool to senior high school at dapat ay hanggang matapos siya sa kolehiyo, pero dahil medyo nabo-bore na rin siya sa surroundings niya ay sumama na siya dito sa bansa para maipagpatuloy ang pag-aaral, since mas gusto niyang magtrabaho bilang photojournalist dito sa bansa.

"Maye Belle, are you going to cover the basketball game later?" tanong ng isa sa mga kasama niya sa school newspaper, kung hindi siya nagkakamali ay Cristita ang pangalan nito. They also mispronounced her name, pero pinababayaan na lang niya. It's Maye like the month, because she was born May and the Belle was from the Beauty and the Beast, so she was named Maye Belle.

"Yeah, are you coming with me? 'Di ba you're also a journalism student?"

"Yes, magkaklase tayo."

"Nice, what's your name again?"

"Cristita."

"Nice to meet you." Nakangiting nakipagkamay siya.

AFTER ng PM Class nila ni Cristita ay dumiretso sila agad sa campus gym para panuorin at kumuha ng mga litrato ng basketball game para sa sport section ng kanilang school newspaper. She was awed by the performance of that jersey number sixteen player that a surname of Lin. May pagka-chinese ang hitsura at apelido nito, siya man ay may one eight na American sa dugo niya dahil sa great grandfather niya at one sixteenth na Chinese blood dahil sa great great grandfather niya—kaya may mala-chinese-filipino-american ang features siya.

Bukod sa napakaguwapo ay napakahusay din ng manlalarong si Lin, napakaamo din ng mukha at smiling face. Dahil freshman pa lamang siya at hindi niya kakilala ang binata ay kinailangan niyang mag-inquire tungkol sa lalaki. His name was Jeric Lin, a twenty year old senior student from the Political Science department and a dean's lister, captain of the basketball team and also a campus heartthrob. And in an instant, she had developed a crush on him, pero hindi lang siya ang humahanga dito, dahil punong-puno rin ang school gym nila ng fangirls nito.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now