4

594 22 0
                                    

"Crush na crush mo talaga, e, 'no?" natatawang sabi ni Ruby.

"Oo, e." pag-amin niya. Dumiretso na ang dalawang kaibigan niya sa BAYANI club, siya naman ay dumiretso sa basketball court para ibigay ang sweets na ginawa niya para kay Jeric. Hindi muna siya stalker for today, kundi fan.

Nang makarating siya sa court ay napakamot siya ng baba nang makita niyang napapaligiran si Jeric ng maraming babaeng nagbibigay ng mga sweets dito. Mapapansin pa ba ang ginawa niyang sweets kapag itinabi niya 'yon sa mga sweets na ibinigay ng iba pang admirers ng binata? Makakasingit ba siya sa mga naroon?

Sa huli ay nagpasya pa rin siyang tumuloy sa loob para ibigay ang sweets, nakisingit siya sa kapwa admirers niya at muntik pa siyang mapasubsob sa harapan ni Jeric, mabuti na lang at mabilis siyang inalalayan nito, nainggit tuloy ang mga fellow admirers niya.

"Are you okay, Maye?" tanong ni Jeric sa kanya, kaya lihim siyang napangiti.

Napangiti siya sa loob-loob niya. "I'm fine, thanks!" Pumapalpak tuloy ang puso niya. saka mabilis na inabot ang hawak niyang box of sweets. "Ginawa ko para sa 'yo. Fan mo kasi ako."

Ngumiti ito at mabilis na kinuha ang ibinigay niya. "Thanks." saka inilapag ang box sa tabi ng ibang sweets na natanggap nito, bago ito nagpaalam sa kanilang lahat dahil magsisimula na ang practice game. Kumaway na lang siya sa binata kahit hindi na ito nakangitin sa kanya.

"Akala mo kung sinong maganda."

"Sobrang KSP, bigla na lang sumingit."

"Mukhang rich kid kaya may pagka-bratty."

"Yeah, I saw her riding in a very expensive car last time."

"Whatever!"

Mabilis na napalingon si Maye Belle sa mga babaeng naririnig niyang nagsasalita sa kanyang likuran, nang makita siyang nakatingin sa mga ito ay nag-iwas ng tingin ang mga ito. Hindi niya naiwasang mapakunot-noo.

"Sorry okay, naitulak lang naman ako dito sa harapan kanina, e." aniya. Ngunit hindi na siya pinansin ng mga ito at nagsi-upuan na lamang ang mga ito. Napailing na lang siya ng lihim.

Spoiled brat. 'Yon naman ang laging tingin sa kanya ng iba e, pero kahit naman galing siya sa mayamang angkan, hindi naman siya gano'n sa iniisip ng iba. Natutunan niyang makibagay sa mga tao dahil sa mga magulang niya. Kaya hindi niya maiwasang masaktan sa tuwing jina-judge siya ng ibang taong hindi nakakakilala sa kanya nang mabuti.

'Yon ngang mga kaibigan niya na hindi alam na galing siya sa mayamang pamilya ay tinatawanan siya dahil napaka-jologs niya; like sa paggamit ng mga malalalim na tagalog words na itinuro ng mga pinsan at daddy niya, ang lola Marie din niya ang nagturo sa kanya sa pagsasalita ng wikang Filipino, pagkain ng mga pinoy na pinoy na pagkain tulad ng mga tusok-tusok at mga lutong Ilokano sa V's cuisine at kung anu-ano pa.

Napabuga na lamang siya ng hangin at tuluyang lumabas sa gym. Madami siyang mga friends sa States na sobrang natutuwa sa pagiging siya, at ang iba pa sa mga 'yon ay hindi niya kalahi. Ang weird nga dahil kung sino pa ang hindi niya kalahi ay 'yon pa ang mga nakakatanggap kung sino siya and they didn't care about her status.

Habang naglalakad siya pabalik sa newspaper club ay nagulat siya nang biglang may bolang gumulong sa paanan niya na mabilis naman niyang pinulot at nagtaas ng tingin para makita kung saan galing 'yon—galing pala 'yon sa masungit na lalaking palapit sa kanya. Bakit kaya lagi itong mag-isang naglalaro doon? At parang hindi niya ito nakikitang may ibang kasama.

Nang makalapit sa kanya ang lalaki ay inagat nito ang isang kamay para kunin sa kanya ang bola ngunit hindi niya agad ibinigay 'yon at itinago pa 'yon sa kanyang likuran.

"The ball!" masungit na sabi nito sa kanya.

"Ayoko."

Kumunot ang noo nitong mas lalong napatitig sa kanya. "Don't tell me you also got a crush on me?" naka-smirk na sabi nito.

Nanlaki ang kanyang mga mata sa narinig na sinabi nito. "You're not Jeric!" mabilis na depensa niya.

Hindi niya alam pero biglang nag-iba ang aura nito sa pagkakasabi ng pangalan ng kanyang crush. "I know." Anito, saka nito mabilis na inagaw sa kanya ang bola. Akmang aalis na naman ito nang siya naman ang humarang sa daraanan nito.

"Bakit lagi kang mag-isa dito? Bakit hindi ka na lang sumali sa basketball team? Kaano-ano mo si Jeric?"

Bumuga ito ng hangin bago ito sumagot. "Give me a valid reason why should I answer your questions."

"Na naman?" nakakamot sa ulo na sabi niya. Ibang klase din ang lalaking ito, e. Lahat dapat may rason. "Kasi nga member ako ng newspaper club at kumakalap ako ng iba't ibang balita dito sa school campus."

"You're a member of the school newspaper?" anito.

"Yes, why?"

"Then are you going to cover the engenireeng department robotics day?" anito.

"Wala pa naman nasasabi ang mga seniors ko tungkol d'yan."

"Eh, paano, lagi kayong naka-focus sa basketball team? Hindi rin kayo bias, e." naiiling na sabi nito.

"Eh, sa mas marami kaming readers kapag basketball team at si Jeric ang topic, e."

"Yeah, whatever." Naiiling na sabi nito. Akmang aalis na ito nang muling pigilan niya ito.

"Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko."

"You don't need to know."

"Curious nga ako."

"Why?"

"What?"

"I'm busy right now, you can leave."

"I will feature your robotics' day." Aniya, na ikinatigil nito.

"Why?"

"It's sounds interesting."

"Baka walang magbasa sa newspaper ninyo."

"We can't tell." Nakangiting sabi niya. "When will be that day?"

"If it flops, don't blame me. That will be next week, Tuesday."

"Got it!" aniya. "Pero you need to answer my questions."

Hindi ito agad nakasagot. "Fine!" sa huli ay sabi nito. "I have friends and I'm playing here all alone because they don't play basketball as much as I do. At hindi ko na kailangang sumali sa basketball team dahil baka biglang mawala sa limelight ang crush mo." Natatawang sabi nito.

"Are you mad at Jeric? I thought you're his family member?"

"Yeah, he's my brother. So?"

Nanlaki ang kanyang mga mata. "B-Brother?"

"Kung bingi ka, huwag mo akong kausapin." Anito, saka na ito lumayo sa kanya. Napailing-iling ito. "Bakit ko ba nasabi sa 'yo?" parang nagsisising wika nito. Hindi siya kaagad nakaalis sa kinatatayuan niya habang pinapanood nag lakaking nagsisimula nang maglaro ng basketball.

Kaya pala may kamukha ito—kapatid pala ito ni Jeric Lin! Pero parang mas angat ang kagupuwahan ni Jeric, though hindi naman sila nagkakalayo. Mas matangkad din si Jeric dito, mas may dating at mas sikat. Pero hindi rin niya maiwasang mag-wonder sa kapatid niyang ito, e. Who is Jeron Lin?

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now