15

582 16 0
                                    


KINABUKASAN ay nabungaran ni Maye Belle sa entrance gate ng school si Jeron na mukhang naghihintay sa kanya, naka-ready na ito sa suot nitong jersey uniform dahil may early practice game daw ang basketball team. Nang makita siyang bumaba mula sa sasakyan niya ay agad itong ngumiti at kumaway sa kanya, ngunit hindi niya ito pinansin, nilagpasan pa niya ito, kaya nagulat na lang siya nang umagapay ito sa kanya sa paglalakad.

"'Uy Maye..." anito. Of course, it's 'Ma-Ye' again. "Galit ka pa rin ba sa akin?" anito, kapagdala'y humarang ito sa daraanan niya. "Sorry na, hindi ko naman gustong biruin ka e, saka kung gusto mo ituloy natin 'yong ki—"

"Stop!" mabilis na sansala niya dito, saka niya ito nilagpasan, pero mabilis uli itong nakaharang sa daraanan niya.

"Hindi ako nakatulog buong magdamag dahil galit ka sa akin, tingnan mo 'tong eyebags ko, ang laki." Anito, napatingin naman siya sa mga mata nito—nangingitim nga ang palibot ng mga mata nito—gusto tuloy matunaw ng puso niya at mapangiti, pero syempre magpapa-hard to get siya, nainis kaya siya dito. "Sorry na, 'di na ako bad." Nakalabi pang sabi nito. Nagpapa-cute pa.

"I'm busy. Bye." Aniya, saka na siya nagmamadaling nilayasan ito. Pero hindi niya napigilang mapangiti. Kinilig kasi siya.

Breaktime no'n nang may isa sa mga kaklase niya at tumawag sa pangalan niya, may maliit daw na robot sa labas ng classroom nila na may dala-dalang something at nakapangalan sa kanya, kaya mabilis siyang lumabas. Nakita niyang isang tangkay ng rose na may nakasulat na 'Ma-ye' at may maliit ding natiklop na note.

"'Uy sino 'yan?" nakangiting tukso nina Ruby at Cristita sa kanya.

Kahit hindi na niya kilalanin kung sino 'yon ay may isang tao nang nasa isip niya. Sino ba ang mahilig sa mga robots? At kinilig na naman siya. "Sekreto." Nakangiting sabi niya, saka niya mabilis kinuha ang rose namay note at nagpalinga-linga sa paligid, imposibleng wala doon si Jeron dahil ito ang nag-ooperate ng robot. Nagulat na siya nang gumalaw ang robot at nagsimula nang maglakad palayo.

Nakangiti siyang sinundan 'yon at nang huminto 'yon sa isang likuan ay napangiti siya nang makitang nakatayo doon Jeron at animo'y nagtatago.

Napangiti siya ng lihim nang makita niya itong tila nagulat dahil sa pagkakatuklas niya dito. "So, that's your newly invented 'the walking robot?'" nakangiting tanong niya.

Napakamot ito ng ulo at napangiti. Nakasuot pa ito ng jersey uniform at animo'y kagagaling lang nito sa basketball practice. "Sorry na..."

"Give me a valid reason para mapatawad kita."

"Ahm, kasi guwapo ako?"

Nagsuka-sukaan naman siya sa sinabi nito. Pero kahit pawisan ito at may eyebags, ang guwapo pa rin ng lalaking ito, e. "Unacceptable." Naiiling na sagot niya.

"Kasi we're friends?"

Saglit siyang napaisip bago dahan-dahan na rin tumango. "Puro ka kasi biro, next time 'di na kita kakausapin." Kunwari ay galit na sabi niya, pero kagabi pa nawala ang galit niya dito. "Salamat sa rose." Nakangiting sabi niya, tumango at ngumiti naman ito. "At ano ba ang meron dito sa note na 'to—"

"Wait," sansala nito sa pagbubukas niya ng note. "Aalis muna ako saka mo basahin 'yan," namumula ang mukha na sabi nito. "Bye Maye!" anito, saka na ito nagtatakbo na parang bata tangay ang robot nito. Napangiti at napailing na lang siya.

Saka niya mabilis in-open ang note para basahin 'yon...

"I'm not perfect, I make mistakes, I hurt people. But when I say sorry, I mean it! I'm really sorry and I'm afraid of losing you."

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now