8

551 19 0
                                    



"I'M SORRY, Maye, but I don't think I can accept your packed lunch." Ani Jeric, na ikinahulog at ikinagulong ng puso niya sa maduming semento. "I don't each string bean."

"But he told me that you like adobong sitaw!" aniya. Napabusangot siya sa sinabi ng binata sa kanya, ang aga pa naman niyang nagising kanina para magluto niyon, tapos... OMG! Naiiyak na tuloy siya.

"Who told you about that?" anito.

Napahinto siya sa pagsasalita nang maalala niya si Jeron, they also have a deal na hindi maaaring malaman ng sinuman na ito ang nagbigay ng impormasyon. Pero mukhang mali-mali naman ang impormasyon na ibinigay nito sa kanya, e. Malalagot talaga sa kanya ang lalaking 'yon!

"Someone." Aniya, saka niya mabilis na binawi ang packed lunch. "Sorry, I have to go." Aniya, hahanapin pa kasi niya ang kumag na 'yon!

"Sorry," nahihiyang sabi nito.

Umiling-iling naman siya. "It's not your fault." Aniya, saka na siya nagpaalam sa lalaki.

Mabuti na lang at hindi madaming tao sa gym, kung hindi ay wala na siyang mukhang ihaharap sa mga ito dahil sa ka-epic-kan na ginawa niya. Kailangan na talaga niyang mahanap ang lakaking 'yon na dahilan nang kahihiyan niya kay Jeric, saan kaya nito kinuha ang impormasyon ni Jeric? Malalagot siya sa mga seniors niya dahil sa fake infos ni Jeric, e!

Sa canteen siya nagtungo para hanapin doon si Jeron, ngunit hindi niya ito nakita doon, kaya dumiretso na siya agad sa Engineering department, sa classroom nito, mukhang nag-lucnh na ang lahat ng mga estudyante dahil wala nang natira maliban sa nakita niyang nakaupo sa pinakadulong upuan habang nakatakip ng libro sa mukha.

"'Uy, mister, gumising ka d'yan!" saka niya mabilis na tinanggal ang librong nakatakip sa mukha ni Jeron.

"Bakit na naman ba? I didn't know that you always miss me." Naiinis na sabi nito.

Nanlaki ang mga mata niya sa guts ng lalaking ito. "Hindi ako nagpunta dito dahil sa bagay na 'yan, nagpunta ako dito para dito!" aniya, sabay taas ng hawak niyang packed lunch.

"Hmm... mukhang mabango at masarap 'yang dala mo, ah." anitong napangiti, saka nito mabilis kinuha ang Tupper ware at binuksan 'yon, nangislap pa ang mga mata nito nang makita nito kung ano ang naroon sa loob ng Tupper ware. "You cooked and brought this for me?" anito.

"Kapal!" naiiling na sabi niya. "Ang sabi mo gusto ni Jeric ng adobong sitaw, pero hindi pala niya gusto ng sitaw! Tell me, gawa-gawa mo lang ba ang mga sinabi mo sa akin?" galit na tanong niya, pero halos mapanganga siya nang makita niyang nagsimula nang kumain ang binata nang nakakamay. Mukhang sarap na sarap ito sa ginawa niyang lunch—saglit ay napatulala siya dito.

Bukod kasi sa mukhang sarap na sarap ito sa nilutong niyang ulam ay ang cute din pagmasdan ng binata habang nakakamay at kumakain. Para itong mukhang inosenteng bata na malayo sa masungit, mayabang, conceited na lalaking nakilala niya. Ngunit bumalik din agad ang inis niya sa lalaki at mabilis na inagaw ang tupper ware dito, muntik na tuloy siyang matawa nang para itong batang napadabog pa dahil sa pang-aagaw niya ng pagkain nito, mabuti at na-kontrol niya ang sarili.

"'Uy, hindi pa tayo tapos mag-usap, sagutin mo ang mga tanong ko." Aniya.

Mabilis uli nitong naagaw sa kanya ang tupper ware. "Puwedeng mamaya na? Nagutom kasi ako bigla sa packed lunch mo, e. Wala naman talaga akong ganang kumain ngayon, pero I changed my mind." Anito, saka na nito ipinagpatuloy ang pagkain nito.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now