9

574 20 0
                                    

NAGULAT si Maye Belle nang bigla na lang siyang hilain ni Jeron Lin sa kamay palabas ng classroom nila. Kunot na kunot ang noo nito, na parang kakainin na siya ng buhay. Mukhang sinadya pa siya nito sa classroom dahil mahalaga talaga ang sasabihin nito sa kanya.

"Ano bang kailangan mo sa akin? Malapit na ang susunod na subject ko." Aniya sa lalaki, na pilit kumakawala sa mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay niya. Siguro sa iba ay nagmumukha silang nag-HHWW, pero hindi gano'n 'yon dahil may galit siyang nasi-sense sa aura ng lalaking kasama.

Hindi sumagot si Jeron habang patuloy pa rin sa paglalakad, hanggang sa mapadpad sila sa roof top ng school at doon din siya agad binitiwan saka ito tumalikod sa kanya. Narinig niya itong bumuntong hininga, napabuga ng hangin saka sinuklay ang buhok nito.

"'Uy, ano bang problema mo? At bakit mo ako dinala dito sa roof top?" nagtatakang tanong niya.

Mabilis itong bumaling sa kanya. "Seriously hindi mo alam? Kalat na sa buong campus!"

"Ang alin? Ang ano? Enlighten me!"

Pagak itong tumawa at umiling-iling. Nagulat siya nang mabilis siyang na-corner sa pader, nagambala na naman tuloy ang nananhimik niyang puso nang magkalapit ang kanilang mga katawan at mukha. Gosh, ano bang meron sa lalaking ito at gano'n na lang kalakas ang epekto nito sa kanya? Her heart was beating mad and the butterflies on her stomach gone wild.

"Nalaman na ng buong campus ang tungkol sa isinisekreto ko! At alam kong ikaw ang may kagagawan n'on dahil sa false information na ibinigay ko sa 'yo!"

"What?" gulat na tanong niya. Paano nangyari 'yon? Eh, wala naman siyang natatandaang pinagsabihan, ah! "And your informations were really bogus? Untrue? Japek?" nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Did you erase that part of the video I've told you?"

Shoot! Hindi niya 'yon d-in-ilete nang isubmit niya ang mga ginagawa niya sa news editor nila. Oh my God! Mukhang kasalanan nga talaga niya! Ibig din sabihin ay na-publish na ang ibinigay din niyang informations kay Jeric! At ang malala niyan ay nakasulat ang pangalan niya sa gumawa ng article—na wala namang katotohanan!

"Oh my, God! This is horrible! I need to go!" mabilis siyang nakaalis sa pagkaka-corner ng lalaki sa kanya at akmang lalabas na ng pintuan sa rooftop nang harangan siya ng lalaki. "We'll talk later, I need to see my seniors in the news editing." Nag-aalalang sabi niya.

"Hindi pa tayo tapos!" anito.

"Jeron, mag-usap na lang tayo mamaya, may seryoso akong gagawin!"

"Seryoso din ang pinag-uusapan natin!"

"Fine!" aniya, saka niya inilabas ang phone sa kanyang bulsa para tawagan ang news team, pero nagri-ring lang ang phone ng tinawagan niya. Nasapo niya ang kanyang noo. How could she forget about it? Ang epic talaga! "I'm in trouble because of you!" aniya.

Tumawa ito ng pagak. "Trouble? 'Di ba ako ang dapat magsabi niyan sa 'yo? Dahil sa 'yo kumalat ang tungkol sa sekreto ko! What I'm gonna do now? You—you... Argh!" naiiling na sabi nito.

Napapikit din siyang napailing-iling bago bumaling sa lalaki. "Kapag nalaman ng news team ang tungkol sa false info na ibinigay mo sa akin at mabasa ng buong school, nakakahiya ang pangalan ko! Kabago-bago ko pa lang dito sa school, for goodness' sake!" frustrated na sabi niya. Nakita niyang sumalampak ang lalaki sa semento at sumandal sa pader at napayuko, mukhang pino-problema nga talaga nito ang kumalat na tsismis dito. Tinamaan tuloy siya ng konsensya, kung bakit hindi kasi niya na-delete ang part ng video na 'yon, e. "I-I think this whole thing is just fair, you feel horrible like I am."

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now