11

575 20 0
                                    


"WOW! I'D never thought that Jeron Lin was this excellent! Puwede siyang ipangtapat sa mga magagaling na small forward ng PBA; tulad nina Abueva, Lassiter at Norwood." Narinig ni Maye Belle na sabi ni Coach Alex sa basketball team members noon, nasa likod siya ng bench ng mga coaches at basketball players at katatapos lang ni Jeron na magpakitang gilas sa loob ng basketball court. Bumaling si Coach Alex kay Jeric. "You're brother is a big revelation. Kung hindi dahil sa 'yo at sa pagka-injure si Jared, hindi pa magpapakita ang kapatid mo." Anito.

Umiling-iling naman si Jeric kay coach at mabilis na bumaling sa kanya. "Hindi po dahil sa akin kaya siya nandito," tipid itong ngumiti sa kanya. Napangiti din siya at nag-thumbs up siya sa lalaki. "Nandito po siya dahil mahal niya ang pagbaba-basketball at dahil sa bagong inspirasyon niya." makahulugang sabi nito, saka uli siya tipid na ngumiti sa kanya.

"That's good. Buti ngayon napapayag na rin siya, sa tuwing nakikita ko siyang naglalaro sa open court at everytime kinakausap ko siya ay mabilis siyang nagpapalam sa akin, I wonder what really changed his mind."

"Baka mas matimbang po kasi 'yong taong nag-udyok sa kanya na sumali sa basketball kaysa sa inyo, coach." Natatawang sabi naman ni Scottie. Naging pamilyar na siya sa mga members ng basketball team dahil sa palagiang pagco-cover sa mga ito.

Kumabog ang puso niya nang marinig ang sinasabi ng mga members ng basketball team. Eh, siya kasi 'yong nag-udyok kay Jeron na sumali sa basketball team, pero sumali lang naman doon si Jeron dahil sa agreement nila—hindi dahil mahalaga siya dito.

"We'll announce later the five players who'll join our basketball team." Ani Coach. Na-excite tuloy siya.

Nang matapos ang lahat na magpakitang-gilas ay mabilis siyang nilapitan ni Jeron, nakipag-high five naman siya sa binata.

"How was the experience?" nakangiting tanong niya.

"It was fun, actually." Nakangiting sabi nito. "I was really nervous but I enjoyed the most."

Tumango-tango naman siya. "That's good. I think you did really great among all the twenty plus participants." Aniya.

"'Sus! Huwag mo akong pinagbibibiro." Natatawang sabi nito.

"Asus ka din! Huwag kang magpaka-humble." Natatawa ring sabi niya.

Naputol ang pag-uusap nila nang may mag-excuse sa kanila—it was Jeric, saglit muna siyang nagpaalam sa mga ito para kunwari ay may tatawagan, pero gusto lang talaga niyang mabigyan nang moment ang magkapatid. Nakita niyang nag-iwas ng tingin si Jeron sa kuya nito at tumabi naman si Jeric sa kinauupuan ni Jeron.

"Good luck bro, but you really did an awesome good job a while ago!" narinig niyang sabi ni Jeric sa kapatid, saka ito nagtaas ng kamao—napangiti siya nang nakipag-fistbump naman si Jeron sa kapatid nito.

"T-Thanks." Ani Jeron sa kapatid.

"Akala ko talaga hindi ka na sasali, kinakabahan na ako dahil wala nang tagapagmana ang mga Lin sa Basketball, malapit na akong mag-graduate." Ani Jeric. So, their dad must also be a basketball player too.

"Pero magla-lawyer ka pa naman, ah."

"Mahirap na pagsabayin ang pagbabasketball at pagla-law, kaya kailangan ko ng i-give up ang basketball. Luckily, you did a nice decision. And thanks also to your friend who gave you the courage to join."

"She is your fan."

"But you know what," lumapit si Jeron sa kapatid ay may kung ano itong ibinulong sa nakababatang kapatid na ikinapula ng mukha nito at mabilis itong dumistansya sa kapatid. "Admit it!" anito.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now