3

687 17 0
                                    


"WAIT LANG! Parang kilala ko 'yong guy na nasa open court na naglalaro ng basketball na mag-isa, e." Ani Maye Belle, napatigil siya sa paglalakad kasama sina Ruby at Cristita nang mapasulyap uli siya sa lalaking mag-isang nalalaro ng basketball noon sa open court, on the way na sana sila sa entrance gate ng school para mag-stalk kay Jeric, pero naagaw nga ng atenyson niya ang lalaki. Napahawak siya sa baba niya para alalahanin kung sino na nga ito at mabilis siyang napapitik sa ere—namana na niya yata ang movement ni Baron na pagpitik sa ere. "Oh, my gosh, what is he doing here?" bigla niyang naalala na naka-uniporme din pala ito kahapon nang may logo ng katulad ng suot niya. "He's studying here?" aniya.

"Hindi rin namin siya kilala." Sabi ng mga kasama niya.

Pero saglit siyang napatulala nang makita niyang magaling din itong maglaro ng basketball. He also got the moves and the skills. Kasali din kaya ito sa School basketball team? Pero parang hindi naman niya ito nakikita sa bench kapag may laro ang team. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mabilis itong lumingon sa kanila, naramdaman yata ng lalaki na pinapanood nila ito.

"Why? Kilala mo ba ang lalaking 'yon, Maye?" tanong ni Ruby.

"No," mabilis niyang iling. "Let's get out if here!" nagmamadali na niyang sabi.

Pero napatigil silang tatlo nang marinig nilang sumigaw ang lalaking na nasa 'di kalayuan. "Sandali!" sigaw uli nito. Napalunok siya nang mariin at mabilis nang hinila ang dalawang kaibigan, ngunit mabilis 'ding nakaharang ang lalaki sa harapan nila—mukhang runner din ito sa bilis na tumakbo. "I know you!" sabi nito sa kanya.

"Sorry, I don't know you." Sagot niya, akmang lilihis siya ng daan ay muli itong humarang sa kanya, binitiwan niya sa hawak ang dalawang kaibigan saka mabilis na tinakpan ang mukha gamit ang dalawang kamay para itago ang mukha sa lalaki—kung bakit hindi siya nakapag-disguise last time, nakilala tuloy siya ng lalaking ito.

"Maye, do you really know him?" tanong ni Cristita sa kanya.

Na mabilis niyang ikinailing. "Tara na!" hinawakan niyang muli ang dalawang kaibigan para layasan ang lalaki ngunit hindi ito nagpatinag

"You were that girl from the last time." Anito, it has been three days passed, pero nakapa-retentive pala ng memorya ng lalaking ito. "Exactly! You were that Maye." Anito, pronouncing her name with two syllables again while looking at her nameplate na mabilis niyang itinago. "Kung nakatakas ka sa akin last time, I won't let go of you easily this time." Anito, saka ito ngumisi sa kanya, as if there was a hidden plan that he wanted to do to her.

"Ahm, guys, mauna na kayo sa bench na usapan natin, I'll be right there." Aniya, nagtatakang tumango na lang ang dalawa, bago sila iniwan ng lalaki.

"Look, wala akong ginawang masama doon, okay? Saka sino ka ba at parang affected ka masyado sa ginawa ko? Nakatira ka din ba sa bahay na 'yon? Are you a member of the family Lin? Kaaano-ano mo si Jeric?" mabilis siyang napatingin sa nameplate nito—his name was Jeron Lin. "Oh my God, don't tell me you are the..."

Hindi niya naituloy ang sasabihin nang mabilis itong sumingit. "Sabihin mo kung ano'ng ginagawa mo sa bahay namin last time at bakit ka kumukuha ka ng larawan doon, then I'll let you go." Anito.

Napakamot siya ng ulo, sasabihin ba niyang ini-stalk niya si Jeric? Eh, paano kung bawiin nito ang lahat ng picture ni Jeric na nakunan niya? "Fine!" taas-kamay na sabi niya. "I'll tell you the truth but promise me one thing,"

"What?"

"Na hindi mo kukunin itong camera ko o memory card nitong camera ko kapag nalaman mo ang katotohanan."

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now