20

591 13 0
                                    

Saglit itong natahimik, nakita din niya ang pag-alala sa mukha nito. "Okay na ba siya?"

Tumango siya at ngumiti. "Kaso magpapa-therapy siya kaya baka matagalan pa siya sa hospital."

"Sana maging okay na siya."

"Thanks, Jeron." Tipid siyang ngumiti dito. "Basta lagi mong iisipin, lagi akong nasa tabi mo at nakasuporta sa 'yo, number one fan mo yata ako!" nakangiting sabi niya.

"Pa-charge nga..." sabi nito, nagulat siya nang mabilis siyang hinila nito at niyakap siya nang mahigpit, itinapat din nito ang noo sa kanya kaya amoy na amoy niya ang nakakaadik na bango ng hininga nito at bago pa natapos ang lahat ay naramdaman niyang hinalikan siya nito sa ulo bago nagtatakbong umalis.

Natawa at napailing-iling na lang siya. Why is he being so cheesy and mushy? Nagpaparamdam na ba ito sa kanya? She already have confessed her feelings for him—pero dahil nga ayaw niyang mag-reply ito agad sa kanya dahil baka naaawa lang ito—nagkasya na lamang siya sa mga sweet gestures nito. Sa bagay action speaks louder that words at hindi siya maaaring magkamali ng nararamdaman, may special place na siya sa puso ni Jeron!

She'd never been this happy and inspired because of a guy before, kay Jeron lang pala niya ito mararamdaman. Pero muling bumalik sa isip niya ang mga sinabi ng mommy niya at ang movie na pinanood nila ni Jeron last time—kung sakali bang manligaw sa kanya ang binata, handa na ba talaga siyang sumuong sa isang relasyon? She never had been in a relationship before at medyo natatakot din siya.

Iniisip kasi niyang, paano kung... matulad sila sa movie na hindi naging maganda ang kahihitnan ng pag-iibigan? Saglit siyang napaisip—nalilito siya! Masaya siya sa nararamdaman niya—pero ang daming gumagamba sa isipan niya. Napailing-iling siya.

Nang pumasok siya sa loob ng newspaper club ay inulan muli siya ng tuksuan at tinanong ang score sa kanila ni Jeron—ngitian lamang niya ang mga ito, kaya sabay-sabay siyang binato ng papel dahil sa pagiging KJ daw niya. Natawa na lang siya.

AT DAHIL nga sinurpresa siya ni Jeron two days ago sa newspaper club, naisipan din niya itong i-surpresa sa classroom nito, alam niyang breaktime nito kaya nagpunta siya doon na may home made burger at pizza para dito. Ngunit naabutan niya itong kasama ang dalawang kaibigan nitong sina Lewis at Alfred. Nagtatawanan ang mga ito at napailing-iling ang dalawang kaibigan nito. Akmang papasok na rin siya para gulatin ang mga ito nang mapatigil siya dahil narinig niya ang pangalan niyang sinambit ni Lewis.

"So, kumusta na kayo ni Maye Belle? Mukhang in love ka na sa kanya, ah..." panunukso ni Lewis kay Jeron, napangiti naman si Jeron sa kaibigan.

Kumabog ang puso niya at ang bilis ng tibok niyon, nag-react din ang mga paru-parong kanina lang ay nananahinik sa loob ng sikmura niya. Hindi niya napigilang kiligin sa narinig. Totoo nga kayang in love na sa kanya si Jeron?

"I think I really am." Nakangiting sagot ni Jeron, kaya mabilis siyang napatakip sa bibig niya, dahil bigla siyang mapasigaw sa kilig. "She changed me and everything in my life." Dagdag pa ng binata.

Napasipol naman ang dalawang kaibigan nito at nag-high five. "Ayos bud, hindi namin na-imagine na mai-in love ka. Para ka kasing si Robin Padilla, e, pa-badboy ang dating at hindi mahilig sa mga babae, pero dumating lang si Maye Belle, nabago na ang mundo mo."

"I'm really a lucky guy." Nakangiting sabi ni Jeron.

"Parang kailan lang nang binalak mong lumapit sa kanya para agawin ang atensyon niya sa kuya mo, naalala ko pa noon ang lakas ng loob mo na sabihing mailalayo mo siya sa kapatid mo dahil maaakit mo siya sa charm mo." Narinig niyang sabi ni Lewis.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now