17

596 15 0
                                    

"HAPPY Birthday Jeric!" nakangiting bati ni Maye Belle sa binata nang mabungaran niya ito sa loob ng magandang bahay ng mga Lin, saka niya mabilis inabot ang regalo sa binata. Kasama niya noon si Jeron at sinisiko pa niya ang binata para bumati rin sa kapatid nito at ibigay ang binili nitong regalo sa kapatid, ngunit parang ngayon pa tinamaan ng hiya ang lalaki, hindi tuloy niya napigilang matawa. "Sige na, kasi." Natatatawang sabi niya kay Jeron.

Dahan-dahang bumaling si Jeron sa kapatid nito at mabilis na inabot ang regalo nito sa kapatid. "Happy Birthday." Bati nito, akmang aalis na ito nang mabilis itong hinagip ni Jeric sa braso saka niyakap.

"Thanks, Jeron!" nakangiting sabi ni Jeric, na-stiff si Jeron sa kinatatayuan nito.

"W-Walang anuman." Nahihiyang sagot nito. Napangiti uli siya sa dalawa. Mabilis niyang inilabas ang kanyang camera para kunan ng larawan ang dalawa. Ang cute!

Invited din ang lahat ng members ng basketball team at ilan sa mga kaklase ni Jeric sa Political Science. Pasado alas sais na sila nakarating sa bahay ng mga Lin kanina, dalawa nga lang sina Lewis at Alfred ngayon sa Burger house, pero ang sabi naman ng mga ito ay kayang-kaya na ng mga ito.

Nang dumating ang nakilala niyang si Governor Arnold Lin kasama ng ilan sa mga kasama nito sa politiko ay mabilis nawala sa paningin niya si Jeron. Napailing-iling siya nang maalala niyang hindi nga pala nagpapakita si Jeron sa daddy nito kapag may kasama itong mga bisita.

Nang magpaalam sa kanya si Jeric para asikasuhin ang iba pa nitong bisita ay naglakad siya para hanapin si Jeron, hanggang sa mapadpad siya sa pool area sa gilid ng bahay ng mga Lin, nakita niyang naroon ito habang mag-isang nakaupo sa gilid ng pool at nakasawsaw ang mga paa sa malamig na tubig.

Mabilis din niyang tinanggal ang suot na sneakers at nakigaya siya sa lalaki, nagulat pa ito nang makita siya doon.

"Sorry, iniwan kita." Anito.

"Nakita mo kasi ang daddy mo kasama ng mga kaibigan niya, kaya ka naglaho agad." Konklusyon niya at tama siya ng sinabi dahil hindi ito nag-react sa sinabi niya. "Mukhang mabait naman na tao ang daddy mo, ah." dagdag na smiling face din ang matanda, guwapo tulad ng magkapatid, matangkad at matikas kahit nasa early fifties na edad. Tiyak magaganda din ang mga ina ng magkapatid. Her parents also are in mid forties pero mukha pa ring mga nasa early thirties.

"Baka kasi bigla akong tanungin kung sino ako, malaman pa ng lahat na..."

"Ano ka ba, lahat naman na ng mga naroon eh, alam nang magkapatid kayo, 'yong mga kaibigan na lang ng daddy mo."

"Eh, sa kanila nga ako nagtatago, e."

"Bakit ka ba kasi nagtatago? Wala ka namang kasalanan sa kanila, e. Halika na kasi sa loob, nagugutom na ako." aniya.

"Sasamahan lang kitang kumuha ng pagkain, pero magtatago uli ako, ha."

"Ano?" natawa tuloy siya sa lalaki. Sa kaseryusohan nito ay sumalok siya ng tubig sa pool gamit ang kamay at iwinisik sa lalaki. "Chillax." Natatawang sabi niya.

"Aba't!" gumanti din ito sa kanya, kaya muli siyang gumanti, hanggang sa magkatawanan na lang sila. Mabilis naman nitong inilabas ang panyo nito para punasin ang nawisikang mukha niya.

Kumabog ang puso niya nang makitang titig na titig ito sa kanya habang pinupunasan ang kanyang mukha, napalunok siya nang mariin nang makita niyang basahin nito ang ibabang labi nito, ang pula-pula kasi ng mga labi nito at ang cute nito.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now