16

583 16 0
                                    

Narinig din niyang natawa ang dalawang kaibigan nito; si Alfred na nasa kitchen at si Lewis na nagma-mop. Tumikhim si Jeron at nag-iwas ng tingin. "Eh, sa curious ako, e." anito.

Hindi rin niya napigilan matawa. "Oo na lang," natatawa pa ring sabi niya, hindi niya mapigilang mapangiti dahil feeling talaga niya nagseselos ito, kahit hindi pa ito umamin. "Nagpasalamat lang siya sa akin dahil okay na daw kayo at sa pag-e-encourage ko sa 'yo na sumali ng team."

"'Yon lang?"

"And he invited me for his birthday party at sabay daw tayong magpunta, kaya huwag mo akong iiwanan."

"He invited you?" gulat na tanong nito.

Napakunot-noo naman siya. "Bakit? Hindi ba ako puwede doon?"

"Hindi naman sa gano'n," anito, saka ito parang nakahinga nang maluwag. "Okay, just text me then at sabay na tayo magpunta, you have my number." Anito, tumango na lang din siya. Saglit munang naupo sa mesang katapat ng mesa ng kaklase nitong problemado para mag-rest muna, galing pa kasi si Jeron sa practice game.

Hanggang sa narinig niyang kausap na nito ang lalaking na katapat ng mesa nito. Mukhang binibigyan nito ng tips and advices ang lalaki at ang lalaking mukhang problemado kanina at nagliwanag at mukhang patango-tango kay Jeron.

"Are they close?" nagtataka pang tanong ni Lewis kay Alfred.

"I don't know." Sagot naman ni Alfred.

Napangiti siya dahil parang ang cute tignan ni Jeron habang kausap ang lalaki. Mukhang seryosong-seryoso ito sa sinasabi nito at may patapik-tapik pa ito ng balikat, tumatango-tango naman ang lalaki dito, kapagdaka'y nagkamay ang dalawa. Mukhang na-relieve ang iniisip ng lalaki sa Engineering subjects nito. Infairness! Napangiti siya. Si Jeron Lin lang pala ang sagot.

USUAL ay sinamahan uli si Maye Belle ni Jeron na maghintay ng kanyang sundo sa waiting shed kung saan sila madalas naghihitay. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing naaalala niya ang mukha nitong seryosong nakikipag-usap sa lalaki na animo'y nagga-guide sa tamang landas para sa lalaki.

"B-Bakit ka nakangiti nang ganyan sa akin?" nakakamot sa ulo na tanong nito.

"Naalala ko lang kanina no'ng kausap mo 'yong lalaki, ang cute mong tingnan." Pag-amin niya.

Gawa ng street light na nasa tabi nila ay nakita niyang namula ang magkabilang pisngi nito. "I-I just enlightened him and gave some pieces of advice." Nahihiyang sagot nito. Akala tuloy niya ang isasagot nito sa kanya ay... "Sabi ko na e, naku-cute-an ka sa akin!" with matching super grin.

"Ano ba kasing problema niya?"

"Both subject and teacher. Pero ang sabi ko, kung gusto at mahal niya ang ginagawa niya, magtatagal siya sa field na 'yon. He also asked about subject matters and some calculus problems, et cetera." Anito.

Hindi uli niya napigilang mapangiti. "Ang genius, oh!" nakangiting sabi niya.

"'Di naman masyado." Natatawang sabi naman nito. "Ngapala, seryoso ka bang pupunta sa birthday party ni Jeric? Baka kasi..."

"Baka ano?"

"About me and my dad."

"Ano ka ba," tinapik niya ang balikat nito. "Nasa isip mo lang 'yan, cheer up! Maniwala ka sa akin, proud ang daddy mo sa 'yo hindi man niya sinasabi sa 'yo."

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now