14

605 18 0
                                    


Nag-alala ang mukha nito at takang-taka sa nalaman sa kanya. "Why?" nag-aalalang tanong nito.

Umiling-iling naman siya at ngumiti dito. "Tuloy na natin ginagawa natin, para makauwi na tayo agad." Aniya, saka na lang siya napangiti.

NAUNA nang umuwi ang dalawang kaibigan ni Jeron, dahil hinihintay pa niya ang sundo niya at na-traffic daw, sinamahan na siya ni Jeron na maghintay. Tahimik silang dalawa na nakaupo sa waiting shed na malapit sa burger house. Nang ito ang bumasag sa katahimikan nila.

"Hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi mo sinasabi sa akin bakit ka takot sa Barbie..." anito.

Mabili siyang bumaling dito. "Hindi ka pa rin nakaka-move on?" pinigil niyang huwag mapangiti sa binata.

"Ang daya mo kasi, ako panay ang kuwento sa buhay ko, pero ikaw..."

"Kasi ano, eh..."

"Is it too personal?" tanong nito.

"Ayoko na sana siyang alalahanin. Sorry."

"Oh!" nagpatango-tango ito at natahimik sa kinauupuan nito, naramdaman na lang niyang hinawakan nito ang kamay niyang nasa tabi nito. "If you don't want to tell about it, it's okay. Basta nandito lang ako sakaling gusto mo nang makakausap."

Bumaling siya sa lalaki. "Is that really you, Jeron?" aniya, nangingiti sa lalaki. He really seems like a grown up man. Parang hindi ito ang lalaking una niyang nakilala at nakabangayan.

Ngumiti ito, binitiwan ang kamay niya at napakamot ng ulo. "Do you prefer the other Jeron?"

Natawa naman siya sa sinabi nito. Pareho ko lang din naman gusto 'yon, e. "Basta kahit ano'ng Jeron, ayos sa akin." Aniya.

"You must really like Jeron."

"H-Ha?" kinabahan siya sa sinabi nito, obvious na ba siya sa nararamdaman niya dito.

"Ang ibig kong sabihin, tanggap mo kahit anong klaseng Jeron." Paliwanag nito. Tumango-tango na lang siya.

"So, how it feels to have fangirls around you?" pag-iiba niya ng usapan.

"Why? Are you jealous?" nakangiting tukso nito sa kanya, naputol ang pag-uusap nila nang may dumaang magba-balut sa tabi. Bumili si Jeron ng dalawang balut sa puti at balut penoy. "Have you tried this?" anito, tukoy ang hawak nitong balut.

"No." aniya.

"Gusto mo bang tikman?" nakangiting alok nito.

"B-But I heard there's a chick inside..." aniya, hindi naman sa nandidiri siya, medyo hindi kasi niya ma-take na kainin ang gano'n.

Natawa ito at napailing, kapagdaka'y itinuktok nito sa kianuupuan nila ang hawak na balut at tinanggalan ng shell bago humigop doon. "Masarap! Lalo na kapag nilagyan mo ng asin." Anito.

Umiling-iling naman siya. "Mukha ngang nasararapan ka." Aniya.

"You really don't like it? Masarap talaga, tikman mo kasi para malaman mo."

Umiling-iling siya. "Mukhang kayang-kaya mo namang ubusin 'yang apat na binili mo, e."

Tumawa ito. "No'ng nasa grade school pa kami ni Jeric, gustong-gusto naming kumakain ng balut, inuulam pa nga namin, e. Dito lang kasi magkasundo kasi kung ano 'yong favorite ko, may allergy siya at kung ano 'yong favorite niya, may allergy ako."

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now