7

584 18 0
                                    

"HI, JERIC! Gumawa pala ako ng home made pizza for you, sana magustuhan at ma-enjoy mo." Nakangiting inabot ni Maye Belle ang ginawa niyang pizza para sa binata, nang pumunta siya sa gym para dalawin ito, mabuti na lang at mukhang napaaga siya ng dating dahil wala pa 'yong ibang fangirls nito.

Naalala kasi niya mula sa exclusive interview niya sa informant niya na itago sa pangalang Jeron Lin, paborito daw ni Jeric ang Pizza at tutal gusto rin naman niya ang pagluluto at gumagawa ng mga food experiments, naisipan niyang gumawa ng pizza, approved ito sa parents niya, kaya tiyak magugustuhan din ito ni Jeric. Excited na siyang tikman nito 'yon.

Nakita niyang napakamot ito ng ulo at tipid na ngumiti. "Thank you."

Ngumiti din siya nang malaki at umiling-iling. "Welcome."

"Jeric, kailan ka pa nahilig kumain ng pizza? 'Di ba ayaw mo ng pizza dahil allergic ka sa mushroom?" sabi ng isang co-member ng basketball team.

"Allergic ka sa mushroom? Hindi ka kumakain ng pizza?" nagtatakang tanong niya.

Dahan-dahang tumango si Jeric at tipid na ngumiti. "But I can let my co-members eat the pizza, don't worry." Anito.

"Pero ang sabi ni—" napatigil siya sa pagsasalita nang muntik na niyang maibuko si Jeron sa kapatid nito, pero hindi na lang niya itunuloy. G-in-oodluck na lang niya ito sa practice game bago siya nagpaalam dito.

Habang naglalakad siya ay napapaisip siya. Tama talaga siya nang pagkakarinig, e, pizza 'yong sinabi ni Jeron na paborito ni Jeric at hindi siya nagkakamali sa narinig at isinulat.

Napailing-iling na lang siya. Well, baka nga nabingi lang siya, i-e-edit na lang niya sa news editor ang tungkol doon.

Nasiyahan din ang mga seniors niya sa newspaper club dahil naging usap-usapan sa school ang pag-feature niya sa robotics ng Engineering department, hindi niya 'yon saklaw pero f-in-eature pa rin niya dahil sa curiosity. Binati siya ng ilan sa mga Engineering students dahil sa wakas daw ay kahit papaano ay napapansin na din ang department ng mga ito at hindi na lamang nagfo-focus sa iisang topic.

Saglit siyang napatigil sa paglalakad nang makita niya si Jeron na mag-isang naglalaro basketball sa open court. Lumapit siya sa binata at mabilis na pinulot ang bolang gumulong sa paanan niya saka niya ibinato sa lalaki, mukhang hindi rin nito inaasahan na makita siya doon.

"What are you doing here? Hindi pa ba sapat ang mga impormasyong ibinigay ko sa 'yo?" anito.

"Okay naman." Tipid na sagot niya. Naglakad ang binata papunta sa bench para maupo at magpunas ng pawis, mabilis naman siyang sumunod dito. "Kung sumali ka na lang kasi sa basketball team, e, 'di instant sikat ka na din." Aniya.

Hindi ito sumagot agad. "Hindi ako mapa-salamat na tao, pero salamat doon sa magandang news report tungkol sa robotics day ng Electrical Engineering department. Masaya ang naging feedback ng ibang mga estudyante sa news report na 'yon." Saka ito uminom ng tubig.

"Wala 'yon, dapat naman talaga kayong makilala dahil kahanga-hanga ang mga galing n'yo, hindi lahat nakakagawa ng mga successful dancing robots, ah." humahangang sabi niya. Patuloy pa rin ito sa pag-inom ng tubig, mukhang pagod na pagod ito. "Ginawa mo yatang daily exercise ang pagba-basketball dito, pansin ko from eight thirty to nine AM ka lagi nandito, ah, amoy pawis ka na pagkatapos."

"I always have spare clothes on my locker and I always take a shower before I go to my class."

"Madalas din ba kayo naglalaro ni Jeric ng basketball sa bahay ninyo? Bakit hindi ko yata kayo nakikitang magkasama? Hindi ba kayo close?" tanong niya.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now