10

614 20 1
                                    


"I-I'm not afraid."

"Eh, di sasali ka na."

"Maliit na bagay—wait, no!"

"Ipinalista ko na ang pangalan mo at sa susunod na araw na ang try out."

"What?"

"Huwag ka na ngang mag-inarte, alam ko namang gusto mo rin, e."

"But I told you, hindi pa ako nakakasali sa isang basketball team."

"And this is your chance, and let everyone know who is Jeron Lin. Na hindi ka anino ni Jerin Lin na puwede mo siyang makasabayan sa galing."

"Why are you doing this?"

"Because I know you are keeping a talent in you."

"Are we friends?"

"Grabe ka! Ang tagal na nating nag-uusap at nagkakasama, hindi pa ba tayo friends?" sumbat niya, hindi ito nakaimik, kaya ipinalagay na lang niyang silence means yes. "Don't worry, sasamahan kita sa susunod na araw to cheer for you."

"I—ahm,"

"Nahihiya ka?" nakangiting sabi niya, namula kasi ang mukha nito. Muli siyang natawa dito. Hindi lang kasi siya sanay sa natutuklasan niyang bagong Jeron. "Asus! Hindi mo bagay maging mahiyain." Natatawawang sabi niya.

"Ah, gano'n!" nailing na sabi nito, saka ito tumayo sa kinauupuan at ginulo ang buhok niya at itinabing sa mukha. "'Yan! Bagay sa 'yo para hindi nalalayo kay Sadako." Natatawang sabi nito, na tinutukoy ang Japanese horror character sa the Grudge.

"Grabe ka sa akin," aniya, saka niya mabilis inayos ang buhok at siya naman ang tumingkayad para guluhin ang maayos na buhok nito. Pero nagulat siya nang pumalatak ito.

"Don't mess with my hair, I fixed that for an hour!" reklamo nito.

What the—hindi uli niya naiwasang matawa. "I'd never imagine that a guy like you is a hair conscious."

"Don't touch my hair!" anito, saka ito dumistansya sa kanya.

Umabante naman siya dito. "Ikaw hindi puwedeng guluhin ang buhok, pero ikaw puwedeng manggulo ng buhok?"

"I don't care." Natatawang sabi nito.

"Ang daya mo!" aniya, saka niya pilit na inaabot ang buhok nito, ngunit nakahawak kasi ang binata sa ulo niya habang pinipigilan ito sa masamang balak niya sa buhok nito. Pasalamat ito dahil matangkad ito at hindi niya ito maabot.

Sabay silang napatigil sa pagkukulitan nang marinig nila ang mga tiyan nilang sabay na malakas kumalam. Nagkatinginan sila bago sabay na nagkatawanan.

"Hindi pa pala ako nagla-lucnh," aniya. "Ikaw, hindi ka na naman ba magla-lunch?"

"Says who?" anito, saka niya nakitang inilagay na nito ang libro nito sa bag at isinara 'yon bago isinukbit sa balikat nito. "Magla-lunch na ako." Bago nagsimulang maglakad.

"Teka, sabay na tayo! Hindi pa ako kumakain." Aniya, saka siya umagapay sa paglalakad kasama ang lalaki. "'Uy ah, sa susunod na araw na 'yong try out. Kapag hindi ka nagpunta, susundan talaga kita kahit saan ka magpunta."

"Kahit sa CR?"

Tumikhim siya at pinalo ito sa balikat. "Ang pervert!"

"Ano'ng pervert doon? Eh, ikaw 'yong nauna."

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now