18

562 16 0
                                    

"Wow!" aniya, dahil for the first time in forever na magkakilala sila nito, ngayon lang siya tinawag sa tamang pangalan niya. "Ngayon mo lang akong tinawag na Maye Belle..." nakangiting sabi niya.

"Yeah," natatawang sabi nito. "Pero mas prefer ko pa rin ang Maye," 'Ma-ye'...

"Why?"

"Kasi ako langa ng tumatawag sa 'yo n'on, oh, 'di ba special?" nakangiting sabi nito, napangiti na lang din siya.

Kapagdaka'y nagsimula na din siyang tumugtog ng kanyang piyesa. She's playing the song 'You're the inspiration', Dianne Elise version. Napangiti siya sa loob-loob niya nang napatulala sa kanya ang binata habang nakikinig sa pagkanta at pagkalabit niya ng gitara. The song was also her parents favorite song—kaya paborito din niya. Palibhasa nakalakihan niya ang mga kantang 'yon na kinakanta ng daddy niya for her mom.

Nang matapos siyang kumanta ay nakatulala pa rin ito sa kanya, kaya natawa uli siya at kinurot ang pisngi nito—ang cute kasi e, pero mabilis nitong hinuli ang kamay niya.

"Lucky the guy whom you would fall in love with." Madamdaming wika nito.

Then you are lucky guy, Jeron! "Yeah, I think so." Nakangiting sabi din niya.

"GOOD LUCK sa practice game and in three days, real game n'yo na against SFU." Nakangiting sabi ni Maye Belle kay Jeron, sumaglit lang siya sa gym para makibalita sa mga players and coaching staffs sa nagaganap sa team at kumuha ng ilang larawan para sa weekly news sa basketball team. Kailangan talaga niyang bumawi sa epic failure niya last time.

"Thanks, Maye." Nakangiting sabi naman ni Jeron.

Ngumiti siya at umiling. "Ngapala, I want to give you this." Mabilis niyang inilabas ang glow in the dark silver rosary na ibinigay pa sa kanya nang pinakamamahal at namayapa niyang great grandmother na si lola Yna Cruise. At mabilis na inabot ang rosary sa binata.

"Wow! This is..."

"Rosary." Nakangiting sabi niya.

"Yeah, I know..." nakangiti ding sabi nito. "Para kasing ang precious nito para ibigay mo sa akin."

"You're precious to me too," nakangiting sabi niya dito, napatitig ito sa kanya at ngumiti. "Binigay ng great grandma ko 'yan sa akin five years ago bago siya namatay, lucky charm ko, gusto ko din ibigay sa 'yo to para maging lucky charm mo."

"I already have a lucky charm," nakangiting sabi nito sa kanya. "pero plus lucky charm uli, baka sobrang swertehin na ako nito. Pero paano ka?"

"Puwede namang sa ating dalawa 'yan. e." nakangiting sabi niya, na tinanguan nito. "Teka, sino'ng ibang lucky charm mo?"

"My fangirl."

Napakunot-noo siya. "Fangirl? 'Yong girl na gusto mo?"

Tumango-tango ito. "Thanks, Maye. Gagalingan ko para sa 'yo at sa team."

"O-Okay." Aniya, pero hindi niya maiwasang magselos sa fangirl na sinabi nito. Well, this is life! Hindi naman talaga lagi nare-reciprocate ang nararamdaman ng isang tao.

USUAL, pagkatapos ng PM practice game ng team ay dumidiretso si Jeron sa Burger house para tulungan ang mga kasamahan doon bago closing at samahan na rin si Maye Belle para maghintay sa sundo. Tahimik noon si Maye Belle habang nagkukuwento si Jeron hanggang sa mapansin nitong tahimik siya at parang matamlay. Dinama nito ang noo niya kung may sakit siya.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now