13

608 18 0
                                    


"OKAY LANG ba talaga na tumulong ka dito sa amin, Maye Belle? Hindi ka ba pagagalitan ng parents mo na umuwi ng late?" dahil lumilipad ang isipan ni Maye Belle ay hindi niya nasagot ang katanungan ni Lewis. "Earth to Maye Belle, earth to Maye Belle!" dagdag ni Lewis kaya dahan-dahan siyang bumaling dito.

"Sigurado ka bang okay ka lang?" pag-uulit ni Alfred sa taong ng una, sa pagkakatanda niya ay mga kaklase ito ni Jeron, dahil nakita na niya ang mga ito sa classroom with Jeron last time.

After ng klase niya kanina ay dumiretso siya sa newspaper club at ibinigay ang roster ng kanilang school basketball team at ilang mga pictures pagkatapos ay dumiretso na siya sa Burger house. Nai-text na rin ni Jeron kaninang umaga ang Manager ng Burger house—nang dalhan niya ito ng packed lunch na paborito nito for the seventh day—na may magre-relieve muna dito at pumayag naman ang Manager. Yes, tapos na siya sa one week na pagluluto sa lalaking ito, akala nga ng parents at mga katulong sa bahay ay may boyfriend na siya, pero ikinuwento niya ang tungkol sa consequence.

Nakapag-paalam na din siya sa parents niya na magiging abala siya saglit sa pagpa-part time niya sa burger house dahil sa pagtulong sa isang kaibigan na sa una ay ikinagulat ng mga ito, pero parang nasiyahan ang daddy niya dahil lumalaki daw siyang responsableng bata—kahit kasi may-kaya ang pamilya ng daddy niya ay naging working student din ito sa States kung saan ito nagtapos ng pag-aaral.

At kasalukuyan ngang lumilipad ang isipan niya papunta sa basketball court kung saan kasalukuyang nagpa-practice ang buong basketball team, dahil ilang araw na lang ay magaganap na ang first match ng school nila against Saint Filomena University.

Nagkaroon pa nga ng one on one match kanina ang magkapatid na sina Jeron at Jeric habang hindi pa nagsisimula ang practice game, ang weird nga dahil ang inaasahan ni Jeron na negative view sa kumalat na chismis tungkol sa tunay na relasyon nito at ni Jeric ay naging positibo, madami itong naging instant fangirls, sayang lang dahil hindi na siya nakanood dahil naka-duty na siya sa Burger house.

Hindi pa alam pakitunguhan ni Jeron ang mga fangirls nito, pero kapag naglaon ay matututo din ito at matutuwa sa presence ng mga supporters nito, magiging mas lalo itong matinik sa mga mata ng mga girls—tapos good bye Maye Belle dahil sa dami na ng girls ay hindi na siya masusulyapan nito. Ang ironic, dahil dati gusto niyang pansinin nito ang mga fangirls nito, pero ngayon parang nagsisisi na siya sa naisip na 'yon—pero hindi siya nagsisisi na ipinasok ito sa basketball team dahil nakikita niya sa mga mata nito ang kasiyahan.

Sa ngayon, marahil hindi pa gano'n ka-intact 'yong closeness ng magkapatid, pero naniniwala siya na darating ang araw—at ramdam niyang malapit na—na magiging close uli ang mga ito.

"'Uy, Maye Belle Cruise, paa ko na 'yang mina-mop mo!" natatawang sabi ni Lewis, nang matauhan siya ay nakita niyang paa na nga nito ang mina-mop nito.

"Naku! Sorry, Lewis." Nahihiyang sabi niya.

Tumawa naman ito. "Nasaan ba ang isipan mo? Pagod ka na ba? Magpahinga ka muna."

Umiling-iling siya. "May iniisip lang kasi ako." tipid siyang ngumiti.

"Si Jeron?" nakangiting tukso naman ni Alfred, saka ito bumaling sa bagong dating na customer para batiin. Saka ito agad nagtungo sa counter. Lima ang lahat ng empleyado sa Burger house, dalawa ang regular employees na opening; from eight to five shift at tatlong part timers na from closing; from five to seven PM, katamtaman lang ang laki ng establishment at hindi madalas toxic sa trabaho.

"'Uy, hindi si Jeron ang iniisip ko, 'no!" sagot niya kay Alfred na natawa na lang. Slight lang!

"Okay lang ba talaga sa 'yo mag-mop? Para kasing hindi bagay sa 'yo mag-mop o baka ngayon ka lang nakahawak niyan." Ani Lewis.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now