21

698 14 1
                                    


NANG SUMUNOD na linggo ay lumipad sina Maye Belle kasama ng mommy nitong si Eireen papuntang States para bisitahin ang lola Marie nila at mananatili sila doon ng isang linggo. Nang linggo ding 'yon ay nagsimula na din ang Universities Basketball League quarter finals and luckily ay after five wins and one loss, nakapasok pa rin sa semi finals ang Saint Anthony University.

Pagkatapos ng isang linggong pananatili ni Maye Belle sa States ay sabay-sabay na silang umuwi kasama ng mga magulang niya, kumuha sila ng Physical therapist and nurse na magbabantay sa lola Marie niya and syempre pa ay dadalaw-dalawin ng daddy niya ang lola Marie niya kapag nakaluwag ito sa kompanya. Mas okay na din ang lagay ng lola niya kaysa nang makausap lang niya ito sa phone last time.

Bumalik uli siya sa pagco-cover ng basketball team for semi-finals hanggang sa umabot ang mga ito sa finals at nakamit ang ika-seventeenth championship ring ng SAU at masayang graduation 'yon ng team para kay Jeric dahil nasa huling taon na ito nang pag-aaral nito. Naging mahirap ang laro pero dahil sa determinasyong manalo ay nakamit nila ang tagumpay. It was a best of seven series games, sa second game lang sila talo but the rest ay sunod-sunod na panalo na hanggang mag-champion.

And Jeric also was held as the MVP and Jeron was the rookie of the year. Back to back celebrations for the Lin brothers. Proud na proud din siya kay Jeron dahil sa dedikasyon at passion na ipinapakita nito sa paglalaro, even his dad and stepmom were also proud of him, they even watched the basketball game.

Naging matunog ang lahat ng laman sa newspapers nila at madami nang gustong sumali sa club nila dahil sa magagandang feedback sa mga cover articles ng newspaper team. Parang kailan lang ay binabale-balewala ng mga tao ang newsteam, ngayon ay halos araw-araw na ay may nagbabasa at nag-iiwan ng feedback sa mga gawa nila.

Mas naging malapit silang magkaibigan ni Jeron, as in best of friends. Mas nakilala pa nila nang husto ang kanilang mga sarili at ang isa't isa, hindi rin maiiwasang ang tampuhan at awayan, ngunit mabilis din naman nilang naaayos dahil nag-uusap sila nang masinsinan at hindi din siya matiis ng binata. Minsan pa nga naggagalit-galitan lang siya dahil alam niyang susuyuin siya agad ng lalaki.

Pinag-usapan naman nilang dalawa na they would not rush things. Ngunit dahil close friends na sila, isinasama na din niya ang binata sa bahay nila at ipinapakilala sa pamilya niya at gano'n din naman ito. Kasundo na nga rin nito ang makukulit at mga guwapo niyang quadruplet cousins na minsan ay nakaka-bonding nila sa tugtugan.

After two years of friendship ay seryosong nanligaw sa kanya si Jeron. Una ay nagpaalam muna ito sa mga magulang niya kung maaari na daw itong manligaw sa kanya, sumang-ayon naman ang mga magulang niya nang makita kung gaano kaseryoso si Jeron sa nararamdaman nito para sa kanya.

Walang araw na hindi siya sinusurpresa ng binata, lagi siyang kinikilig sa mga da moves at cheesy banats nito. Mas lalo lang siyang nahuhulog sa binata, kaya after more than a month of panliligaw ay sinagot na rin niya ito nang isang matamis na oo—daig pa daw nito ang naka-buzzer beater shot sa isang do or die game.

Hindi lang sila magkasintahan kundi mag-best friends din sila na naiintindihan ang bawat isa. Marahil nga ay tama siya nang naging desisyon no'ng una dahil naging worth it ang paghihintay nila ni Jeron sa tamang panahon na tulad nito. And she was so proud of their selves dahil nakaya nilang patunayan sa sarili nila na sa pag-ibig, lahat posible.

"MAYE BELLE dear, mali-late na tayo sa graduation ninyo. Nasa salas na din si Jeron at naghihintay sa 'yo, bilisan mo na d'yan." Masayang tawag ng mommy ni Maye Belle sa kanya.

"Nandyan na po, mom." Masayang sagot niya sa kanyang mommy. Saka niya mabilis na inayos ang yellow dress niya at pinasadahan muna ang sarili sa vanity mirror, bago napangiting tumango sa sarili. Kinuha ang toga na nakalapag sa kanyang kama at tuluyan nang lumabas mula sa kanyang kuwarto.

Yes! It's their graduation day. After a year ay ga-graduate na silang dalawa ni Jeron mula sa five year course nito na Electrical engineering at siya naman ay Journalism. Excited na silang dalawa na magma-martsa papuntang stage kasama ang kani-kanilang mga magulang.

Parang kailan lang no'ng first year lang siya at makulit na batang once na naging stalker ni Jeric Lin, pero ngayon girlfriend na siya ni Jeron, for a year, and soon to be a photojournalist. After this graduation ay balak na rin agad sumabak sa board exam review ni Jeron para sa Electrical Engineering board exam.

At ang isa pang good news, after losing last year in a champion game, naipanalo naman ni Jeron ngayong taon ang basketball team ito din ang nagkamit ng MVP award. Siya naman ay naging Editor in chief sa newspaper club nila. Relationship goals din sila dahil kapwa sila cum laude sa sari-sarili nilang courses. They are proud of each other. Nag-pay off ang kanilang pagsisikap sa pag-aaral at dedikasyon sa mga ginagawa nila.

Nang makababa siya sa hagdan ay saglit na napatulala si Jeron nang makita siya, kaya narinig niyang natawa ang mga magulang niya.

"Sorry po, akala ko may isang anghel na bumaba sa langit." Nakangiting sabi ni Jeron sa mga magulang niya. Saka ito muling bumaling sa kanya. "Why so beautiful, my love?" nakangiting sabi nito.

Natawa din tuloy siya. "Para hindi ka maghanap ng iba." Natatawang biro din niya, napatunayan naman na niyang loyal ito sa kanya—dahil nahintay siya nito ng ilang taon and now they just celebrated a year together.

Natawa ang mga magulang niya. "Mauna na kami ng mommy mo sa sasakyan." Nakangiting sabi ng daddy niya, na tinanguan naman niya. Hindi na rin sila nahihiya sa mga magulang niya na magpakita at magsabi ng mga emosyon nila sa isa't isa dahil open din sila sa mga ito.

"Ikaw lang kaya ang nakikita ng mga mata ko." Nakangiting sabi nito, saka ito mabilis na nakalapit sa kanya para yakapin nang mahigpit. "Hindi ako magsasawang ulit-ulitin sa 'yo na napakaganda mo." Bulong nito sa kanya.

Napangiti naman siya nang maalala niya 'yong time na halos hindi nito maamin sa kanya na maganda siya. "Dati ayaw mo pa akong sabihan na maganda ako." natatawang sabi niya.

"Dahil tinamaan ako ng katorpehan ko, pero ngayon nga ay magsasawa ka sa akin sa kakasabi kong maganda ka." Nakangiting sabi nito. saka niya naramdaman na humalik ito sa kanya ulo.

"Tara na nga, mali-late na tayo e, sayang itong dress ko na ginawa ng tita ko." Nakangiting sabi niya, na tinutukoy ang tita Chinky niya na isang sikat na fashion designer ng fashion boutique ng pamilya nila—ang Legacy.

Pinagsiklop nito ang kanilang kamay at sabay nang lumabas ng bahay. Nagpaalam ang mga magulang niyang mauuna nang aalis sakay ng sasakyan ng mga ito, siya naman ay sumakay na rin sa gray na kotse ni Jeron papuntang school, ayon dito ay naroon na daw ang parents at kapatid nito sa school at naghihintay.

"Ilang oras na lang graduate na tayo." Nakangiting sabi niya. Nataon pa na magkasabay ang araw ng graduation nilang dalawa—really destined to be together, forever.

Kinuha nito ang kamay niya at mabilis na hinalikan sa ibabaw. "Ikaw na ang pinakamagandang regalo sa buhay ko, Maye Belle Cruise. And looking forward for the best day for us to come and a lifetime with you." Nakangiting sabi nito.

Hindi niya napigilang mapangiti at kiligin. "I love you, Jeron, and I'm so excited to spend my forever with you. Thank you for waiting and loving me unconditionally."

"I love you, too, three, four and forever." Nakangiting sabi nito. "And I can't wait to see you march down the aisle as I wait for you with my parents in the altar."

"What? Are you proposing a marriage already?" gulat na tanong niya.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now