19

571 15 0
                                    


NAGING success ang weekly newspaper updates nila para sa kanilang basketball team. Naging abala si Maye Belle sa pag-aaral, sa newspaper at sa basketball team, gayunpaman ay hindi niya maiwasang maging masaya sa nangyayari sa buhay niya lalo na kay Jeron.

Naka-limang sunod-sunod na panalo ang team nila against other Universities kaya nag-advance na ang team nila sa quarter finals. Dahil sa magandang ipinapakita, team work, hard work, passion at dedication nang buong team ay hindi na siya magtataka kung umabot ang mga ito sa Finals.

Dahil sa katatapos na basketball eliminations, binigyan ang mga players ng two days vacation para magpahinga bago resume uli ng practice game. Pero si Jeron, pagkatapos ng PM class ay dumiretso na sa Burger house para ito muna ang magtrabaho doon para makapagpahinga din daw siya.

Naging mas kilala na si Jeron dahil kahit ang ibang mga customers nila sa burger shop ay nagpapa-picture na din dito. Ibang klase kasi ang ipinakita nitong laro sa nagdaang mga games. Nag-best player ito ng dalawang beses at tatlong beses naman si Jeric.

"My dad and stepmom were also happy for Jeric and I, feeling ko tuloy ang kumple-kumpleto ko na." masayang kuwento nito sa kanya. "Siguro wala na akong iba pang mahihiling."

"Masaya ako para sa 'yo, Jeron!" masayang sabi niya.

"Dahil lahat sa 'yo 'to, Maye." Nakangiting sabi nito.

NAGPAALAM kinabukasan si Jeron sa manager sa BH na may importanteng lakad—pero ang importanteng lakad pala na 'yon ay yayayain lang siyang mag-malling nito. Hindi tuloy niya napigilang matawa. Tumawag na rin siya sa parents niya na nasa kompanya pa nang mga sandaling 'yon na ililibre siya ng isang kaibigan kaya mahuhuli siyang umuwi, malaki naman ang tiwala ng mga ito sa kanya, kaya hinahayaan siya sa kanyang desisyon.

"Akala ko pa naman may family gathering kayo." Natatawang sabi niya.

"Gusto ko kasing i-treat 'yong wonder woman ko." Nakangiting sabi nito.

Napakunot-noo naman siya. "Ako? Wonder woman?" natawa tuloy siya. "Ang sexy at ganda niWonder woman, 'no."

"Wonder woman, kasi hindi ko naman puwedeng sabihin si Superman ka." Natatawang sabi nito. "Saka para sa akin ikaw si wonder woman mas lamang ka pa nga doon, e."

"Talaga lang, ah." natatawang sabi niya.

Nag-early dinner sila sa isang magandang restaurant. Pagkatapos ay niyaya siya nitong mag-coffee sa coffee bean at nagka-kuwentuhan nang kung anu-ano saka sila dumiretso sa isang ice cream parlor para mag-dessert at saka muling nag-stroll. Napatigil silang dalawa ni Jeron sa isang Appliance store—sa nagtitinda ng magic sing—nagkatinginan silang dalawa at napangiti. Mukhang pareho sila nang inisip pero bago pa siya nakapagsalita ay hinawakan na ni Jeron ang kamay niya saka siya hinila papasok sa loob.

Sinabi nitong kumanta siya—at sinabi naman niyang kumanta ito kaya sa huli ay nag-duet na lamang sila sa kantang 'Nothing gonna stop us now' na version nina Daniel Padilla at Morissette Amon.

"..Then we can build this dream together, standing strong forever nothing's gonan stop us now..." nagkakangitian sila habang nagkakatingignan habang nagduduet. Dahil yata sa blending ng mga boses nila kaya nakahakot sila ng viewers na masaya at tuwang-tuwa habang pinapanood sila. Napansin din niya ang ilang mga tao na kumukuha ng larawan at video nila.

Nang matapos silang kumanta ay nag-high five sila at nagkangitan. Akmang aalis na sila nang muling magsigawan ang mga tao sa paligid nila ng isa pa, kasali na din sa nakisigaw ang nakita nilang boss ng Appliance store, kaya nagkatawanan na lang silang nag-agree.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang