2

788 20 0
                                    

"MAY NABASA ako sa suggestion box para sa school newspaper natin; ang nakasulat doon, bakit daw hindi natin i-feature si Jeric Lin mag-isa sa sport section and all about his likes and favorites, like in a slambook. Ang kaso nakausap ko na si Jeric kanina para hingan ng approval about this topic and unfortunately he disagreed, masyado daw personal ang hinihingi natin..." ani Sheryl, ang Editor in chief ng school newspaper.

"For sure, mas lalong maraming magbabasa sa newspaper natin kapag nai-feature natin si Jeric doon at mas lalong makikilala ang newspaper team natin. We need to do something about this." Sabi din ni Erliza, ang assistant editor in chief.

"Kung ayaw niya sa mabuting usapan, eh, di sa santong paspasan." Birong wika naman ni Baron, ang makulit na advertising editor sa kanilang club. Karamihan sa students sa newspaper team ay nasa junior and senior level na, sila nina Cristita at Ruby na lang ang nasa freshmen at si Lance sa sophomore.

"What do you mean?" tanong ni Marcelino, ang opinion editor sa kanilang team.

Mabilis na bumaling sa kanya si Baron saka ito lumapit at mabilis na umakbay sa balikat niya. "Our cute little girl here is a camera expert and I think she already knew what's on my mind." Anito.

Nanlaki ang kanyang mga mata nang mahulaan niya ang nilalaman ng utak ng lalaki. "You want me to stalk him?" aniya.

Ngumiti ito at pumitik sa ere, bago tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya. "Bingo!" nakangiting sabi nito.

"Hindi ba mas mahirap 'yang pinapagawa mo kay Maye?" ani Sheryl.

Umiling-iling si Baron. "She can do that," sagot nito sa babae, bago bumaling sa kanya. "You know how to stalk a person, right?" anito.

"Yeah." Sagot niya.

"Alright, then you stalk Jeric Lin and discover everything from him."

"Ako lang mag-isa?" aniya.

"Ikaw lang naman ang photographer sa club natin, e," nakangiting sabi nito.

Mabilis siyang bumaling kay Cristita, na mabilis ding nag-iwas ng tingin sa kanya, gano'n din kay Ruby at Lance. So, it's just really her? Kakayanin ba ng powers niya ang mag-stalk? Pero nag-i-stalk naman na siya kay Jeric, 'di ba? Hindi nga lang masyadong halata—but now, she really must do it for their club. Ganito din siguro ang pakiramdam ng mga news mediamen—aka paparazzi—sa mga kilalang personalidad sa showbiz at politics.

"Hindi kaya makasuhan ako sa gagawin kong ito?" aniya.

"Eh, 'di magpalusot ka na lang, kayang-kaya mo 'yan!" ani Baron.

AND MAYE BELLE's mission now begins. Kapag breaktime ay sinasadya niyang maglakad-lakad sa Science building kung saan matatagpuan ang Political science department para makita si Jeric; silip here, there and everywhere. Nang makita niya itong naglalakad sa may corridor ay mabilis siyang nagtago para kunan ito ng larawan, napatigil lang siya saglit nang may makita siyang kasama itong babae.

Siya ba? Siya ba ang dahilan kung bakit na-'thank you zoned' siya last time? Gayunpaman, kinuhanan niya ng larawan ang binata kasama ang babae. Hmf! Mas cute naman ako sa babaeng kasama niya, e! Napailing-iling siya. Nang may dumaang dalawang babae sa tabi niya ay mabilis niyang pinigilan ang mga ito.

"Excuse me miss, girlfriend ba ni Jeric ang girl na kasama niya?" tanong niya.

Nagtinginan ang dalawa at hindi malaman kung sasagot sa kanya o hindi, dahil hindi naman siya kilala ng mga ito. "Hindi." Sa huli ay sagot din ng mga ito, kaya para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now