6

547 21 0
                                    

Ang masungit, mayabang, maangas at punong-puno ng guts na lalaki ay nagma-mop ng sahig sa Burger house? Bakit? Hindi muna niya ito inisturbo at umupo na lang siya sa isang bakanteng upuan. Hindi talaga tinantanan ng mga mata niya ang binata, hindi kasi siya makapaniwala. Mabilis niyang inilabas ang camera'ng dala na nasa loob ng bag para kunan ito ng picture, ngunit nakaka-tatlong shots pa lang siya nang may tumawag sa pangalan ng lalaki.

"Jeron, may fangirl ka yata dito." Sabi ng isang nakangiting lalaki, saka ito tumingin sa kanya, na mabilis namang sinundan ng tingin ni Jeron, nang magtagpo ang kanilang mga mata ay kumaway siya dito, pero bumaling siya saglit sa lalaking nagsalita.

"Hindi niya ako fangirl." Mabilis na depensa niya, bago bumaling kay Jeron na noon ay palapit sa kanya.

"Hindi puwedeng umupo dito nang hindi nag-o-order." Ani Jeron sa kanya.

"Eh, 'di mag-oorder." Nakangiting sabi niya, saka siya saglit na natungo sa counter para mag-order ng double cheese burger at juice bago bumalik sa kanyang mesa. "What are you doing here?"

"Natutulog." Sarcastic na sabi nito. Inilapag naman ng waiter ang order niya sa kanyang mesa saka siya nagpasalamat. Lihim siyang napailing sa kasagutan ni Jeron, kumagat muna siya sa burger niya bago muling kinausap ang lalaki.

"Infairness, bagay sa 'yo 'yang mop na hawak mo at 'yang suot mong apron and cap." Nakangiting puri niya, hindi ito sumagot at nakatayo lamang na nakatitig ito sa kanya.

"Mag-order ka na din for your take out." anito.

Natawa tuloy siya. "In-invite mo lang yata ako dito para mag-order ng burger ninyo, e." naiiling na sabi niya. "Fine! Mag-oorder ako later pero kailangan mo nang ibigay ang mga inpormasyon na gusto kong malaman." Aniya.

"Fine then," anito, saka ito naupo sa harapan nniya. "Let's start? Habang wala pang masyadong mga tao."

"Wait, kakagat lang ako sa burger ko." Aniya, saka siya kumagat muli. "Infairness masarap ang burger ninyo dito."

"Akala ko nga hindi ka kumakain ng mga pucho-puchong burgers lang." anito.

"Dahil?"

"Dahil mayaman ka?"

"How could you say that?"

"Isn't it obvious?" anito, saka tumingin sa mga mamahaling mga gamit niya, na tila parang imbestigador na na-imbestigahan na ang buhay niya.

"Let's not talk about that," mabilis niyang putol. "Just answer these questions and we're quits." Aniya, tumango naman ito sa kanya. "Pero hindi ka ba pagagalitan ng boss mo at nakaupo ka lang dito?"

"Go ahead! He'll understand me."

"Mukha naman kayong mayaman no'ng makita ko ang bahay ninyo, bakit ka nagta-trabaho dito?"

"Kaninong biography ba ang gusto mong malaman? Sa akin o sa kanya?" masungit na tanong nito.

Uminom siya sa juice niya at napailing na lang. "The first question, when is Jeric's birthday?"

"March 21,"

"Hobbies?"

"Playing basketball, videogames, collecting shoes, singing and day dreaming."

"Day dreaming?" natatawang sabi niya.

Tumikhim ito bago sumagot. "Just jot it down."

"Fine! Next question; Celebrity crush?"

"Julia Montes."

Patango-tango naman siya. "Ayaw niya ba sa mga chinita?" aniya, saka siya nagpa-beautiful eyes dito emphasizing her chinita eyes.

"No." sagot nito, na ikinabunsagot niya.

"Favorite color?"

"Green and Black."

"Ideal girl?"

"A girl who is willing to be with him forever."

"Wow! Deep." Hindi ito nag-react sa sinabi niya. "Physical appearance?"

"None specific."

"Okay. Ahm, how about books? Movies? Music?"

"Sci-fi books, Sci-fi action and comedy movies, pop and ballad music."

"Does he have a girlfriend? Ex-girlfriends?"

"Yes."

"Sino?"

"Basta may girlfriend siya, period!"

"Hindi puwedeng malaman kung sino at anong klase sila ng mga babae?"

"No."

"Why?" hindi na siya sinagot nito, napailing siya, ang hirap namang pigain ng lalaking ito. "Favorite subject? Foods? Drinks?"

"Math, Burger, Pizzas, Spaghetti, Adobong sitaw, Tinolang baboy and any beverages except with high sugar content."

Tumango-tango naman siya. "Aside from basketball, what other sports is he interested?"

"Swimming, volleyball and football."

"When he started playing basketball?"

"Grade school, six years old."

"Who was his inspiration?"

"My dad, I mean our dad."

"By the way, what does your parents do?"

"Do you also need to know about their works?"

Umiling-iling na lang siya. "What is he afraid of?"

"Airplane."

"Ha? Bakit?"

"Dahil muntik nang mag-crush 'yong plane na sinasakyan niya no'ng bata siya."

Nagimbal naman siya sa nalaman. "Thank God, he was okay." Aniya, hindi naman ito nagsalita. "Bakit siya nag-political science?"

"Dad's influence."

"So, your dad must be a lawyer or a politician?"

"Both. Next question..."

"Final question, what is his definition about love?"

Saglit itong natigilan bago sumagot. "Love is the seventh sense of human that destroys all the six senses and make the person non-sense."

"'Yan 'yong definition niya sa love?" Tumango naman ito, napakamot na lang siya ng ulo. "Okay, thanks. Asahan mong itatago ko ang sekreto nang buong-buo." Nakangiting sabi niya. "You must be close with your brother, but I am just wondering why you didn't want anyone to know about your relationship with him."

"Tapos ka na ba sa mga tanong mo?"

Hindi nito sinagot ang tanong niya. Tumango na lamang siya. "Thanks, Jeron! May maipapasa na ako sa newspaper club." Masayang sabi niya.

"'Yong take out mo, huwag mong kalilimutan." Anito, saka na siya nilayasan nito.

"Oo na po." natatawang sabi na lang niya, saka niya muling binasa ang mga isinulat niyang sagot sa mini-slambook niya with Jeron with Jeric's biography, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang simple lang din pala ni Jeric. Pareho pa sila ng paborito sa music, food at movies et cetera. Kapag nagkakilala sila nang mabuti, tiyak magkakasundo sila.

Ito na ba ang tinatawag nilang destiny? Napangiti siya sa naisip niya.

His Sweet Stalker (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu