5

618 15 0
                                    

JERON LIN, an eighteen year old, second year student of the Electrical Engineering Department. 'Yon lang ang nakalap ni Maye Belle na impormasyon tungkol kay Jeron mula sa mga napagtanungan niya. He was also admired by many girls pero dahil sa ugali nito ay inaayawan ito. Well, nasubukan naman na niya ito kaya alam na niya kung bakit inaayawan ito ng mga girls.

Nasa Engineering Laboratory siya noon para i-cover ang robotics day ng mga Engineering students, nagpaalam siya sa Editor in chief kung puwede niyang i-cover ang Engineering department robotics day, na agad ding sinang-ayunan nito.

Nakita niya agad ang mga Electrical engineering students na abala sa kani-kanilang mga grupo sa robotics class, kaya hinanap niya si Jeron para kausapin ito ngunit abala din ito, kaya kumuha na lang siya ng mga pictures, nang sitahin siya ng isang estudyante kaya mabilis siyang nagpakilala sa mga ito na from newspaper club na ikinagulat ng mga ito.

"Jeron!" kumaway siya nang makita niya ang lalaki.

Mabilis naman itong nakalapit sa kanya. "What are you doing here?" anito.

"I told you, ico-cover ko itong robotics day ninyo at i-interview din kita and your professor."

"Me? Why me? Iba na lang."

"'Sus! Ngayon ka pa nahiya." Muli siyang luminga sa paligid na-amaze sa mga nakikita niyang creations ng mga estudyante. "You guys are awesome!" aniya. "Kukuhanan ko lang isa-isa 'yong mga works ninyo at mag-start na tayo sa interview together with your professor." Pagkatapos niyang kunan ng mga larawan ang mga robots na ginawa ng mga estudyante, kinuhanan din niya ang bawat grupo saka siya nagpaalam sa professor para sa isang interview na mabilis naman itong sinang-ayunan. Agad din niyang isinunod si Jeron sa interview.

"So, how it feels like to create an amazing dancing robot?" nakangiting tanong niya, habang tutok ang hawak niyang videocam sa lalaki.

"It's feels good. All thanks to our professor for the assistance. We can make people smile with our creations but we still need to develop some skills to furnish our creations." Anito, saka ito tipid na ngumiti sa professor, napangiti siya dahil unang beses niya itong makitang ngumiti na hindi mayabang at infairness guwapo ang lalaking ito. Naghiyawan ang mga kaklase nito dahil sa kasagutan nito.

"So, magkaiba talaga kayo ng hilig ng kapatid mo, 'no? He's a Political Science student and you are a—" hindi niya naituloy ang sasabihin nang mabilis tumayo ang lalaki at hinila siya patayo at palabas ng laboratory. Napapiksi siya at feeling niya at na-ground siya sa pagkakahawak nito sa braso niya. "Teka, hindi pa ako tapos magtanong..."

"May kapatid ka dito sa school, bro?"

"Political science?"

"Kapatid mo si Jeric?"

Mabilis bumaling si Jeron sa lahat at umiling. "Kaapelido ko lang si Jeric. I think she needs to go." Anito, saka uli siya hinila palabas ng laboratory, nang makalayo sila ay mabilis siyang binitiwan nito at bumaling dito. "Bakit mo kailangang banggitin ang tungkol doon?" mukhang galit na sabi nito.

"Sorry, pero gusto ko lang naman itanong 'yon, may problema ba?"

Bumuga ito ng hangin. "Fine! They didn't know about my relationship with Jeric, okay? They all knew that he was just a co-surname. At muntik mo nang maisiwalat ang tungkol sa sekretong 'yon!"

"They didn't know about it?"

"Ikaw lang, dahil makulit ka." Anito.

"Why?"

His Sweet Stalker (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon