12

539 16 0
                                    


"Hindi ba maganda ang pakikitungo ng stepmom mo sa 'yo? Ang daddy mo?" hindi niya akalain na magkukuwento ito tungkol sa buhay nito, it was just too personal, pero sinasabihan siya nito, ibig sabihin ay may tiwala na ito sa kanya. Lihim siyang natuwa sa natuklasan.

"Mabait ang stepmom ko pero may mga times na nagagalit siya sa akin, na naiintidihan ko dahil siguro nakikita niya ang mommy ko sa akin. Si daddy naman, hindi ko madalas nakakausap dahil busy sa political career, he's the Governor of our city, for seven consecutive years, pero naging Congressman siya for three years and Mayor bago naging Governor, pero kapag nagkikita naman kami ay kinakausap niya ako."

"And I see there's no problem with your parents." Muli ay hindi ito nakasagot. "Baka nasa isip mo na naman lahat 'yan."

Sumubo ito nang kinakain nito, nginuya at nilunok bago ito sumagot sa kanya. "When I was in grade school, kapag may party sa bahay, itinatago ako ni daddy, dahil ayaw niya akong makita at makilala ng mga kasamahan niya sa politika o sinumang mga bisita niya, kaya nakasanayan ko na ding magtago kapag may party sa bahay."

"Baka may rason naman siya sa pagtatago sa 'yo, sana tinanong mo."

"Rason? 'Yon nga, para hindi ako makita ng mga tao dahil baka malaman na may anak siya sa labas." Nakita niya ang pagguhit ng sakit sa mga mata nito. "Ang weird ko, pero alam mo ba, ginagawa ko ang lahat nang makakaya ko sa school at kung saan-saan pa para ma-recognize niya din ako at maipagmalaki balang araw."

"I'm sure your dad is already proud of what you are, you're intelligent, o sige na, guwapo at talented."

Nakita niyang tipid itong ngumiti. "Alam mo ba, ikaw pa lang ang nakakapagsabi niyan sa akin."

"Talaga?" Ayiii... kinilig naman daw siya doon. Tumango-tango ito. "Walang mga magulang na hindi proud sa nakakamit ng anak. At kung ako ang magulang mo, sinasabi ko na sa 'yo, I'm proud of you!"

"I don't like you to be my parents," mabilis na sabi nito.

Napakunot-noo siya. "At bakit? Ang choosy mo, ah!"

"K-Kasi... ahm, basta!" anito, saka ito nag-iwas ng tingin at mabilis na sumubo ng pagkain nito.

Nagkibit-balikat na lang siya. "Lahat naman ng tao may problema e, ako, parang walang problema, pero marami din nakakapagpa-stress sa akin," aniya, saglit siyang uminom ng juice bago nagpatuloy. "Katulad mo, gusto ko ding maging proud ang parents ko sa akin, actually, dapat sa States ako mag-aaral, kaso ang sabi ko sa parents ko ay dito ko gusto mag-aral, kaya pinayagan nila ako basta huwag daw ako magpapabaya ng pag-aaral, baka ibalik ako sa States."

"Ayaw mo sa States?"

"Gusto naman, marami akong friends doon, pero iba pa rin kasi ang 'Pinas, e. Mas masaya dito kahit minsan magulo. Tapos dagdag pa 'yong problema ko sa newspaper club, sa mga bashers ko—kung bakit hindi naman ako artista, e, may bashers ako."

"Dahil naiinggit sila sa 'yo at gusto nilang maging ikaw."

"Ha? Bakit naman?"

"You're rich, jolly, intelligent and fun to be with."

Napangiti naman siya sa narinig mula sa lalaki, pero parang may kulang, e. "And?"

"And? Wala nang 'and', period na nga kasunod n'on, e." Napabunsagot naman siya, hindi pa kasi niya naririnig dito na sabihin nitong maganda siya. Nakakasigurado talaga siyang maganda siya; may mga admirers nga siya, e.

"Fine!" nagtaas na lamang siya ng tinidor at kutsara bilang pagsuko na marinig ang magic word sa lalaking ito. Inabala na lang niya ang sarili sa kinakain nang muli itong magsalita.

"Sige na, maganda ka na!"

Nanlaki ang kanyang mga mata na bumaling dito. "Ano uli 'yon?"

"Once is enough!"

"Hindi ko gaanong napakinggan!"

"It's not my fault anymore." Natatawang sabi nito.

"Ikaw!" naiinis na sabi niya, saka niya mabilis tinuhog ang ulam na nasa harapan niya at isunubo 'yon lahat.

"Dahan-dahan sa pagkain, baka ma-turn off 'yong mga nagkaka-crush sa 'yo, kung mayroon man." Natatawang sabi nito. Imbes na sundin niya ang sinabi nito ay mas dinamihan pa niya ang pagsubo dito.

Nang biglang may maalala siyang itanong sa lalaki, kaya mabilis niyang nginuya at nilunok ang kinakain. "'Di ba sabi mo may girlfriend na ang kapatid mo?"

Bigla itong napakunot-noong bumaling sa kanya. "And so?"

"What does she look like?"

"Maganda, sexy at makinis." Sagot nito. Nagpatango-tango naman siya. "Jealous?" kapagdaka'y tanong nito. Jealous? Pinakiramdaman niya ang puso niya—pero wala naman siyang makapang selos, e, baka kasi na-shift na sa lalaking kausap ang lahat ng pagkaka-crush niya sa binata. "Hindi ka na nakasagot d'yan." Naiiling na sabi nito.

"Eh, ano naman kung nagseselos ako?" aniya.

Nagulat siya nang padabog nitong binitawan ang hawak na silver ware. "Busog na ako." sabi pa nito.

"Busog ka na? Eh, hindi mo pa nga ubos 'yong nasa plato mo!"

"Nandyan ka naman, e."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "'Uy, ano'ng tingin mo sa akin baboy na puwedeng ipakain ang tira? Ubusin mo 'yan!"

"Nawalan na ako ng gana!"

"At bakit?"

"Wala."

Saglit siyang natigilan nang biglang may naglaro sa isipan niya, lahat kasi ay nagkakapreho ito at ng kuya nito, naisip lang niya nab aka... "Don't tell me may gusto ka din sa girlfriend ng kapatid mo? Nag-iba ang mood mo no'ng na-topic natin siya, e."

"What?"

"May gusto ka sa girlfriend ng kuya mo, aminin mo na!" aniya, pero parang may kung anong pinong kurot ang nararamdaman niya sa loob-loob niya. Is she jealous? Parang, e.

"Oo na, okay na?"

"Sabi ko na, e!" aniya, kulang na lang ay mapabunsagot siya nang husto sa harapan nito. Sa dalawang magkapatid pa lang na ito siya nakaramdam ng heart broken. Pero mas masakit kay Jeron, dahil crush an crush na niya, e. Parang pati siya ay nawalan na rin ng gana.

"Oh, bakit hindi ka na kumakain?" mayamaya ay pansin nito.

"Busog na din ako." sagot niya.

Nanlaki ang mga mata nito. "Ubusin mo 'yan, nag-order ka nang madami, tapos hindi mo uubusin?"

"Ipapa-take out ko na lang." sana ay hindi nahimigan ni Jeron ang pananamlay sa boses niya, kung bakit kasi kinulit-kulit pa niya ito tungkol doon—siya din pala ang masasaktan. Nacu-curious tuloy siyang makita ang babaeng pinag-aagawan ng dalawa. "Have you ever been in a relationship before?" out of the blue ay naitanong niya, baka kasi first love pa nito ang babae—wala na talaga, first love never dies pa naman.

"Not yet, why?"

"So, ang girlfriend ng kapatid mo ang first love mo?"

"What?"

"Wala." Aniya, saka na siya tumawag ng waiter para ipagbalot ang tira nilang pagkain. Kapagdaka'y nauna na rin siyang tumayo sa lalaki. "Don't worry about the Burger house, kapag hindi ako abala sa studies at newspaper club, sasabihin kong ire-relieve na kita, kilala naman na ako doon, e, saka ako naman ang dahilan nang pagiging busy mo sa basketball." aniya, saka na siya naunang tumayo sa upuan at naglakad.

Teka, saang lugar ba dapat nagpapahilom ng mga sugatang puso? Dapat ay magkaroon din ng place for broken hearts. Makapagpatayo nga ng gano'ng lugar!

His Sweet Stalker (COMPLETED)Where stories live. Discover now