Simula

342 13 0
                                    


"BAKIT ka nanjan?" Tanong ni Manang habang tinitingala ako dito sa puno.

"E kasi Manang, wala akong magawa dito sa bahay. Can you suggest something para di ako ma-bored?" I asked.

"Mag-iisip ako. Pero bumaba ka muna jan! Aba ang bata na ito. Baka mapagalitan ka ng Tita Lani mo." Sabi ni Manang.

"Bleee! Ayoko!" Sabi ko at nilabas ang dila. Gumalaw ako ng kaunti at namali ng hakbang! Napapikit ako ng naramdaman ko ang pagbagsak ko galing sa puno. Naramdaman kong nay sumalo saakin mula sa baba!

Pagbukas ng mata ko, nakita ko iyong lalaking sumalo saakin. Medyo magulo ang buhok niya pero bagay naman sakanya.

"G-Get off of me!" Ani ko at tumayo. "W-Who are you!?"

Ngumisi siya at humalukipkip. Lumapit saakin si Manang. "Siya si Kael, Bestfriend ng Kuya Wacky mo."

Nagtaas ako ng kilay. "Nice to meet you then." Ani ko.

"And you are?" Tanong niya di parin mawala-wala yung ngisi niya!

"Josefina Adeline Alvarez." Ani ni Manang.

"Sienna, nalang so it looks Modern. I hate the 'Josefina Adeline' thingy. Its old fashioned name." Paliwanag ko at tumungo naman siya. Di pa rin talaga mawala ang mga ngisi niya! Sa sobrang irita ko, umirap ako at tinalikuran siya.

"Kuya Wackkyyyy!" Hiyaw ko sa bahay at hinanap siya.

"Oh?" Tanong niya.

"Andun yung kaibigan mo." Ani ko at Inirapan siya.

"Anong nangyari? Tinamaan ka noh?" Sabi ni Kuya Wacky. "Namumula ka!" Tukso niya saakin at tinusok tusok ang pisngi ko!

Ako namumula!? Arghhhh! Never!

"Argh! Stop it!" Ani ko at hinawi ang kamay niya. Dumiretso ako sa Kusina para kumain.

Bakit naman ako namumula? E di ko naman gusto yung hinayupak na lalaking yun e. Naiinis ako sa ngisi niya kanina. Parang pinagtatawanan ako. Wala naman akong dumi sa mukha. Pero kung maka-ngisi, Wagas!
"Anong nangyari, hija? Mukhang galit na galit ka yata.." Tanong ni Aling Minda. Ang Cook minsan dito sa bahay.

"Kasi naman e. Yung kaibigan ni Kuya Wacky, nakaka-asar!" Ani ko at sumubo ng kanin.

"Hinay-hinay lang sa pagsubo. Ah, yung si Kael Vergara?" Tanong niya at tumungo ako. Hinawakan niya ang sintido niya. "Wag naman sana maulit ang nangyari nuon." Bulong niya.

Nangyari nuon? The heck.

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now