Chapter 10

73 7 1
                                    


Chapter 10

Di ka ba nahihiya?

"ANONG ginawa niyo kanina?" Tanong ni Ate April.

"Nag PE lang kami." Sagot ko.

"O-key." Sabi niya at tumungo tungo. "Dati pag PE namin, pag nag pupush up or Basic plank kami, sinisigaw namin yung pangalan ng-- Wait, Ginawa niyo ba yun?" Tanong niya at nanliit ang mga mata.

"U-Uhm.. Sila!" Sabi ko. Di ko namalayan na medyo napasigaw ako kaya tumawa sila.

Totoo nga yun. Ginawa ko din yun. Kaya ang result, ako lang ang naka 1 minute sa Basic Plank.

"Wacky, galingan mo sa pagiging Varsity. At baka di ka na bigyan ng dagdag allowance pag bumaksak ka at natanggal sa Varsity." Paalala ni Kuya Ren.

"Oo naman, Kuya! Ako pa." Sabi niya.

Napailing nalang ako sa sobrang hangin ng pinsan ko na to.

"HINDI ka na pala aalis!" Sabi namin kay Fritzie, Pagpasok. Prank lang pala yung pag-alis niya.

"Sakit mapaglaruan noh?" Tanong ni Fritzie saamin.

Bumaling ako kay Athena na kinikilig at pulang pula sa pang-aasar ng mga kaklase ko. Lumapit ako sakanya saka siya Kinompronta.

"Crush mo si Paolo!?" I asked her.

Sobra naman siyang namula. Hinitak niya ko paupo sa tabi niya. "Oo e."

"H-Ha!? Paano? Kailan? Saan?" I asked. Hindi makapaniwala sa nalamang sagot.

"Marupok kasi ako e."

Nasapo ko yung noo ko saka natawa. Si Athena may crush kay Paolo!? Whuttt! Alam kong lahat ng babae, Marupok. Okay! Halos lahat. That makes sense. HAHAHA.

"Sino?.." Narinig ko sa mga nag uusap dito sa room. Habang ako ay nag papractice mag-drawing.

"Si La--"

"...Tatay mo. Sino?" Sabi nila at nagsitawanan.

Mga Pilosopo talaga!

Lumabas ako ng classroom. Tutal wala naman kaming klase sa dalawang subject. Biglang nahagip ng mga mata ko si Kael na naglalakad kasama yung kaibigan niya. Hindi ko alam kung bakit bigla ko nalang silang sinundan.

Huminto sila para bumili. Nakita ko na napalingon siya sakin kaya bigla akong nagulat at tumalikod. Pag kuha ko ng inumin na binili ko, tumakbo ako ng sobrang bilis. Napahinto ako at lumingon.

Nagulat nalang ako nang natapon ang dala kong inumin! Napaangat ako ng tingin at nanlaki ang mata nang makita ang taong natapunan ko!

SI MIKAEL DELA CRUZ!

"S-Sorry.." sabi ko saka kumuha ng tissue para punasan. "..di--"

Di ko natapos ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang pulsuhan ko saka nilayo ng onti sakanya. Tumigil ang mundo ko ng marinig ang sinabi niya.

"Di ka ba nahihiya?"

Para akong dinurog ng unti unti. 4 na salita na kayang pamulahin at mapahiya ang sarili ko.

"Di ka ba nahihiya?" Ulit niya. "Alam mong iniiwasan ka na, para kang aso na sunod ng sunod!"

Nagulantang ako dahil medyo lumakas na ang boses niya. Mas nanlumo ako ng nagiinit ang mga mata ko at gusto nang lumuha.

"P-Pasensya ka na. S-Susubukan ko nalang umiwas. Di ko alam na ganyan pala ang tingin mo." Sabi ko. Di ko na mapigilang pumiyok. Nang naramdaman ko na tutulo na ang mga luha ko, tumalikod nako at tumakbo paalis duon.

Ang Harsh niya!

E ano naman? Di sapat na dahilan yun para sumuko ako! Fighting!!

******

Hi crushzxc walang dahilan para sumuko akooo. HAHAHA Charot.

[Sakit mapaglaruan noh? HAHA]

Hi kay Athena! Thanks sa support mo. Yiii. Magugustuhan ka rin ng Paolo mo. HAHAHAHA!!


- PurpleJade26 -






Treasured Love | CompleteHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin