Chapter 32

53 4 0
                                    

Chapter 32

Pain

MABILIS kong pinasok sa bag ko yung mga gamit ko saka tumayo na. Hindi ko masikmura yung mga babae na to. Hindi pa ako nakakalayo, nagulat ako nang makita si Kael na hinablot bigla yung braso ko!

"Let go of me!" i said firmly.

Kesa sagutin niya ako, hinila niya ako paalis duon. Dahil busy yung nga babae sa cellphone nila, Hindi nila napansin na hinablot ako ni Mikael. Nang makarating kami sa malayo layong parte ng Soccer Field na may puno, dun niya lang ako binitawan.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong niya.

"Ayokong kumain."

"Kailangan mong kumain. Pinsan ka ni Kristoff kaya ako ang responsable sayo." Sabi niya na inirapan ko.

Dun ka nalang dapat kina Homaine. Tutal mas gusto mo naman siya. Pabigat naman yata ako sayong hayp ka.

Nagulat ako nang umalis siya. Bumugtong hininga ako saka umupo sa lamesa dito sa ilalim ng puno. Nagulat ako ng bigla siyang bumalik. May dala siyang stryo na mukhang pagkain ang laman. Sa kabilang kamay niya naman ay ang plastic ng Juice. Lumapit siya saka ipinatong ang mga dala sa lamesa.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Julius. Kumaway ako saka sumigaw. "Juls! yuhoo!" sabi ko pero di niya yata ako marinig. "Susun--"

"No." Mariin niyang sabi at ipinako ako sa kinatatayuan ko. Nasa magkabilang gilid ko yung kamay niya. "Hindi ka pwedeng umalis. Dito ka lang."

"Why? Hindi mo ako pag-aari kaya wala kang karapatan dikatahan ako." Sabi ko saka tinignan siya ng masama. And besides, sasama lang naman ako kay Julius e. duh.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi ko. Kinuha ko yung isang styro at nagsimulang kumain. Di ko siya maintindihan. Paiba-iba siya.

Nang matapos na akong kumain, pumunta ako sa labas ng room na lilipatan namin. nakaupo ako sa gilid ng corridor dahil maaga akong pumunta dito. Nagulat ako sa narinig kong tumatakbo.

"Dice!" Sigaw ko. Tumayo ako. Lumingon siya sakin at lumapit. Kita ko sa aura niya yung pagiging masaya. "What happend?"

"Kael has a girlfriend!" she excitedly said. "Mikael Corpuz has a girlfriend! Finally!"

Binigyan ko siya ng mapait na ngiti. Akala ko, may pag-asa ako. I've been in-denial for like 5 months. And this is the consequence of being in-denial.

"Finally." i said. kinagat ko yung labi ko. "Hindi kaya ex niya lang yon?"

Umiling siya at kumunot yung noo. "Of course, not. Siya na mismo nagsabi."

Tumungo ako. Now i understand. Wala talaga akong pag-asa. E sino ba naman ako? I'm just an ordinary girl na humahabol sakanya. Daig ko pa yung lalaking nanliligaw. I've been overreacting girl for like, 5 months? Bumugtong hininga ako. I don't exactly know why i'm crying all along. Paghanga lang. Pero bakit iniiyakan ko? Napakaliit na bagay, iniiyakan ko. Hindi dahil OA ako. Kundi dahil tao ako. Nasasaktan, nakakaramdam. Masyado ng masakit. Parang pinupunit yung puso ko.

PAULIT-ULIT sa isip ko yung mga salitang sinasabi nila. Hinawakan ko ng mariin yung blade na hawak ko.

"Napaka-OA mo naman kasing magkagusto e."

"Lalaki dapat yung naghahabol hindi babae."

"Di ka naman niya mamahalin."

"Sienna, just stop!"

"Mikael Corpuz has a girlfriend! Finally!"

Pumilit ako ng mariin habang hinihiwa yung blade sa pulsuhan ko. I know bata pa lang ako, tinatak ko na sa puso ko na Suicide is not the Key. Pero ngayon, alam ko na yung pakiramdam. I just want to end my life. Right now. Starts now.

Pinikit ko yung mata ko para damahin yung sakit habang unti-unting pumapatak yung dugo.



****************

Masaket </3

10/20/18

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now