Chapter 27- Intramurals Part 1

65 8 0
                                    


Chapter 27

Intramurals

MAGANDA ang araw na to. Kahit di ko pa nakikita si Kael. Pano kasi, nanonood kami sa mga taong nag-aayos para sa Intrams bukas. May mga Banner na rin, Speaker, Basketball Ring, saka bagong pintura na Court sa may Quadrangle.

"Hoy bukas, may mga booths!" Sabi ni Therese na kinikilig pa habang nagsasabi nun.

"Marriage Booth!" Si Keziah.

"Pwede ba dun dalawang beses magpapakasal?" I ask out of nowhere.

Nagkatinginan sila saka humalakhak. Yeah, i know right! Iniisip ko lang naman kung pwede ako magpakasal dun kay Shohei saka kay Kael e. Malay mo, pwede pala..

Ewan ko ba kung bakit hinila ako ni Shynelle papunta sa section ng Dandelion. Nandun kami. Nang naglalakad na kami papalapit, nagulat ako ng makita ko si Kael na nakikipag-usap at tinuro ako ng kaibigan niya kaya napatingin siya sakin! Sa sobrang gulat, tumalikod ako at bumalik sa room. Habang nasa labas ako, natanaw ko si Kael na nakatingin pa rin sakin!

Gusto ko na magpalamon sa lupaaaa!!

"OKAY, Class. Dismiss."

Lumabas kaming lahat dun sa room na pinag sstay-an namin na room nina Kael. Ang lungkot namin. As in sobra! Pano ba naman e, ang baba ng score namin sa First Periodical test nitong 2nd Grading. Hinanap ko siya sa crowd ng mga kaklase niya pero wala siya. Nang maglakad pa kami. Nagulat nalang ako ng ituro siya nina Shynelle na nasa harapan namin! Waaa. Naging lutang nanaman ako!

GUMISING ako ng maaga. Ewan ko ba. Basta ang gusto ng katawan ko, matulog maghapon. Pero syempre hindi pwede yun kasi kailangan kong supportahan sina Kael. Nagpabili pa nga ako ng red na lobo para supportahan sila e. Syempre gagawa rin ako ng banner na may nakalagay nun.

When the game starts, i shout as loud as i can. Di ako nangamba kung marami ang mag judge sakin. Besides, its Intramurals Day. Kaso, i feel so down nung matalo sila. Muntik na nga ako umiyak. Siguro dahil meron ako kaya ako masyadong Emotional. After the game, bumalik na ako sa room. Pero di pa ako nakakapasok, nakita ko sina shohei sa mga upuan sa labas ng room nila na halos katapat lang ng room namin!

Tumili si Therese saka tumawag ng taga ibang section na kausapin si Shohei para makapag pa picture ako. May isang lumapit kay Shohei at sinabi. Lumapit kami duon at ako naman ay hiyang-hiya na!

"Ha? Bakit? Bakit ako? Anong gagawin ko?" Yan yung mga sinasabi ko. Painosente lang ang peg. HAHA!

Nang mapicturan na kami, tili naman ng tili yung mga kaklase niya na nakapaligid sakin. Nagtatatalon akong pumasok sa room at nakita ng mga kaklase ko yung picture naming dalawa.

Ilang minuto pa ay nagpasama na si Keziah saamin ni Therese na pumunta sa Bookshop malapit sa school. Dahil nangako siya na ibibili ako ng Pocketbook. Kaso pagdating namin duon, wala na. Kaya bumili nalang siya ng mga bibilin niya at pumunta kami sa Milktea Shop. Medyo kinabahan ako nang makita si Raicci at Eileen sa loob. Pagkalabas nila, sakto naman na papasok ako para bumili.

Ewan ko kung bakit ganito. Nahihiya lang ako. Haha.

"Hoy dapat bago mag 1 o'clock nasa room ka na a?" Sabi nina Kairen.

"Ha? Bakit?" Naguguluhang tanong ko.

"Basta. Marriage booth." Sabi niya saka kumindat at umalis na.

Naguguluhan pa rin ako sa mga sinasabi niya. As in! Dahil sa sobrang tagal ng pagkain na in-order ko sa Take-out, mga quarter to 1 na ako nakadating ng room. Binuksan ko ang pagkain ko at saktong pagsubo ko ng isa ay dumating sina Kairen.

"Tara na!" Sabi nila at hinitak ako. Tumakbo sila kaya napatakbo din ako.

"Wait lang, meron ako!" Sabi ko sakanila. Pero mukhang di nila ininda yun at tuloy-tuloy pa rin.

Kinikilig naman silang lahat nang makarating na kami. Nandun din si Raicci na ngiting-ngiti at katabi niya si Eireen. Nilapitan siya ng Practice Teacher namin sa Filipino na siya rin ang bumubuo ng booth na to. Pinapunta si Kael sa loob at pinaupo duon. Nakita ko na tinalian siya ng red string.

Inabot sakin nung girl yung boquet ng paper flowers. Pinapasok na silang lahat duon sa loobat ako nalang ang nasa labas. Sinenyasan nila ako na pumasok na saka ako pumasok ng dahan dahan. Sobrang pula ko grabe. Nagtitilian pa silang lahat.

Nang nandun na ay inutusan si Kael na yung kabilang part ng red string na itali sakanya ay itali din sakin. Napatingin siya sakin saka tinali ang redstring. Nagulat ako ng itali niya ulit.

"Ikaw, Mikael Corpuz, Tinatanggap mo ba si Josefina Adeline Alvarez bilang asawa at mamahalin habang-buhay?"

"Ano po bang sasabihin?" Tanong ni kael na ikinatawa ko. Tinuro nila yung sign na 'I Do'

"Oy Pare, pwede ka pang tumutol!" Sabi ng Hinayupak na Carlos na bestfriend niya.

"I do." Sabi niya. 

Ganun din ang tanong sakin at ganun din ang sagot ko. Nakita ko silang lahat na may hawak na camera. Shet feel na feel ko talaga. Meron pa kasing Dance with my crush na tinatawag. E ang alam ko, complete package ang kinuha nila dito. Nilagay ng Practice Teacher or sir namin yung kamay ni Kael sa bewang ko! At nilagay niya naman ang kamay ko sa balikat ni Kael. Shemay! Ano naa!?

Inanounce na nila kami bilang magasawa daw. Ang sarap sa ears na marinig ang 'Mr. And Mrs. Corpuz' yiii! Nang lumabas kami, nagbibiruan sila na kesyo Honeymoon na raw. Hahaha. Nag tatanong kaming dalawa ng gunting. Kaso 15 minutes pa daw bago tanggalin ang tali. Kunyari tinatanggal ko. Ang higpit din naman kasi ng pagkakatali niya. Kaso biglang natanggal sa pinky finger ko yung tali. Napatawa ako kunyari at Napatingin siya sakin. Tinanggal niya ang tali at bumugtong hininga saka inabot saakin. Dahil katabi namin ang hagdan, umakyat na sila pero nakita ko siya na tumingin pa ulit saakin ng iaang beses.

TINAPOS ko na ang pagkain ko saka lumabas. Pabalik-balik ako dahil may pinapahanap saakin yung mga taga Marriage Booth. Napapadaan din ako sakanila nina Kael, Raicci at isa pang kaibigan ni Kael.

Nang dumaan ulit ako, nagulat ako ng tinawag ako ni Raicci. "Sienna!"

Napalingon ako. "Si Kael nga pala. Asawa mo." Saka sila nagtilian. Napangiti rin ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Shemay. Mah hart mah soul!

Awwieeeee!!

*******************

Kinikilig ako. Shemay! Btw, this is my longest update sa ngayon! Dahil super inspired ako. Haha <3


- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWo Geschichten leben. Entdecke jetzt