Chapter 8

74 5 0
                                    


Chapter 8

Mad

"TARA na!" Era said.

Tanghali ngayon at nakakain na kami kanina dahil Vacant. Ang di ko lang malaman, bakit kesa sa isang daan kami, dito pa kami dumaan. Dito ako hinila ng gaga. Nang maka lakad na kami, alam ko na kung bakit dito kami dumaan. Dahil nandito si Kael kasama sina Scarleth!

Tumawa si Era at hinila ako. Pagdaan namin, kumunot bigla yung noo niya. Siguro dahil sa presensya niya. Kahit di niya ako tinignan sa mata, ako siguro ang dahilan kung bakit. Argh! Tumigil kami nang makita sina Rusty sa di kalayuang pwesto nina Kael. Ngumisi si Era at nakipag-chikahan kay Rusty.

Tumiim ang panga niya habang naka kunot at nakikinig sa nagkwekwentong si Scarleth habang nakatingin sakin. Nginitian ko si Scarleth at ganun din siya, pabalik.

"T-Tara na." Sabi ko at hinila sila para makapasok sa gate.

"Ay nako. Sayang naman." Sabi ni Era habang naglalakad kami.

Ayoko na kasing magtagal pa ruon. Baka naiinis o naasar lang siya sa presensya ko. Wala naman akong ginagawang masama di ba? I just really like him. Argh ewan ko ba.

Dumaan ang mga oras hanggang sa PE Time na namin. Nagmadali kaming pumunta sa gym at naroon na nga Ang Dandelion (Section nina Kael, Paulo and etc.). Nang nasa gitna na ako, nakita kong nag-hi at kumaway si Kael kay Mibelle!

WHAT DID JUST HAPPEND?

SO TAMA ANG KINUKWENTO NINA ERA NA NILALANDI NG PABIDA KONG KAKLASE SI KAEL!?

How dare, her?! Ang sarap manapak! Arghhhhhh

"Bakit Badmood, Sienna?" Tanong sakin bigla ni Maam Rachel. Teacher namin sa MAPEH.

"Wala lang maam. Masama lang siguro yung pakiramdam ko." I just said at umupo na sa sahig.

Nagpaliwanag si Maam ng lalabas sa Exam and etc. Nag warm up, kumuha ng reviewer, at marami pang iba. Pagkatapos, lumabas na ako ng gate at umuwi na.

"HI Tita." I said then umupo sa sofa kung nasaan si Tita Mia.

Binaba niya ang magazine na hawak niya at tumingin sakin. "How's school?" She asked.

"Fine. Nakakapagod" habulin si Mikael.

"Tita," napabaling kami kay Wacky na hawak ang cellphone. "Dito MagDidinner si Mikael. Pupunta rin dito sina Eliziah, Mikaela, and the gang."

"Mikaela?" Tanong ni Tita. "Mikael's Sister?"

Tumungo si Wacky. I've seen that girl before. I think yun yung kasal ng isa kong pinsan.

Dahil sa antok ko, nagbihis ako, naghilamos saka natulog sa kwarto. Hindi ko alam kung ilang oras na akong tulog. Bumaba ako para kumuha ng gatas. Pagkakuha ko, nakarinig ako ng mga boses patungo sa Garden. Dinala ko ang gatas ko at dumiretso duon. Nandito na nga sila.

Tumakbo si Liziah saakin at hinitak ako paupo sa upuan sa tabi niya.

"Buti nagising ka?" Tanong ni Wacky.

"Nagising lang ako kasi gusto ng gatas." Sabi ko at iniangat ang gatas na hawak ko at tumungo sila.

Nagkwentuhan sila nina Kael nang mga bagay-bagay.

"Ang sungit ng kuya mo, Mika." Sabi ni Liziah. "Ang sungit pagdating kay Sienna."

Okay na kami ni Mika. Medyo nagpapansinan, tawanan. Pero di kami super close. Syempre nahihiya rin siya sakin. Nakwento rin ni Mika na pumupunta raw sakanila si Richane Rivero dahil daw may project etc.

"Ganun?" Sabi ni Liziah. "Nako daig ka pala." Sabi niya sakin at siniko ako.

"Pero pag tinatanong naman siya ni Daddy, Sabi niya secret daw." Sabi ni Mika.

"Secret?" Sabi ni Liziah. "Iba din yang si Kael e."

"Kaso umuwi si Kuya nung isang linggo yata yun. He was very mad."

"Mad?" Tanong ko.

"MIKAELA!" Napalingon kami sa tumawag ng pagkalakas-lakas. "Tara na umuwi na tayo. Hinahanap ka na ni Dad."

"Ikaw rin, Sienna. Matulog ka na at baka mapuyat ka pa." Tss. Kala mo namang concern talaga si Wacky. 

Tumungo ako at nag Bye sakanila. Umakyat ako at humiga na sa kama. Nakakapagod tong araw na to..

********

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now