Chapter 50

91 3 0
                                    


I'm so Happy na umabot tayo hanggang dulo. Thank you readers, sa mga classmate ko, friends, cousins, Niece, and many more. Salamat sa support niyo. I hope i-support niyo rin yung "Loving You Since Then".

Napagdesisyonan ko sana na sa isang account ko yun ipupublish. Dun sa @Sofieyyy . Kaso, masyado sigurong mahirap. Lalo na medyo karamihan sainyo, tamad! Lol. Kaya dito ko nalang isusulat. So ayun, Gracias!

[Wag muna kayong ano. May Wakas pa. Lol]

--

Chapter 50

I can still remember the time when my father wants me to go back.

"Bakit ba kasi hindi ka nalang umuwi, Josefina?" Naguguluhang tanong niya. "Miss na miss ka na namin dito."

Gusto ko na talaga umuwi. But i can't face the pain.

"Eh marami pa akong gustong gawin dito.." Paliwanag ko. "Saka uuwi rin naman ako."

🔐💕

Sinara ko ang pintuan ng kotse ni Kael at sabay kami pumunta sa tinutuluyan ni Tita dito sa Manila. Lumingon ako kay Kael at hinawakan ang kanyang kamay habang naglalakad papunta sa pintuan ng bahay.

Umabot ako ng dalawang katok bago bumukas ang pinto. Bumungad saamin si Tita na naka-itim na bestida. Tinaas ko ang kamay ko kung nasaan ang singsing na binigay ni Kael saakin.

Nanlaki ang mga mata niya at di makapaniwalang tumingin saakin. Mabilis ko siyang niyakap  ng mahigpit at naiyak sa tuwa.

"Siguro, kaya hindi kami naging para sa isa't-isa ni Rafael dahil para sainyo." Sabi ni Tita Mia habang umiinom ng kape. "Kasi kung nagka-tuluyan kami, walang Mikael. Waalng Mikael si Sienna."

Pinahid ko ang mga luha na nasa pisngi ko. Si Tita kasi e! Ang drama tuloy.. Umalis si Tita at bumalik ng may dalang papel.

"Sulat iyan galing sa mama mo," sabi niya at inabot ang sulat saakin. "Ibigay ko raw sayo pag nasa tamang edad ka na."

Nanginginig akong binuksan ang papel na inabot ni Tita.

Sienna,

        Siguro naman nasa tamang edad ka na sa mga panahong ito. Sana lumaki kang maayos at laging gabayan si Maiden. Siguro sa panahon na binabasa mo ito, e nasa langit na ako. Kung wala ka pang asawa ngayon, mas gugustuhin kong si Mikael Cortez ang mapangasawa mo. Bata palang kayo ay kinausap ko na ang batang iyan na gabayan, mahalin, at pakasalan ka in the future. I hope you're doing well. Always remember na mahal na mahal kita.

                                             -Mama

Sobrang na-mimiss ko na si Mama. Kahit hindi ko na naaalala ang mga bondings namin together, dahil sa mga kwento ni Tita nung bata pa ako, mas lalo kong na-miss at minahal si Mama.

"Bakit hindi mo sinabi saakin na kinausap ka pala dati ni Mama?" Tanong ko kay Kael habang nanonood kami ng sunset.

"Huh? I don't even remember what happend." Sabi niya. "Tumungo lang ako ng tumungo dahil kay Mommy. She said she'll buy me toys if i agree."

Natawa ako.

"But now, i'm sure." Sabi niya at niyakap ako. "I love you."

"I love you too." Sagot ko.

Paano kaya kung hindi ko siya nakilala? Paano nalang kung hindi ko siya hinabol? Paano kung hindi ako nagpaka-marupok sakanya? May kami pa kaya sa huli?

But now, masaya ako. Napaka-saya ko dahil the man of my dreams, finally loved me back.

I'm so lucky to have him.

---

Follow the following accounts!

Twitter : @ElizaldeMarie

Facebook : Solelle Riego

Instagram : @hermosasofieyyy (This is a private account but you can send a request if you want.)

@sweethermosa (my public account. For wattpad purposes.)

That's all. Thank youuu!❤️

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now