Chapter 21

58 7 0
                                    


Chapter 21

Untitled

"OMG Paolo!" Naririnig kong hiyaw ng mga kaklase ko.

Lumingon si Pao sakanila saka tinanong kung bakit. "Nahimatay si Athena!" Sagot nila.

Mabilis silang tumakbo papunta sa grounds. Sumunod na rin ako dahil syempre, kaibigan ko rin naman si Athena. Ngumisi ako ng makita si Paolo na binuhat si Athena at tinatakbo papunta sa clinic. Sinundan ko sila at mas lalong lumaki ang ngisi ko sa nga sinasabi ni Paolo.

"Tumabi kayo jan! Dali! Pag may nangyaring masama dito, pag-bubugbugin ko kayo!!" Sigaw ni Paolo.

Sweet. Di ko pa alam kung ano talaga sila. Pero feeling ko, may gusto na rin si Paolo kay Athena.

Pagkatapos nun ay pumanik ako sa 2nd floor dahil pupuntahan ko si Scarleth. Ewan ko. Pero di ko pa makita si Kael. Siguro absent siya ngayong araw. Wala pa naman silang mga practice para sa Intramurals dahil mag-peperiodical na.

Ngumiti ako ng malaki ng makita si Scarleth. Tinawag ko siya at binigay sakanya ang hiniram kong gamit. Nagulat ako sa mga narinig ko.

"Absent siya. Siguro may pinuntahan. Baka sinama si Richane."

Ngumisi si Scarleth saakin saka nagpaalan na umalis. Napatingin ako sa naguusap at nakita ko na mga kaibigan yun ni Mikael na naguusap habang nakatingin saakin.

Dahil sa hiya, napagdesisyunan ko na bumaba nalang. Pero di pa ko tuluyang nakakababa, nakita ko si Angelina na kausap si James. Pinanood ko sila habang nasa may hagdan ako.

"Bakit ayaw mo sakin?" Tanong ni Angelina.

"Kasi nga, ayoko. Di kita magugustuhan. Kaya kahit anong gawin mo, wala ka ng pag-asa sakin." Mariin na sabi ni James.

Nang nakita ko na hindi na kaya ni Angelina, hinitak ko siya palayo duon. Bumaba kami ng hagdan. Kumuha ako ng tissue at wipes sa bag ko.

"Ayusin mo nga ang sarili mo." Saka binigay iyon sakanya. "Wag mo ipagsiksikan yung sarili mo sa taong di ka gusto!"

Pagkatapos nun ay umalis na ako at dumiretso sa College Garden.

***********

Ayan na yung wish niyo, AngelAldea5 and Angielen. Wag masyadong umasa. Arasseo?😂💖 💜

Sorry for the short update!! :)

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now