Chapter 23

47 5 2
                                    


Chapter 23

Pag-asa

EWAN ko ba! Bigla ko nalang naisipan umupo sa nga upuan na may lamesa sa labas ng room nila. Kaya tanaw na tanaw ko siya dito. Tinuro naman ako ng mga kaibigan niya kaya napalingon siya sakin ay yumuko habang nagsusulat. Mukhang naiilang. Haha.

Pumapanik kami ni Shynelle ng bigla kaming napahinto! PUMASOK SI KAEL! PUMASOK SIYA!!

That means, Crush ko pa rin siyaaa! :(((

Nanlulumo ako buong hapon. As-in. Juskopo! Ikaw ba naman kasing ngitian ng crush mo nung hapon. (Di si Kael a. Si Kuya Kwass. Hihi)

"SA tingin mo ba ate Frances may pag-asa ako sakanya?" Tanong ko kay Ate Frances. Kaklase ni Kuya Krass.

"Oo naman." Sagot niya pa.

"Pano mo naman nasabi?" Tanong ko.

Nag-isip siya ng kaunti. "Kasi naman, mukhang affected siya sayo kanina. Pinag-uusapan ka nila kanina. Nakayuko lang siya the whole time! Promise! Kahit nung kumakain siya, naiilang siya." Sabi niya at humalakhak.

"Ano sabi nila?" Curious na tanong ko.

"Sabi nila, "Uy yung chicks mo, pre oh!" Tapos sabi nung crush mo, "asan?" Tas hinahanap. Nung nakita ka, nailang! HAHA!" Natawa naman ako na medyo kinilig. Enebeee.

Marupok kaya ako! HAHA.

NAPAILING ako nang makita ko si Summer na umalis ng bahay at nakuha pa kong ngitian! Si Wacky naman ay mukhang problemadong-problemado.

"Okay lang yan." Bungad ko sakanya at humalakhak habang naglalakad papanik sa taas. Binato ko ang gamit ko sa kwarto saka nahiga.

Natulala ako habang nagiisip. Ang gwapo ni Kuya krass. Eh kasi naman. Yawq na :( HAHAHA CHAR <3

Ang landi ko. Tsk.

"Ateeee!" Naririnig kong sigaw ni Maiden.

Bumaba ako ng hagdan. Medyo iritado dahil kakagising ko lang. Naka Messy bun ang buhok ko at naka T-shirt na sobrang luwag saka naka shorts.

"Bakit?" Tanong ko. Nakita ko siya na nasa kusina at nagluluto.

"Paki buksan nung gate." Sabi niya. "Umalis sina Manang e."

Pumalatak ako at padabong na naglakad papunta sa gate. Kinusot-kusot ko ang mata ko habang binubuksan ito at nanlaki ang mata ko nang makita si Kael!

"Hi. Nanjan ba si Wacky?" Tanong niya.

"Wala pa." Sagot ko. "Pasok ka. Inatayin mo nalang. Parating na rin yun. Sinundo lang si Summer." Saka ko sinara ang pinto nang maka-pasok na siya.

Naglakad kami papasok ng bahay. Di pa kami masyadong nakakarating ng sala nang marinig ang tili ni Maiden.

"OMG! Kuya Mikael!?" Sabi niya at tumatalon-talon.

"Why?" Tanong ko.

"Siya yung guest namin nung isang program sa former school ko." Sabi niya at ngumiti. "Wait pagpapatuloy ko lang ang pagluluto ko."

Ngumiti si Kael sakanya. Hinarap ko si Kael. "Gusto mo ng kape?" Tumungo siya kaya pumunta na rin ako aa kitchen para kumuha ng kape namin.

Nang matapos na, pumunta akong salas at saka inabot sakanya ang kape. Uminom ako ng kape. Medyo awkward din kami dahil medyo tahimik. Medyo umingay lang dahil kay Maiden.

"Ate, paki-anangat naman yung hook sa may pintuan dito sa kusina para pwede pag-sampayan." Sabi ni Maiden.

Umirap ako saka tumayo. Tumalon ako para maabot ang hook. Kaso ayaw. Kay paulit-ulit ako tumalon. Medyo kinabahan ako ng makita ko sa Perepheral Vision ko si Kael na nagiwas ng tingin at lumunok. Ng naabot ko na, tinigilan ko na at bumalik sa salas. Buti nalang at biglang dumating si Wacky.

"Tara na?" Tanong ni Wacky kay Kael.

Tumungo si Kael at bumaling sakin si Wacky. "Matulog ka na ulit sa taas. Baka dumating na rin pamaya-maya si Manang."

Tumungo ako at bumugtong hininga saka pumanik sa taas. Nagbasa-basa ako sa reviewer habang nasa Study Table ako. Todo pa rin ang pag-iisip ko sa nangyari kanina.

******

Update, Update, Update! HAHAHA Hi kuya Krass. Yiiii enebee😂 <33333

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now