Chapter 44

74 8 0
                                    


Chapter 44

Dedicated

"Mommy, alam mo ba si Daddy pinicturan ka habang natutulog." Sumbong niya saakin.

"Talaga?" tanong ko sakanya.

tumungo siya at tumawa. Hinawakan ko ang kamay niya at lumabas na. Gulat at nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kael na nasa labas ng Comfort room.

"Anak mo?" He asked while pointing his finger to Raizle.

Hindi ako nakasagot at nakatingin lang sakanya. I need to stop my communication to him. Lalo na may girlfriend siya. E sino ba naman ako, diba? I don't want to be the cause of problem on someone's relationship.

"Mommy, can i go to Daddy na?" Napatingin ako kay Raizle na malaki ang ngiti saka Tumungo.

Nagulat ako ng papalapit siya ng papalapit saakin. Kaya wala akong nagawa kundi umatras din. Pero nang maramdaman ko ang pader sa likod ko, bigla akong inatake ng kaba. He pinned me on the wall.

At mas nagulat ako, nang bigla niya kong halikan!! Don't kiss back, Sienna.

Mukhang naasar siya. Kumalas siya at tumingin sakin. "Yan lang ba ang kaya mo? You didn't kiss me back."

"Well, i respect your--" Pero bago pa ko nakasagot ay inunahan niya na ako.

"Damn your respect." Sabi niya at tinalikuran ako.

I know he's mad. Bakit di niya iyon sabihin ng diretsa? Bakit parang may balak ba siyang gumanti?

"Oh my god. Ang tagal mo." sabi ni Eliziah pagbalik ko sa lamesa.

"May inasikaso lang ako." apila ko.

Nagulat ako ng pinapakita ni Riley yung picture ko habang natutulog sakanila! my god nakakahiya!!

"Rileee!" Sigaw ko at inagaw ang cellphone niya.

"Grabe kung matulog yan, parang sabog. Akala mo di nakatulog ng ilang taon." Kwento niya sakanila at humalakhak.

"Heh!" Sabi ko at inirapan siya.

Napatingin ako kay Kael na nakatingin sakin. Dahil na hiya ako, umupo ako ng maayos at nakinig sa mga kwento nila. Nandito na rin si Jacob na kasama sa banda nina Kael. Gulat na gulat pa siya nang makita ako dito. Haha.

"Pre, hindi ba pupunta si Elle dito?" tanong ni Jason kay Kael.

Elle? Naguguluhan akong tumingin kay Eliziah.

"Girlfriend ni Kael." Tipid na bulong niya saakin. Tumungo ako at di na nagsalita pa.

Nakakapagod din tong gabi na ito. Marami din akong nakuha na impormasyon sakanila. Kael's band, Ares, is now successful. Dice is now a successful photojournalist. I also heard na hindi natuloy ang enggagement nina James at Angelina. Si Athena naman ay may gusto raw kay Jonelle na kaibigan ni Kael at kasama sa banda.

"I'm so tired." Reklamo at pag-aaya ni Raizle saamin. Kaya wala kaming nagawa kundi umuwi..

🔐💕

"TARA na! Magbihis ka na." Kulit saakin ni Eliziah. Boyfriend niya kasi si Marco. Member ng banda nina Kael. Kaya kinukulit ako  na sumama sakanya sa gig nila Kael.

At pinuntahan talaga ako sa condo ko! Ito talagang babaeng to! Umirap ako sakanya saka pumunta sa kwarto para magbihis. Nagsuot ako ng Ripped Jeans at sweat shirt saka naglagay ng Powder at lipgloss.

Paglabas ko ng kwarto, inirapan ako ni Eliziah saka hinila. "Tara na!"

Pagdating namin duon, Napakadaming tao! At halos lahat, babae pa.

"I wanted to turn you on,

My favorite song.

Wanted to be near you but,

somebody owns you now..."

Natulala ako kay Kael na kumakanta. Napakalamig ng boses niya. Pag narinig mo ang boses niya, matatameme ka nalang talaga bigla!

"Simula nung umalis ka, hindi pwedeng hindi niya kakantahin lagi ang kantang yan. Kaya nga sila sumikat e." Kwento ni Yana sakin. Kasama namin ni Eliziah. "He always say that song is dedicated to the girl who broke his heart that is now happy with someone else."

Tumungo ako at napa-isip. Maybe that girl is me!

"Diba ka-batch mo siya? Kilala mo ba yun?" Tanong ni Yana. "Alam mo, kahit yung girlfriend niya, hindi siya pinipigilan kantahin at sabihin lagi kung kanino dedicated yung kanta. Siguro first love ni Kael."

First love ni Kael.

Pero di naman yata ako yung first love ni Kael e. Paano yun?

--

A/N : Nawala kaya yung pagmamahal ni Kael? Kahit ako na-curious e. char. HAHAHAHA.




- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWo Geschichten leben. Entdecke jetzt