Chapter 41

60 6 0
                                    

Chapter 41

Leave

"SIR, lasing na po kayo.." naririnig ko na saway nung bouncer kay Kael. Kael was very messy. Gulo-gulo ang buhok, at basa pa ang labi dahil sa alak.

"No, i-i'm n-ot. j-ust ti-psy." nakita ko si Kael na nagsasalita habang pagewanggewang.

Nilapitan ko siya saka hinila palabas. Binitawan ko siya ng nasa labas na kami. "Ano bang ginagawa mo, ha!?"

"S-ienna, b-balik k-a n-na sa-kin ple-ase?" Sabi niya at niyakap ako. Humahagulgol siya.

Eto nanaman ako! Sienna, wag kang iiyak! Wag na wag. Binabalaan kita. Wag kang Marupok, self.

Kumalas ako sa yakap niya at hinarap siya. "Bakit? Totoo ba na pinaglalaruan mo lang ako?"

"Yes b-but--" Di na niya natuloy ang sasabihin niya dahil nasampal ko siya. After convincing myself not to cry, ayon. Naiyak na ko.

"Alam mo ba yung masakit? Yung sinabi mong gusto mo ako pero may pero." Sabi ko sakanya. "Pinaglalaruan moko, Kael! Ginago mo ko. Akala ko, totoo. Pero di pala."

"Mahal kita, Sienna. Pero--"

"Ayan nanaman tayo sa bwisit na Pero na yan!" Sigaw ko. "Bakit may pero pa?"

"Habang tumatagal, nagiging totoo na ang nararamdaman ko para sayo." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Believe me."

Umiling ako. "Hindi ko alam kung paniniwalaan pa kita." Sabi ko at pinunasan ang luha saka umalis at pumara ng masasakyan. Nang makasakay na ako, parang may pumunit sa puso ko nang makita si Kael na nakahandusay sa kalye sa sobrang kalasingan. Pero mas nagulat ako nang makita si Ann na inaalalayan siya patayo at inakay.

Maybe Kael doesn't need me. Si Ann talaga ang para sakanya. And i'm like a Hindrance to their Lovestory.

Habang naglalakad ako papasok sa mansyon, Tinawagan ko na si Julius.

"Hello?"

"Tara ihatid mo na ko sa airport. Walang pero pero baka masaksak kita jan. Bilisan mo." Sabi ko at pinatay ang tawag.

After ilang minutes, dumating na siya. He even asks me kung bakit ako umiiyak. Umiling lang ako at pinagmaneho siya.

"Pano ba yan?" Tanong ko sakanya. Papasok na ako sa entrance. Ngumiti ako sakany. "Mag-iingat ka, ha? And sabihin mo kay Tita, Hello."

"Ano ba naman yan? Bakit parang ang lungkot?" Sabi niya at pinunasan ang luha ko saka ako niyakap. "Mamimiss kita."

"Mamimiss din kita." I said.

"Mag-ingat ka duon, ah? Saka wag mokong kakalimutan. Wag mong kakalimutan na mahal na mahal kita bilang kaibigan." Sabi niya at ngumiti. Ngumiti rin ako sakanya hanggang sa naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa noo.

Pagkatapos nun, Pumasok na ako sa Entrance at kumaway sakanya. I'll stick to my plan. Instead of going to France, pupunta ako sa Japan for maybe 1 month, then saka ako pupuntang France para walang maka-alam kung nasaan ako. I know na hindi naman ipagkakalat ni Julius yon.

Tinanggal ko ang Simcard ko at sinira iyon saka tinapon sa Basurahan. pagkatapos naman ay Pinower-off ko ang cellphone ko para walang maka-contact saakin. Alam ko na hahanapin ako ni Lola Dahil mamaya pa naman talagang gabi ang alis ko. Hindi ko naman nakausap si Jasmine tungkol dito dahil abala siya kay Kuya Daniel at Mika. May inaasikaso ito sakanila kaya medyo busy siya.

Mapait akong napangiti. This love is hopeless.




*******************

Yey 2 updates in one day! HAHAHA! Grabe talaga si Sienna. Masyadong ano😂

Medyo nalukungkot ako dito. Di ko to ineexpect. Baka maging Tragic yung ending. huhu :(((


Don't forget to Vote! <3



- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now