❤ Chapter 33 ❤

70 4 0
                                    


Warning! Nakaka-heart attack! Haha chos.

--------------------------------

Chapter 33

Tayo na?

"ANONG nangyari jan?" tanong ni Shynelle. Hinawakan niya ang kapulsuhan ko saka inexamine.

Binawi ko ito mula sakanya. "W-wala lang yan."

Nagulat ako nang makita si Kael kasama si Jonelle. Papunta sila sa gawi namin. Hindi ako tumingin sakanila. Gulat ako sa nangyari. As in gulat!

Flashbackkkkk

"Totoo ba?" tanong ko. medyo pumipiyok na.

"Ang alin?" Tanong niya at paramg baliwala lang ako. "Na may girlfriend na ko?"

"O-Oo." sabi ko at pumiyok.

Ngumisi siya saka nagsalita. "Hindi ko siya girlfriend. E ano naman yon sayo?"

"P-pero bakit.. b-bakit sabi nila?"

"Hindi totoo yon." Sabi niya at bumugtong hininga.

Kinakabahan na ko. Yung parang gusto ko na magpakain sa lupa. Hindi ko alam kung bakit ko pa to ginagawa e.

"Ibig sabihin..May pag-as--"

"NO! Sienna, Stop. Boys should make the first move. Hindi ikaw. Nagmumukha ka lang tanga." Nagulat ako dahil biglang nagiba yung tono ng pananalita niya.

So yun pala ang iniisip niya sa buwan na hinahabol ko siya.

"Then fine. If you want me to stop, i'll stop. If you want me to stay away from you, then i'll stay away. I've never been this tired in my whole life. So if you want me to stop chasing you, then i'll stop."

Pagkatapos kong sabihin iyon ay umalis na ako at tumakbo paalis duon.

END OF FLASHBACKKKK

Hindi ako galit dahil sa nangyari. E ayun yung gusto niya e. Then i'll respect his decisions.

Nakita ko si Kael na nasa tabi ko sa Pheriperal Vision ko. Pinipilit kong makinig sa mga music na naririnig galing sa mga speaker.

"Pwede ba kitang makausap?" Tumingin ako sakanya saka nagiwas ng tingin.

"Ayan magkausap na tayo a." I said.

"In private. Tayong dalawa lang." Sabi niya.

"Sige na, Sienna. Dito nalang kami ni Jonelle." Sabi ni Shynelle.

Tumungo ako saka kami nag-punta ni Kael sa may 2nd floor ng building namin. Sa may labas ng mga classroom ng mga Senior High School. Kung saan may Balkonahe saka may mga bulaklak sa labas.

"Ano yun?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim saka nagsalita. "I like you."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Baka namab sinasabi mo yan kasi natauhan ka sa sinabi ko. Or guilty ka. Well, Mikael. Hindi mo na kailangang gawin yon."

"I wanted to, okay! Pinigilan ko. Matagal na."

Matagal na?

"What do you mean 'matagal na.'?" I curiously asked.

Ngumisi siya. That Devish Smirk. I like it. That's one of thw reasons why i fall for him.

"I saw your picture with your cousin. God. i swear Pinigilan ko. Cuz i don't know you yet. I didn't notice you like a month. Sobrang gulat ko na nandito ka nuon. Nasa harap ko. May gusto pa sakin. I entered in a relationship a month ago to forget my feelings towards you." Sabi niya at napasinghap. "Cuz i know your lola. Galit siya saamin dahil sa ginawa ni Papa. Di ko naman siya masisisi duon."

Tulala ako habang nakikinig sakanya. I'm trying to digest the topic. Di ko yata kaya. I think i'm going to explode later.

"Then that day, yung araw na kinasal tayo, Pinangako ko sa sarili ko na aamin ako. I was so dissapointed at myself when i get angry at you. Di ko manlang naamin sayo. Matagal na kitang gusto, okay? Mahal na nga yata kita e." Sabi niya. "God! Ang korny ko!"

Natawa ako sa sakanya. Si Kael? Mikael Corpuz? Nagsasabi ng ganito? oh gosh.

"And now.. Di ko yata kakayanin na masaktan ka dahil sakin." He said. Tinignan ko ang mapupungay niyang mga mata. Niyakap niya ko ng mahigpit. Of course i hug him back too.

Kinalas niya ang pagkakayakap sakin. Nahihiya ako magtanong pero tinuloy ko na. Para malinaw. Para di na ako magassume.

"So tayo na?" I asked him. Kinagat ko yung labi ko. Nakakahiya to!

Ngumisi siya. "Kung okay lang sana sayo e.. Tayo na."

Nagulat ako. Nanlaki yung mata ko. As in! Sa sobrang saya ko, di ko alam na nahalikan ko na pala siya! Pero nagulat ako ng tumugon siya. I-I didn't know how to kiss, actually.

Pagkakalas niya, Ngumisi siya sakin at sabay kaming bumaba habang naka-akbay siya saakin.

************************

Sinulat ko to dahil eto yung pangarap ko na sana mangyari sa buhay ko. Sana mangyari. char. haha

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now