Chapter 40

66 4 0
                                    

Chapter 40

Text

INAYOS ko ang suot ko na dress habang tinitignan ang sarili sa salamin. Napaisip ako saglit. Bukas na ako aalis. Umuwi na rin dito si Agnes at Jasmine. Nandito sila sa mansyon dahil pinapunta sila ni Lola para sa dinner ngayon.

Malumanay akong bumaba ng hagdan. Wala naman talaga akong balak na bumaba. Talagang mapilit lang si Tita. Pagdating nila, Nagbatian kami saka dumiretso sa hapag-kainan. Si Lola naman ay panay ang kwento. Pati na rin si Jasmine.

"So, how are you, apo?" Nagulat ako ng biglang tumingin sakin si Lola. Ako pala ang kausap!

"I-'m fine." sabi ko.

"Lonely, ey? Sabi ko nga sainyo, wag kayong masyadong attach sa mga Corpuz. Binalaan ko na kayo diba? It's for your own good." Sabi ni Lola. Mukha iritado siya. "At saka, buti at break na kayo para matupad mo ang mga pangarap mo."

Nanlaki ang mata ko. Kahit si Tita at Jasmine, natameme. Alam ni lola? Kelan pa? darn.

"Alam ko yung iniisip mo. Matagal ko ng alam. Kaya buti at nag break kayo para matupad mo ang mga pangarap mo ng wala siya." Sabi niya saka sumubo.

Natameme ako. "Why would i chase my dreams without him when he is my dream?"

"Pero hindi siya pa--"

Di ko na siya pinatapos magsalita. This is my time to express what i feel.

"Kung hindi siya para sakin, edi hindi. Kung para sakin, para sakin. I can't stand here for too long just wait the right guy." Sabi ko. Pinunasan ko ang gilid ng labi ko saka tumayo. "I'm full. Thanks for the dinner. Ingat."

Pumasok ako sa kwarto ng mabilis saka nilock ang pinto. Binuksan ko ang cabinet ko saka kinuha ang mga damit. Kinuha ko ang maleta ko saka inayos ang mga gamit ko. Pati ang Documents, mga id, saka kung ano ano pa. Pagkatapos, lumabas ako ng kwarto para magpahinga sa balkonahe/Veranda ng second floor. Nakita ko si Jasmine duon na malalim ang iniisip nilapitan ko siya.

"Mukhang ang lalim ng iniisip mo a." Sabi ko sakanya. "You can share it with me. Makikinig ako."

Ngumiti siya saakin. "Sobrang lalim." sabi niya. "I fell inlove, once. Sobrang pagmamahal ko, nabulag ako. Lahat ng ginagawa niya, tama sa paningin ko. Hanggang sa nakagawa kami ng pagkakamali. I want to run away. But i can't. I really can't."

Nakatingin lang ako sakanya at parang puzzle na binubuo ang ma sinasabi niya sa isipan ko.

"Pinili kong lumayo at iwan sakanya ang pinaka-importanteng bagay saakin. My daughter." Sabi niya at ngumiti ng mapait. "Wala kasi akong budget nuon. Hanggang sa naging sakitin siya. Wala akong magawa dahil kailangan kong pumunta sa France. It's my dream. But now, i regret those things. Na dapat di nalang ako umalis."

Ngayon may sagot na ang lahat ng katanungan ko. Jasmine is Mika's mother!

"Kaya Sienna, don't be too harsh on yourself. Fight for the guy you want to be with."

Natulala ako sa sinabi niya. Ilang minuto pa bago ko ma-realize ang mga sinasabi niya. "Paano ako lalaban kung yung isa, suko na?"

"Still. Duon mo malalaman ang totoong pagmamahal mo sakanya." Sabi niya at ngumiti ng mapait.


Dumating ang umaga, kinabukasan. Ngayon na ang araw ng pag-alis ko. Mapait akong ngumiti sa naisip. Masyado yata akong pre-occupied kaya di ko agad maayos ang gamit at kwarto ko.

Napatigil ako sa aking ginagawa ng makatanggap ako ng text. Tinignan ko ito at napataas ang isang kilay dahil sa nabasa.

Unknown number:

Kael is not yours. FYI, pinaglalaruan ka lang ni Kael. He never love you. He really love his REAL girlfriend, Ann. Kaya wag ka ng umasa. Dare lang nila yun magkakaibigan.

Hindi ko alam yung gagawin ko. I'm not used to this. Ngayon lang ako nakatanggap ng text mula sa mga unknown numbers (except wrongsends from an unknown number)

Mas lalong tumaas ang kilay ko nang makita si Liziah na tumatawag.

"Hello?" -ako

"OMG! si Kael nakita ko naglalasing. super lasing! nagwawala na. pumunta ka na dito, dali! paalis na rin ako e. tinawagan ko na rin si Julius!"

Hindi na ako nakapag-react at nakapagsalita dahil pinatay na ni Eliziah yung tawag.

Ewan ko ba kung bakit naiiyak ako habang pumapara ng tricycle sa labas ng mansion.



*****************

Sorry kung ngayon lang ako nakapag-update. Super Busy lang kasi. HAHA!

PS: May ibang scenes na hinahabol-habol ni Sienna si Kael nung crush niya pa si Kael. I chose to hid that part kasi masyadong gugulo. basta ganun. parang si Sienna na yung nanliligaw. HAHA.

PPS: Actually, Sa next chapter baka makita duon si Sunny (nasa kabilang story siya. (Playful Destiny.) Just wait for the first chapter ng story na un. HAHAHAHA yun lang thanksss💓

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now