Chapter 16

62 4 2
                                    


Chapter 16

Marupok

 Oh, tayo na lang dalawa
Tayo na lang magsama
Tayo na lang dalawa 

Tulala ako sa pinapatugtog na kanta habang nasa bilihan kami ng shake. Hanggang nasa bilihan kami ng fries, grabe yung kanta!

Pinapaasa mo lang ako, kasi alam mo na crush kita. Oo na crush kita! Pambihira oh nung dati pa..

"Hoy, Sienna!San ka ba dadaan?" Sabi ni Ashley."Panget na daan yan!"

Nagpatuloy ako sa Paglalakad. Kaso nang makita ko si Ei (kaibigan ni Raicci na isa pa sa pinagiisipan kong gusto ni Kael) at sina Kael na nag uusap kasama yung kaibigan niya. 

Napatingin ako sakanya at ganun rin siya. "Oo nga.Wag na tayo dumaan dito." sabi ko habang nakatingin sakanya at nauna maglakad. Naririnig ko si Ashley na tinatawag ang pangalan ko kaya alam kong nakatingin SILANG LAHAT saakin.

"Bye na." Paalam ko kay Ashley at pumasok na sa Service. Naiintindihan naman daw niya ako.

PUMASOK ako sa bahay at hinanap agad sina papa. Nagulat nalang na hawak ni Papa yung camera ko!

"Pa!" i said. half running.

"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" sabi niya. May pinakita siya saaking picture na ikinalaki ng mga mata ko. "Sino to?"

"S-Si Julius, Papa." sabi ko. at lumunok dahil sa sobra sobrang kaba.

Nagkibit-balikat siya. "Baka crush mo to." Sabi niya. Tinignan ako ng mabuti. "Anong buong pangalan?"

"Julius Paulo Santos." Sagot ko. "Pero di ko yan gusto a! Kaibigan ko lang yan."

Tinignan niya ako ng mabuti at tumungo. Pumanik na ako sa taas para pawalain ang kaba.

I'm pretty sure, pag nalaman nila kung sino ang gusto ko, baka sumabog na ko sa sobrang pikon dito. Kaya as much as possible, di ko pinapaalam sakanila. Alam nila na kaibigan ko si Julius. Tropa, rather. Kaso si Papa, hindi niya alam. Kaya ngayon, alam na niya.

Nakarinig ako ng katok kaya binuksan ko ang pinto. Bumungad sakin ang tuwang-tuwa na si Wacky. Pinaraan ko siya at pumasok siya ng kwarto ko. Umupo siya sa may couch at ako naman ay sa study table na busy sa pag-edit ng mga picture namin nung Acquintance.

"Hindi pala kilala ni Tito si Julius Paulo mo." Sabi ni Wacky at natawa. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpatuloy sa ginagawa.

"Ngayon, kilala na niya." Sabi ko.

Tumawa siya saka nagsalita. "May practice nga pala yung Players ng basketball ng batch niyo sa Lunes."

"LUNES!?" Gulat na tanong ko. Tumango naman siya.

Oh my god.

"ANONG feeling?" Tanong ko kay Ashley. Binigyan kasi siya ng honesty award sa Flag Ceremony kanina. Kaya eto, proud na proud sa sarili.

Nandito ako dahil binalik ko sakanya yung wallet niya. Kaso ang daya naman. Nagbalik ako ng wallet, wala akong award. :(

"Ang saya sa feeling!" Sabi niya at tumawa. Bigla niya saking nginuso sina Kael.

Napatingin ako kina Kael at naka tingin siya sakin saka bumaling sa kausap niyang babae habang naka kunot ang noo. Kumunot bigla ang noo ko ng makita na tumawa silang dalawa.

Sarap abangan sa labas ng gate tong babaeng to. Payt me, b1tchhhhh

Tawang-tawa naman sina Ashley pagkakita sa reaksyon ko. Like, Hello!? As in halos mukhang sinapian sila sa kakatawa.

"Akala ko ba, hindi na?" Tanong niya.

"Babae lang ako. Marupok!" Sabi ko at tumawa naman siya.

Tignan mo tong babaeng to. Akala mo di siya marupok. E mas marupok pa sakin yan e!! HUSTISYAAAA


**********

Payt meh~! HAHAHA

MEMES LANG KAYA KONG I SHARE. HINDI SI KRASS <3

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now