Chapter 48

70 5 0
                                    


Chapter 48

Painting.


Kumain kami pagkatapos dumating ang delivery. Sarap na sarap pa si Jon sa pagkain kaya may mantsa na sa damit niya. Si Kael naman ay tuwang tuwa habang pinipicturan si Jon.

Kinuha ko ang mga plato, baso at mga kagamitan na ginamit namin kanina. Alam kong nakatingin siya sakin. Kanina pa. Nagulat ako ng may naramdaman ako sa likod.

"Can i help?" Matigas na aniya.

"Dun ka na kay Jon. Ako na ang bahala dito." Sabi ko sakanya at iniwas ang tingin.

"I insist." Aniya.


"No!" Halos pasigaw na sabi ko. "Bakit ba ang kulit mo? Eto nanaman tayo. Back to the old times? Papaasahin mo nanaman ako? Parang pakilig-kilig lang pero may gusto kang iba?"

Di ko na talaga napigilan ang sarili ko.  Dakila siyang paasa. Paasa. Magaling magpakilig pero may gustong iba. Gago ba siya?

"Hindi kita pinapaasa okay?" Mariin sa sabi niya.

"E ano? Ano nanamang balak--" Sabi ko sakanya pero di niya ako pinatapos.

"Mahal pa nga kasi kita!" nanlaki ang mga mata ko sa Sigaw niya. "Mahal kita, Sienna, okay? Mahal pa rin kita. My songs are all dedicated to you. Ikaw lang talaga."

"Ako lang talaga? E bakit may Elle ka? Ano to, gaguhan?" Sabi ko sakanya. "Kung noon na gaganyan moko, ngayon hindi na."


"I've been inlove with you since then." Aniya. Tumahimik akobpara pakinggan siya. "Since Elementary, rather. Nakita ko yung picture mo sa wallet. Nung una, wala akong pakielam. As in wala. Until he introduce me to you. Wala."


"Wala akong masabi." Pagpapatuloy niya. "Ang alam ko lang, i hate you. I really hate you. Ayokong hinahabol moko. E anong nangyari? Wala. Nahulog nalang ako bigla."


Mag-sasalita na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.


"Yes?" I asked.

"Sienna? This is Elle. Are you busy right now?"


Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Napatingin ako kay Kael at napalunok.


"Yes, Elle. Hindi naman ako busy. Why?" I asked while looking at Kael.

"Can i meet you at the coffee shop?"


Pumayag ako at sinend niya ang address. Nagpaalam ako kina Jon at Kael saka mabilis na umalis. Kaso biglang chinange niya ang venue. Dun na daw sa Office niya. Pumayag ako saka pumunta duon. Pag-pasok ko sa office niya, nakita ko siya na may Hawak na kape. Nang makita niya ako, nginitian niya ako at iginaya na umupo.


"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Tanong ko sakanya. Kasi may pupuntahan ako mamayang 6 pm.

"First of all, gusto kong malaman mo na mahal na mahal ka niya. Sa sobrang pagmamahal niya sayo, sometimes he forgot that i exist." Panimula niya while looking at my eyes. "He can't even look at me the way he looks at you."

"Hindi.." Sabi ko at umiiling. "He loves you. Kael loves you."

"No." she said. "Remember dati nung humingi ako ng favor sakanya? He rejected me. I really really love him. Gustong-gusto ko siya. Kaya ko siya pakakawalan at hayaan sa taong gusto niya. Kahit masakit, basta masaya siya."

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now