Chapter 36

43 4 0
                                    


Chapter 36

Dinner

I'M too nervous. Nasa harapan ko ngayon si Don Rafael. Habang katabi ko naman si Mika na hawak ang kamay ko. Ngayon ako ipapakilala ni Kael. Talagang pinaghandaan nila ito dahil pati si Kuya Daniel (half brother ni Kael) ay uuwi dito.

"Pa, si Sienna. Girlfriend ko." Sabi ni Kael at hinawakan ako sa likod.

"Nice to meet you." Ngumiti ako sakanya. Siya naman ay ngumiti rin. "Parang pamilyar ka.."

"I'm Mia Alvarez' niece." sabi ko. medyo kinakabahan dahil may past nga sila ni Don Rafael. "Nice to meet you too, Don Rafael."

"Oh no! You can call me Tito Rafael." sabi niya saka kami iginaya sa hapag-kainan.

Ang daming pagkain. Parang may fiesta. Di pa kami nakakaupo habang si Mika ay nakaupo na at kumukuha na ng pagkain.

"Late na ba ko?" Nanlaki ang mata ko saka lumingon sa nagsalita.

"Kuya Daniel!" Sabi ko at niyakap siya. Niyakap niya rin ako pabalik.

Nagulat ako ng biglang may humila saakin palayo kay Kuya Daniel. "Enough. Baka lumamig ang pagkain."

Kumunot ang noo ko sa inasal niya. Ngumisi si Kuya Daniel at hinalikan sa pisngi si Mika at saka kami sabay sabay na kumain. 

"Ano na ngayon ang plano mo?" Tanong ni Tito kay Kuya Daniel.

"Eto na nga, Pa. Iiwan ko sana muna sainyo si Mika dahil may business trip ako bukas." Sabi ni Kuya Daniel.

"Paano naman yung anak mo?" tanong ni Tito.

Anak!? Naguguluhan ako sa pinaguusapan nila. So anak ni Kuya Daniel si Mika? Wala naman akong nababalitaan na may girlfriend siya e. Asan yung mommy ni Mika?

"THANK you po." Paalam ko kina Tito. Nagpaalam na rin ako kina Kuya Daniel at Mika.

Habang nagmamaneho si Kael ay nagkwe-kwentuhan muna kami. Buti nga at wala kami sa maynila at dahil di pa siya pwede mag-maneho.

"So anak ni Kuya Daniel si Mika?" Tanong ko sakanya.

Sumulyap siya saakin at itinuon ulit sa daan ang atensyon niya. "Oo nga. Naiinggit nga ako e."

"Hala, bakit naman?" Tanong ko. Pinanlisikan ko siya ng mata. "Gusto mo na rin magka-anak?"

"Uy hindi a!" Sabi niya. "Kamukha mo kasi si Mika. Kamukha rin ni Kuya. Yung totoo, anak niyo ba ni Kuya si Mika?" Seryosong sabi niya at tinigil sa isang gilid ang sasakyan.

Nagulat ako sa tanong at inasta niya ngayon. Seriously?

"Seryoso ka?" Tanong ko sakanya. "Og course, not!"

Ngumisi siya tsaka pinaandar ulit ang sasakyan. Napaisip din ako dun. Kamukha ko si Mika. Impossible naman na anak ko yun. Ang kamukha ko lang naman sa pamilya namin ay si Agnes. Pamangkin ni Mommy sa side niya. Matagal ko na siyang di nakikita dahil nasa France na siya. Impossible naman na nanay siya ni Mika. Meron pang isa. Si Jasmine. Pinsan ko rin na nasa Manila dahil may inaasikaso.

"Ang lalim ng iniisip mo." Nagulat ako sa sinabi ni kael.

"Huh?"

"Nandito na kasi tayo." sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Oo nga nandito na kami.

"Sige, Thanks. bye." Sabi ko.

"Bye. Love you." sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako saka lumabas ng sasakyan habang iniisip si Agnes at Jasmine. Pumasok ako ng bahay at nakita si Tita Mia na nag-checheck ng mga papel ng mga estudyante niya. Nilapitan ko siya at nagmano at nag kiss sa cheeks. Nag-aalinlangan akong magtanong sakanya. Itatanong ko na ba?


******************


- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now