Chapter 19

44 5 0
                                    


Sorry sa matagal na pag-iintay. Keep safe din kayo sa bagyo. :)

--------------------------------------
Chapter 19

Past

"PUMASOK ka na." Sabi ni Kael.

"Wala tayong driver?" Tanong ko sakanya. "That's illegal!"

"Walang illegal pag ako ang gumawa." Sabi niya at kinindatan ako.

ARGH MARUPOK AKO!!

"WERE going to the hill! Yey!" Masiglang sabi ni Mika habang pumapalakpak.

Nakakandong siya saakin ngayon habang ang magaling na si Mikael ay nagmamaneho na parang timang na nakangiti. Matagal ko na siyang tinanggal sa crushlist ko. Ang weird lang dahil pagtanggal ko sakanya, ay ang pagkilos niya na nakakapag-pa assume saakin.

"Kuya, asan phoney mo?" Tanong ni Mika.

Tumawa si Kael at binigay ang cellphone. Mukhang alam na alam ni Mika ang password.

0812

"Pipicturan ko kayo." Presenta ni Mika.

Ngumiti si Kael saka tumungo. Naramdaman ko nalang na lumapit siya. Ilang minuto, saka ko lang napagtanto na nagpipicturan na kami dito.

PAGOD na pagod kaming sumakay ng sasakyan pauwi. Tulog na tulog na si Mika kaya naman sobrang tahimik. Tsaka lang siya nagsalita nung nasa tapat na kami ng bahay.

"Uhm.. Thank you nga pala. Bye the way, sorry kay Mika. Spoiled kasi e." Sabi niya.

Ngumiti ako at tumungo. "I understand." Sabi ko at nagpaalam na.

Isang nakakairitang boses ang bumungad sakin pagpasok ng bahay.

"OMG Tita! It's so nice."

Kumunot ang noo ko at lumapit sakanila sa Salas. "Ateeee!" Nakakabinging Hiyaw niya saka ako niyakap ng mahigpit. Akala mo naman ngayon lang ulut nagkita.

"Akala ko ba next week pa dating mo?" Sagot ko.

"Ayaw mo ba na nandito ako? Besides, excited na ko." Sabi niya at ngumiti.

Tumungo ako. Saka umupo sa salas. Imbis na makipagtalo sakanya, binuksan ko ang cellphone ko saka nagbukas ng fb. Sinubukan ko rin maglaro peor di ako makapag-focus dahil tili ng tili si Maiden.

"Ate, can i also sleep in your room?" No choice ako kundi tumungo nalang. Ano pa bang magagawa ko? E nandito sina Papa. Baka mapagalitan pa ko. Hmp!

Pumasok ako sa kwarto. Nakita ko siyang nagaayos. Kinuha ko ang towel saka dumiretso sa banyo. Pagtapos ko mag half bath, kumuha ako ng pantulog sa closet saka nagbihis.

Kasalukuyan akong nagsusulat ng magkwento yung madaldal kong kapatid.

"You know, ate. Si Lola, ang weird niya. She said na wag daw akong mag entertain ng manliligaw dito na Corpuz. Like, hello! Ako? Wow." Sabi niya at umirap pa.

Bumaling ako sakanya. "Really? Sinabi ni Lola yun?"

"Uh-huh." Sabi niya. "She's totally weird."

Aba. May point din pala kahit papaano tong babaeng to. Ang weird nga. I also remember na pinayuhan ako ng ganun ni Lola. Di naman tumalab e. Nagka-gusto ako kay Kael Corpuz.

Sa sobrang stress sa pag-iisip, bumangon ako at nagpasya na bumaba para makapag-midnight snack manlang. Pagbaba ko, nakita ko na bukas pa ang ilaw sa kitchen. Pumasok ako ruon at nakita si Tita Mia na nagchecheck ng mga test papers ng estudyante niya.

"Oh, bakit gising ka pa?" Tamong ni Tita saakin.

"Nagutom ako e." Sabi ko.

Kinuha ko sa ref ang sterelized Milk at saka kumuha ng Nutella at tinapay. Tuwang-tuwa ako habang nagpeprepare at habang kumakain. Naka 3 na tinapay yata ako.

"Tita, Paano mo nakilala si Don Rafael?" Tanong ko. Gulat na gulat naman siya at halos mamutla. "Are you okay, Tita?"

"Yes yes." Sabi niya at tumango. "Schoolmates kami dati."

"Wala naman kayong past?" I suddenly as out of nowhere.

"He's my-- E-ex." Sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. Kesa magsalita at magtanong pa ay tumahimik nalang ako. Kahit sobrang daming tanong na na-stuck sa isipan ko ay di ko nalang tinanong at pinilit na manahimik na lang hanggang sa pumanik at makatulog na ako.

********

May past silaaaa!! Ayan na. 2 update sa isang araw. Oha ohaaa!!

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now