Chapter 6 - Acquintance Party!

100 13 2
                                    


Eto na. Feeling ko mahaba-haba to e. HAHAHA Di pa ako sure pero, Sana nga. HeheZzzZ

--------------------------------------------------

Chapter 6

Acquaintance Party

"ANONG susuotin mo, Sienna?" Tanong ni Liziah saakin.

"Wala pa e." Sagot ko. "Bakit pa kasi Prints and Patterns ang Theme ng party. Aishh! Andami pang bawal. Bawal pa magdress!"

"Glad hindi ako pupunta." She chuckled.

"Wow. Super daya niyo ni Era!" Reklamo ko.

"Sama ako!" Anunsyo ni Era. "Wala pa akong damit e. Madali nalang yun!"

"Talaga!? So di na pala ako magiisa. Yeyy!" Excited na sabi ko.

BINABA ko ang kubyertos ko saka umakyat sa hagdan. Nagbihis agad ako para makapag-ayos na. Ewan ko ba. Pamaya-maya na ang Acquintance pero parang natatakot ako na kinakabahan. Syempre nandoon sina Kael. Okay! I admit it. Sinabihan ko sina Ashley at Althea na pagpapapicture ako kay Kael. Pero isa lang.

Kinakabahan akong pumasok sa gate. Marami pa ang gagawin bago makapasok. May small interview and Inspections. Binigay ko sa guard yung bag ko para ma check at ipinakita ang permit at ID. Like, wow! Super secured ng school na ito.

"Oh my god! Siennaaaa!"Napabaling ako sa tumili na si Ashley.

Lumapit ako sakanila saka ngumiti. Hinila nila ako papuntang Gym. Sobrang ganda! Maingay tapos colorful yung mga ilaw. Hindi mo aakalaing simple na Party lang to.

Nagpaalam na sina Ashley dahil hahanap pa sila ng uupuan nila sa Section nila. Nakita ko naman kaagad si Era at mabilis akong hinila patungong banyo.

"Ay wow." Sabi ko.

Lumabas siya ng cubicle. "Tara na. Para makahanap tayo ng upuan. Hanapin na rin natin sina Kael. Ayiieee!"

Tumungo nalang ako at nagpahila sakanya. Pagdating namin dun, umupo na kami sa bandang dulo.

"Sienna, sina Kael oh!" Sabi ng mga kaklase kong lalaki.

"I dont care."

Syempre press release ko lang yun, nuba! Hehe.

DUMAAN ang mga minuto. Natapos ang opening speech and etc. Natapos na rin ang roll-call/Yell ng bawat section. Siniko ako ni Era. "Oy nakatingin sina Kael dito oh."

Napatingin ako sa gawing kanan namin. Dahil nakatayo kami, nakita ko na tumatawa silang tatlo at nakatingin sakin. Argh! Minsan nakakaasar pa rin Miggs noh? Nang matapos na ang lahat, lumabas na ang hudyat. Ibig sabihin, OPEN NA ANG DANCEFLOOR! AYIIII.

Dumilim na ang paligid at nagsilabasan na ang mga makukulay na ilaw. Medyo masakit sa mata. Nagkayayaan tuloy kaming sumayaw. Sobrang wild nila. HAHA. Sa pagod ko, umupo ako sa upuan. Paglingon ko sa gilid ko, nakaupo si Miggs sa di kalayuang upuan habang naka-dekwatro, hawak ang cellphone at naka tingin sakin. Sa gulat ko, napatayo ako at hinila ulit si Era sa Dancefloor.

"Si Kael oh!" Sabi niya.

Napalingon ako duon. Nakita ko siya. Nakikipag picturan kina Eiko at Leina. Okay. I know. Matagal na silang magkakakilala kaya ganon.
Sumayaw sayaw pa kami saka nakita ang sarili naming malapit-no, nasa parte na ng Dandelion.

Nakarinig ako ng hiyawan. Pag lingon ko, papalapit sina Ashley at Era at hawak si Kael palapit saakin! "Picture!" Si Era.

Di ko mababa yung kamay kong parang nakalutang dahil mapatigil. Parang tumigil ang mundo ko. Ngumiti nalang ako at nag picture. Kaso halos humandusay na ang puso ko nang hawakan niya ang likod ko! OMG! Biglang nahagip ko sa di kalayuan si Maam Mikean (Adviser nila) nakangiti siya at tumungo. Kyaaaaa~

"Ayyyiiii! OMG bagay kayo!"

"For real!? OMG pano si Richane?"

"I dont know. Basta bagay sila!"

Lihim akong napangiti sa mga naririnig ko. Yiii. Totoo ba to!? O baka nananaginip lang ako? Pag tapos nun, umalis na kami dahil sa kahihiyan. Patuloy lang kami sa pagtatalon, kanta, tili, hiyaw, at sayaw. This is the most memorable time in my life!

*************

Totoong may Acquintance kagabi. Sobrang ganito lang rin nangyari. Hehezz <3

- PurpleJade26 -

Follow the following accounts!

Twitter : @ElizaldeMarie

Facebook : Solelle Riego

Instagram : @hermosasofieyyy (This is a private account but you can send a request if you want.)

@sweethermosa (my public account. For wattpad purposes.)

That's all. Thank youuu!❤️

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now