Wakas

126 4 6
                                    

WaaAaa! Eto na. Super thank you sa mga friends ko, kay Ate Eyka, Therence, Jema, Mia, Kara, Hannah, Anne, Jana, Ahyan, Kizia, Luke, Krizchelle, Ella, Kaila, Mia, Kate, Venice, Avery, Paulene, Angel (Quelvin), Angel (Jonelle), Ren, Cassey, Kyle, and Angielen.  Sa mga pinsan ko, Kay Hannah Shobe, Achi Ela, Tetet, Ate Drew, Nicole, and many  more. And to my family, Relatives, and also sa mga readers nito. Kahit onti lang kayo, i still appreciate your efforts. Thanks, again. I love you all!❤️

And hi kay Blake. Haha💗 ngiiii

--

Wakas

Naiinis ako. Inis na inis! Bakit pa kasi ayaw tumigil nung babaeng yun? Kung maka-tingin pa, wagas. Siguro naman kaya niyang mabuhay ng hindi ako nakikita diba?

"Grabe, 'pre. Baliw na baliw yata sayo yung kaibigan ni Fritzie." Sabi ni Jonelle habang nakatanaw kami sa section nila na lumilipat ng room.

Napa-iling ako. "Tigilan mo na nga!"

"Ay sorry. May gf ka na pala. Ouch, saket naman nun para kay Sienna." Sabi niya at napahawak pa sa dibdib niya.

"Sienna?" I asked.

Tumungo siya. "Oo. Yun yung pangalan niya. Ang ganda nun, 'pre. Crush nga yon ni Sean eh."

Lumingon saamin si Sean na parang baklang namumula. "Oo, 'pre. T-type ko yun e. Si Josefina Adeline Alvarez."

Alvarez.

Alam kong una pa lang, hindi magiging sang-ayon ang lola niya. Kaya habang tumatagal, binabaliwala ko nalang siya.

Sienna Alvarez reacted on your comment on Jacob Miguel's photo.

Sienna Alvarez mentioned you in a comment.

Sienna Alvarez commented on the photo you shared.

Sienna Alvarez also commented on Jacob Miguel's photo.

Siya nalang lagi ang laman ng notifications ko! Hindi ba titigil ang babaeng to? Aksidente kong nagulat ang huling notifications.

Sienna Alvarez
Omaygad! Kausap ko lang to kanina ah?

Jacob Miguel
Hahaha pogi noh?💘

Sienna Alvarez
Heh! Kapal mo.

Napairap nalang ako sa sagutan nila. Really? And si Jacob, pinapatulan yang isip bata na yan?

Sienna Alvarez
Clara Marie

Sienna Alvarez
Opx napindot ng patubong buhok ko. I'm so sorry. Ngii

Jacob Miguel
Nakakatawa yun? Really? Humanda ka sakin bukas.

Clara Marie
Omg. Wag ka ngang ganyan, Jacob. Grabe ka.

Jacob Miguel
Blaze yung baby mo.

Clara Marie
You think it's funny?🙄

Patubong buhok? Pinipigilan ko yung tawa ko ngayon. Fvck bakit ba ako natatawa? Eh wala namang nakakatawa sa patubong buhok. Tss. Childish. Dahil dun hindi ko na napansin yung mga comments sa huli.

"Hoy!"

Nagulat ako sa tulak ni Jonelle kaya bigla kong tinago ang cellphone ko.

"Hmm. Galing naman natin mang-stalk jan ah. Baka makaperfect ka sa test niyan?" Pabirong bulong ni Jonelle.

Tinulak ko siya at ibinaling ang tingin sa malayo.

"Ah excuse me, hijo?" Napatingin ako sa Teacher namin sa EPP.

Oo nga pala wala akong nametag! Kung minamalas nga naman!

"Get out! Hindi ba sinabi ko dapat may nametag na kayo? Aba eh ang tagal na tagal na niyan ah." Sabi niya pa.

Kinuha ko ang bag ko at inis na lumabas ng room. Habang nasa labas, napatingin ako sa bintana ng kabilang room. Umagaw agad saakin ng pansin yung babaeng nag-aayos ng buhok habang papunta sa pintuan. Ilang segundo bago ko napagtanto na si Sienna pala yun.

Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa College Garden. Nakita ko sila na tinatapos ang ginagawa sa PE na may patalon-talon. Umupo ako isa sa mga benches duon at nanood. Mukhang naiilang siya sa presensya ko kaya lumipat siya sa kabilang grupo.

Nakita kong lumapit si Wim saakin kaya umayos ako ng upo. Tumabi siya saakin at sumigaw kay Sienna Habang sumesenyas. "Sienna!"

Nabigla si Sienna kaya bigla siyang namula kaya tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang mga palad niya saka tumakbo palayo. Napangiti ako ng palihim sa ginawa niyang iyon.

Days passed by, i found her interesting. Naglagay siya ng letter sa locker ko. Nung umpisa, akala ko tulad lang iyon ng mga schoolmates ko na nagsusulat na magaling kaming members sa banda, gwapo, at kung ano-ano pa. Pero nung nabasa ko ko yung sulat niya, gaya ng sinabi ni Blaze sa babaeng gusto niya, parehas sila ng pananaw sa pagsusulat.

Pinapakilala ang sarili saka magsisimulang pumuri. I found her really interesting.

"Bakit hindi mo ako magustuhan? You think i'm not attractive enough?"

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. This poor little girl. Grade 7 pa lang yata to e. 

"Baka may kulang sayo kaya ganun?" Sabi ko sakanya at nginitian siya.

Biglang nag-init ang ulo ko nang makita ko si Sienna at Jacob na naguusap. Mukhang tuwang-tuwa sila sa isa't-isa.

"Hay nako, Jacob! Wah wag! Grabe ka!" Sigaw ni Sienna habahg tumatakbo.

Tawang-tawa naman si Jacob at inilalapit pa kay Sienna ang insekto na nakuha niya.

"Pre,"

"Uy pre." Sabi ko pabalik kay Yuan na kararating lang.

Kinuwento saakin ni Yuan ang tungkol kay Sienna. Napunta din sa usapan tungkol sa kakambal niya.

Lumipas ang mga segundo, minuto, araw, linggo, buwan, at taon. Naging mabilis ang pangyayari. Naging kami ni Sienna, Naghiwalay, at umalis siya. Biglang gumuho ang mundo ko ng bigla siyang umalis.

Sa sobrang pagkakagusto ko sakanya, hindi ko nabanggit sakanya na humingi ako ng kopya ng Marriage Certificate namin sa Wedding booth. At dahil kaibigan ni Tito ang Nagkakasal dito, pinapalitan ko iyon ng legal na certificate. Kaya kahit saang anggulo mo tignan, kasal kami.

Pinasketch ko rin ang picture namin ng araw na iyon. Kaya kasalukuyang nasa sariling bahay ko. Nakita pa iyon ng Anak ni Jonelle kaya naging curious sa kwento namin.

Hanggang ngayon, nagpapasalamat pa rin ako dahil bumalik si Sienna. Bumalik siya. Bumalik ang babaeng pinakamamahal ko. Kaya ngayon, wala akong gagawin kundi ang pag-silbihan siya habang buhay. Naniniwala na ako sa sinasabi ni Tita Mia. Our Love is Treasured. Our love will be forever treasured.


W a k a s |

- PurpleJade26 -

Follow the following accounts!

Twitter : @ElizaldeMarie

Facebook : Solelle Riego

Instagram : @hermosasofieyyy (This is a private account but you can send a request if you want.)

@sweethermosa (my public account. For wattpad purposes.)

That's all. Thank youuu!❤️

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now