Chapter 17

55 6 1
                                    


Chapter 17

Wala na talaga..

"MANONOOD ako!" Sabi ko kina Kristoff.

"Dapat lang." Sabi ni Kristoff saka humalakhak.

Ewan ko pero, wala lang. Nasa mood lang akong manood. Tutal vacant naman namin ng mga oras na yun.

Mabilis akong lumabas ng room pagkatapos ng isang subject namin. Nakita ko sila na nag wawarm-up duon sa Quadrangle/Court. Ngumiti ako sa mga ibang estudyante na nanonood saka naupo duon. Kasama ko naman si Shynelle habang nanonood. Si Era naman ay tumawag kagabi saakin. Balak niya raw umuwi ngunit di siya pinapayagan ng mga kamag-anak niya.

I cheered Kristoff and my classmates as loud as i can. They need some support. Lalo na si Kristoff. Nakaka-awa lang dahil di pa siya pinapansin ng crush niya. Pano ba naman e, ang ganda! Mabait pa. Tapos matalino rin.

Lumipat kami ng pwesto. Nasa may hagdan kami. Ang ilalim ng hagdan ay kung saan tumatambay ang mga players na hindi pinasok/ pa pinapapasok sa game. Nagtawanan kami dahil nagpapatawa ang mga kaklase ko. Niloloko rin nila sina Kael na magtanggal na ng jersey o mga t shirts nila dahil mainit na raw kuno.

Eto namang si Juztie (kaklase namin na transfer pero dito din siya galing), kung sino sino yung pinapakilala sakin. Tawa naman ako ng tawa dahil epic yung reaksyon ni Juztie. Ng yung kaibigan na ni Kael yung pinakilala, dun na ako nagpipigil ng tawa. Dahil hinawi ba naman yung halaman na nasa mukha niya saka nagpa-pogi poise.

Walang pasubaling napatingin ako kay Kael habang nakangiti. Nakita ko siya na tumigil sa pagtakbo at bumaling saamin. Siguro ang epic na ng reaksyon ko ngayon. 

KATATAPOS lang namin magpaprint ni Shynelle. Siguro mga 1 oras din kami duon. Naglalakad kami habang nagtatawanan nang may mahagip ang dalawang inosenteng mga mata ko.

"Si Mikael oh!" Sabi ni Shynelle at tinuro sila.

Napabaling ako sakanila at nagkatinginan kaming dalawa ng kaibigan niya na pinapakilala ni Juztie saakin kanina.

"Si Sienna, oh!" Sabi niya saka ako tinuro.

Napatingin si Kael saakin at sa kaibigan niyang nakangiti. Bigla namang kumunit ang noo ni Mikael saka tumungo at binilisan ang lakad palayo.

Argh. Ang pinaka-ayoko ay yung pag-aassume e!!

"AYAW mo naman pala mag-assume. E bakit gumaganyan ka?" Tanong ni Sapphira Sunshen, Pinsan ko.

"Ewan ko. Siguro, likas na?" Sagot ko.

Hinampas niya ko ng mahina. "Sira!" Sabi niya. Same school lang kami. Pero mas bata ako sakanya ng 1 taon.

Sapphira Sunshen Alvarez. Kapatid ni Wacky at Ang ganda ng pangalan niya. Kaso medyo may palya yung ugali. Palaban, madaldal, pero may class. HAHA Di ko nga alam kung nagmana kay Tita Sav yan e.

"Malapit na pala ang Intrams niyo a?" Tanong ni Papa saamin habang kumakain ng dinner.

"Yes, Tito. Actually, pagkatapos pa ng Periodical Test." Sagot ni Wacky.

"OMG! Im so excited--"

"Walang nagtatanong." Sabi ni Wacky. Pinutol yung sinasabi ni Sunny/Sapphire.

Tumawa si Papa saka nagsalita. "Maganda yan. At baka umalia din tayo after ng Intrams niyo."

"Huh? Bakit Tito?" Naguguluhang tanong ni Wacky. Na kahit ako, naguguluhan na rin.

"Family problems."

Hindi na kami umimik at tinapos na ang pagkain. Iritang-irita naman si Wacky dahil kinukulit daw siya ng kapatid niya. Malamang. Kapatid niya yun e. Napailing nalang ako sa naisip.


*********

Sorry for the short update!

Naiisip kong gawan ng side story si Sunny. Siguro mga 15-20 chapters lang tapos i papartner ko siya kay Jacob Miguel. Ano? Game ba? HAHA

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora