Chapter 13

62 4 0
                                    


Chapter 13

Hindi kaya?...

"ANO?" Sabi ni Shynelle. "Tara na. Para sa grades mo rin to. Malalaman mo na yung grades mo next week."

Tumungo ako at inintindi ang sinabi niya. Tama! Para sa grades ko rin to.

Nilakasan ko ang loob ko at umakyat sa hagdan. Unang nakita ng mata ko si Mikael na mukhang natigilan at nakatingin sakin. Tumuloy-tuloy na ako hanggang sa nasa floor na nila ako. Sakto naman at nakita ko si Khristine.

"Khristine!" Sabi ko at hinawakan ang siko niya.

"Bakit?" Tanong niya at bumaling sakin.

"P-Paki tawag naman sina Ana. Di ba kaklase mo sila? Kukunin ko sana yung Asin e." Sabi ko.

Ngumiti siya saka tumango. Habang nagiintay kami, ang dami na naming na-eencounter na tao. Maya-maya pa'y nakita ko si Carl (kaibigan ni Kael na maingay) na nandoon kausap sina Kael na halos nasa Tapat lang namin!!!!!

Ilang minuto pa ay pumanik na si Julius. Tumatawa pa ang loko habang nagpalit ng tingin saaming dalawa ni Kael. Nagusap sila ng onti at pagtapos lumapit na si Paulo.

"Baka magustuhan mo yung gagawin ko." Bulong niya at nag evil-grin ang loko!

Nagulat nalang ako ng hilahin niya si Kael at dinala sa harap namin! Waaa!!~

"May sasabihin ba kayo sa isa't-isa?" Tanong ni loko.

May mga kaibigan pa silang kumakanta. Jusko. Nananaginip ba ko? Wag naman sana. Shetttttt!

Nang halos dinaig pa ang kamatis sa pula ng pisngi ko, lumayo na sila at nag usap.

Aba, siraulo!

"Grabe tong si Julius a." Sabi ni Shynelle.

"Sinabi mo pa." Sagot ko.

"HINDI papasok yon!" Sabi ni Ashley.

"Papasok yon." Sabi ko. Nandito ako sa labas ng section nila.

"Sabi mo e." Sabi niya at tumawa.

Nagkwentuhan kami sa labas ng room nila kasama si Shawn. (Crush ni Ashley na kaibigan ko.)

"Hoy, magsalita ka nga jan!" Sabi ko kay Shawn sabay tampal sa braso niya.

"Oops! Pumasok!" Sabi ni Ashley at kinalabit ako.

Pagtingin ko, Si Kael nga! At Pumasok siya! Sabi ko na nga ba e! Yung magkakaibigan kasi na yan, pag-umabsent, laging half day lang. Kasi dati, absent siya nung umaga. Pero nung PE namin at lumipat kami sa Gym, naabutan namin yung section nila at naroon siya. In short, NAG HALFDAY. Dahil may lagnat yata.

Medyo makulimlim pa nung lumabas ako ng gate. Dahil wala pa yung service ko, napagdesisyonan ko munang tumambay sa may Pathway. Umupo ako roon at naghintay. Nang makita ko na ang service ko, binuksan ko ang pinto saka nilagay ang bag ko.

"Uy si Sienna oh!" Sabi ni Julius. At tinuro ako kay Kael.

Nanlaki ang mga mata ko at inayos ang bag ko. Nagpaalam ako sa service ko. At pagsara ko ng pinto, nakita ko sila na medyo malayo-layo. Hindi ko alam kung bakit tumakbo pa ako kahit naka heels ako.

"Hoy si Mikael oh!" Hiyaw ni Fritzie sabay turo nang napadaan ako.

"Luh, pereng tenge!" Sabi ko at tumawa. Syempre biro lang yon! (Pero medyo kinikilig na ako) HAHA.

Naglakad na ako ng tuloy tuloy hanggang sa makarating ako sa bilihan ng shake.

"Choco Fudge, nga po. 20 pesos." I clearly said.

Maya maya pa ay nakita ko na sina Kael. Huminto sila sa tabi ng tindahan kung nasaan ako. Tawang tawa si Julius/Paulo nang tumitingin sakin dahil halos maging kamatis na ang mukha ko sa pula!!

Nagiwas ako ng tingin sakanila. Pag balik ko ng tingin, may payong na sila. Saka ko lang nalaman na umuulan na pala. Nang binigay na saakin ang shake, binayaran ko na ito. Bumaling ako sakanila at nakita na naghubad pala ng polo si Kael kaya naka TShirt nalang siya ngayon. Waaaa!

"Peram naman ako ng payong saglit, Juls." I said.

Napatingin saakin si Juls at bumaling kay Mikael. "Payungan mo nga. Paki hatid na rin sa may umpisa ng Pathway."

Tumungo si Kael at lumapit saakin. Nang tinapat niya ang payong niya, nagsimula na kaminv maglakad. May mga nadadaanan din kami na todo ang kantyaw saamin.

"Bagay sila!"

"Sayang crush ko pa naman si Sienna."

"Bagay talaga sila! Hala."

I know right! Char. HAHA.

Nang makarating na kami, nagpasalamat ako sakanya at naglakad na sa Pathway ng nakangiti. Habang naglalakad, nakatanggap ako ng mensahe.

*****

Ang lakas kasi ng ulan kanina. Totoo to! HAHA.

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now