Chapter 22

55 5 0
                                    


Chapter 22

Sign

BUKOD kay Kael, may isa pa kong crush. Pero mukhang attraction lang naman siguro dahil mas matanda sakin, matangkad, maputi, cute, saka gwapo. Yiii!

Paakyat kami nang makita ko sila Kuya (Krass ko na mas matanda sakin. (Hindi si Kael)) P.E. kasi nila ngayon. Halos naka-nganga ako habang tinititigan siya. Pero si Kael? Wala. Absent pa rin. Di ko nga alam kung bakit absent yung hinayupak na crush ko na yun e.

"Baka matunaw!" Asar nina Liziah sakin. Inirapan ko nalang sila saka pumanik.

NANG matapos ang Science namin nung hapon, nagpaalam akong Mag-Cr. EWAN ko ba. Nanlalamig ako. Di naman siguro dahil sa mga nangyayari ngayon. Kung hindi dahil sa sinabi ni Scarleth saakin kagabi.

Scarleth:

May gusto na si Kael e. Natotorpe mga siya e.

Wala. Masyado akong affected pagdating kay Kael. Ewan ko ba. Gulong-gulo na ko. Kahit namimilipit na ko sa sakit dahil masakit ang puson ko, ayokong magpadala sa clinic. Saka medyo pre-occupied ako ngayon e.

Di ko pa sure kung meron ako. Pero.. Pumunta akong CR para alam niyo na! Habang naglalakad, umaasa akong makikita ko si Kael pero kahit ngayon, di siya nag half day. Nag-aalala tuloy ako. HAHA.

Nakita ko sina Kuya Krass na naglalakad papunta sa room nila na 1 classroom away lang sa room namin. Kaya tumakbo ako ng mabilis at di ininda ang sakit. Kaso di ako pinalad na maabutan siya. Nakita ko lang sina Scarleth at sina Maam sa labas ng room namin.

Nang pumasok na sila, naiwan kami ni Scarleth at yung isa niya pang kaibigan. Bumugtong hininga si Scarleth saka nagsalita.

"Sinabi ko yun kasi ayokong umasa ka." Sabi niya.

"Ha?" Sabi ko. Sinusubukan i-digest ang mga sinasabi niya.

"Ayoko lang na masaktan ka." Sabi niya. "Payong kaibigan lang." Duktong niya saka umalis.

Mabait naman kasi yang si Scarleth. Masyadong mapagmahal. Kaya nasasaktan.

"HALA!" Sabi ko habang tunatakbo kami. Nakalimutan ko na Vacant pala nina Kuya krass. Yung grade 9. Ihhh kinikilig tuloy ako. HAHA

"Really?" Di makapaniwalang sabi ni Liziah. Kasama namin sina Angelina. "Library? Oh god, Sienna!"

"Shh!" Sabi ko.

Nakita ko sila sa labas ng library. Inuubos ang iniinom nilang shake para makapasok sa loob. Binilisan ko ang lakad ko at act normal lang. Nasulat ako ng name, Time, at section sa list sa labas at nakita ko silang pumasok na rin.

Nakita kong kinuha ni Kuya yung ballpen at nagsulat na. Tsaka ko lang naalala na di ko pala nalagyan ng time!

"Tol, yung ballpen?" Narinig kong tanong sakanya nung kaibigan niya. Jaire yata pangalan.

"Sila pa." Narinig kong sagot ni Kuya Krass habang tinuro ako.

HALA KYAH MARUPOK AKOOO!!

Kumuha ako ng ballpen dahil sa gulat at saka tumungo at nagsulat. Saka ko lang napagtanto na ganun din ang posisyon niya kaya halos magkadikit na ang mukha namin. Pagkatapos nun, dahil nahihiya na ako, tumuloy na kami sa loob. Ala naman kaming ginawa. Tumanga lang. Samatalang sina Kuya Krass, nagaaral at nagbabasa. Siguro para sa future namin. Charrrr! HAHA.

Dahil sa pagka-bored ko, umalis na kami. Baho kami umalis, nakita ko sa bintana na nakatingin siya sakin habang nakikipagusap sa kaibigan niya at maya maya pa ay ngumiti na siya sakin!! OMG!

Nagtatatalon ako habang naglalakad. Pagpunta ko sa room, saka ko lang naalala ang room nila.

Room nina Kuya Krass
——————🚪——
                        DAANAN
                     |
Other section🚪
                      |
                      |
  Room namin    🚪
                      |


So bali, paglumabas ka ng room namin, pag tumingin ka sa kanan, makikita mo na yung room nila. Yiii

Pero paano naman si Kael?

Ganito nalang. Gagawa ako ng sign.

Pag pumasok siya ngayong P.E.// Hapon, ibig sabihin nun, crush ko pa rin siya.

Okay! Gameee!!

*******

Shout out kay Kuya Krass sa Grade 8. Charrr. HAHA

- PurpleJade26 -

Treasured Love | CompleteWhere stories live. Discover now