Kabanata 3

25.6K 986 156
                                    


H/n

Enjoy🤓. Please do comment  kung ano po tingin nyo sa story na'to.

3

     “Ano ang ibig mo sabihin na hindi mo alam? Hindi kaya nagpapanggap ka lang para maipahamak mo kami lahat.” mula kay Drigo napatingin ako kay Sena.

     Tumaas ang isang kilay ni Flirty side ko sa mataray na si Sena. Naamoy niya ang isang karibal.

     “Miss. Hindi ko mataandaan kung sino ako. Hindi ko talaga makilala ang sarili ko. Hindi ko gusto magkaroon ng amnesia. Believed me. Me, myself and I want to know the answer for your question.”

     Pumalakpak si Flrty side ko. Tablado si ateng eh.

     Napanganga sila na para ba may sinabi ako kakaiba.

     “Kakaiba ka talaga.” Sabi ni Drigo. Hindi ko maintindihan ang pinapahiwatig ng titig nya pero bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

     Tumikhim ako. Dahan-dahan lumayo rito at bumalik sa gilid ng kama. Hindi naman sya sumunod. Tumaas lang ang sulok ng labi nya. Namulsa bago muli ako tinignan. Tingin na hindi ko sinalubong.

     “Anong salita ang ginamit mo dasal ba iyan? Isa ka siguro mangkukulam.” Si Winona na takang-taka sa pag-iingles ko.

     Geez nasaan lupalop ba ako. Nag-english lang mangkukulam na kaagad hindi ba nakakaintindi ng ingles ang mga tao dito. Lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila.

     “Huminahon kayo.” Pigil ni aling Geneva sa magtatanong din sana na si Trina. Tinignan ako ng babae.

     “Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo Ineng pero mukha naiintindihan ko na ang kalagayan mo. Sa akin tingin nawala ang iyong alaala dahil  sa pinsala natamo mo sa iyong ulo. May nakilala na ako nagkaroon ng ganyan karamdaman. Ang sabi niya buwan ang lumipas bago bumalik ang lahat ng alaala nya.”

      “Nawala ang alaala?” Ulit ni Drigo na nakatingin kay Aling Geneva.

     “Oo dulot iyon ng pagkakauntog ng kanya ulo. Pero huwag kayo mag-alala babalik din ang lahat makalipas ang ilang buwan.”

     Sino ba sila? Bakit parang wala silang alam? Amnesia can be severe pwede hindi na bumalik ang alaala ko. Bakit kung ituring nila parang lagnat lang meron ako.

     “Dumito ka muna pansamantala Ineng hanggang sa bumalik ang mga alaala mo.”

     “Nanay Geneva hindi po maari. Paano kung isa nga sya espiya. Paano kung ipahamak nya tayo o saktan nya tayo.” Apila kaagad ni Sena.

     "Sena. Babae rin sya tulad mo. Anong magagawa nya. Isa pa ang dami natin kalalakihan na pwede pumigil sa kanya kung sakali may gawin  sya masama.”

      Ano ibig nya sabihin na babae lang ako?  My badass side  said. Bakit gusto ko umapila sa narinig ko.

     “Tama si Nanay Sena. Kung sakali may gagawin na masama ang binibini mapipigilan namin sya.” Inirapan ni Sena si  Pedro na nagsalita.

     Hindi talaga ako makasabay sa usapan nila. Umiikot ang isip ko sa sobra kalituhan.

     Wala sa loob na napahawak ako sa damit ko. Then something hit me.

     Wallet! Kailangan ko makita ang wallet ko. Sigurado ako may ID ako nakalagay doon.

     “My pants. Asan ho? Kailangan ko makita ang wallet ko.”

     “Ano daw P-pants? Wallet?” bulong ni Ejercito kay Drigo. Bakas ang pagtataka at pagkalito sa mukha.

     My sensible side  rolled her eyes. Bakit pakiramdam ko pare-pareho kami nalilito sa bawat isa. Sila sa akin, ako sa kanila.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon