Kabanata 18

19.3K 976 178
                                    

18.

     Ang lalaki nakita ko pinatay ni Drigo ay isa bayarang mamatay tao.

     Paano ko nalaman?

     Narinig ko ang pag-uusap ni Benito at Pedro , nalaman ko din na malaki ang galit ni Drigo sa mga assassin. Kung bakit, hindi ko na alam dahil tumigil sa pag-uusap ang dalawa ng makita ako.

      Hindi ko na din naman sinubukan na itanong dahil hindi na katulad ng dati ang pakikitungo nila sa akin. Kaya naman isang tipid na ngiti lang binigay ko sa kanila bago ko ipinagpatuloy ang pagwawalis ko.

     Dalawang-linggo na ang lumipas simula ng ikulong nila ako, at isang-linggo at apat na araw ng huli kami magkalapit ni Drigo. Kung dati ako lang ang umiiwas, ngayon pati sya umiiwas na din. Hindi na nya ako tinatapunan ng tingin. Para na lang ako isa ordinaryo mamayanan ng Liwayway  na hindi na dapat bigyan ng oras o kahit na sulyap man lang ng isang mataas na pinuno tulad nya.

     It hurts, and everyday I am in pain.

     Piyesta ng araw na iyon.

     Abala ang lahat. Hindi lang grupo ko kundi ang grupo din ni Drigo.
Ako umaga palang tumutulong na ako sa mga gawain. Hanggang sa magtanghalian at dumating ang mga bisita sa compound ng Sandugo.

     Isa ako sa mga nag-aayos ng pagkain sa mesa habang sina Drigo at ang grupo nya ay nakaupo sa isang napakahaba mesa- I'm not sure kung bago gawa iyon o nakatago lang at inilalabas sa mga ganito okasyon dahil ngayon ko lang nakita. Kumakain na sila kasama ang mga bisita.

     Noong una hindi ako nagse-served pero ng mapansin ko na hindi na magkandaugaga sa pagsisilbi sina Lerma, Bituin at Anita ay tumulong na ako.

     Sa unang pagse-served ko palang naramdaman ko na ang tingin ni Drigo sa akin. Unang beses pagkatapos ng ilang mga araw.

     “Salamat sa pag-imbinta sa amin Drigo. “ narinig ko sabi ng isa sa mga lalaki bisita na Crisanto ang pangalan. Ilang oras ang nakalipas.

     “Walang anoman kaibigan. Laging bukas ang lugar ko para sayo.”

      Tumayo ang binata at nakipagkamay.

     “Kung ganon ay kakapalan ko na ang mukha ko. Maaari ko ba hiramin ang iyong Tagasilbi na gumawa ng matamis na tsokolate tinapay na inihain kanina?”

     Mula sa  pag-aalis ng mga plato pinagkainan sa mesa ay napahinto ako. Ang tinutukoy nya ay ang binake ko cake gamit ang pugon kanina. Matamis na tsokolate tinapay ang tawag nila doon.

     Kumunot ang noo ni Drigo. “Hihiramin?”

     “May sakit si Ina mahina sya kumain ngayon. Alam mo mahilig sya sa matatamis na tinapay baka sakali ganahan sya kung makakatikim sya noon. Alam ko pwede ako manghingi pero sasamantalahin ko narin na pabantayan sya dahil mawawala ako ng dalawang araw at kailangan ng makakasama ni Inay.”

     Ngumiti si Drigo. “Walang problema kaibigan.” Bumaling si Drigo kay Bituin. “Sino ang gumawa ng mga tinapay Bituin.”

     Si Bituin na nagpupunas ng mesa ay tumingin sa akin. “Si Rayette po pinuno.” Tumingin sa akin ang babae.

     Natigilan si Drigo at tinignan ako. Nagsalubong ang kilay nya at nagtatanong ang mga mata. “Oo Pinuno.” Sagot ko naman.

     May dumaan na kung ano sa mga mata nya. Hindi ko nabasa dahil kaagad din nawala. “Maari ka ba sumama kina Crisanto para ipagluto at alagaan ang inay nya?”

        Binitawan ko ang kutsara hawak. “Kung ano ang iutos nyo pinuno.” Simple sagot ko.

      Muling nadepina ang panga nya. “Nang dalawang araw.” May diin na dugtong nya. “Kung iyon ang iyong gusto.” Tinanggal ko ang apron na suot ko.

DayoWhere stories live. Discover now